13: Leaping to the Next Thread

88 7 0
                                    

"The only way to understand a river is to jump into it."

-Alice Hoffman, The Museum of Extraordinary Things

DRACULO

"S-si Klenda ba 'yun?" nauutal na tanong ni Phibian na di naiwasang malaglag ang panga at manlaki ang mga mata sa kanyang nakita.

Tinitigan kong maigi ang katawan ng babaeng kasalukuyang nakabigti.

Si Klenda nga.

Dali-dali kong kinuha ang kamay ni Phibian at tumakbo patungo sa senior high school department nang makumpirmang si Klenda nga ang babaeng agaw atensyon sa oras na ito. Nakatunganga lang ang ibang mga estudyante at ang iba naman ay walang ginawa kundi dumagdag sa ingay na namumuo sa buong campus.

Mga walang kwenta.

Nagbubulagan-bulagan ba sila?

"Anong gagawin natin!" hindi mapakaling tanong ng kasama ko habang patuloy lang ako sa pagtakbo para marating ang hagdan papuntang 5th floor.

"This is a battle of life and death! Wag ka nang magtanong!" sumbat ko.

Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan namin. Wala na rin akong pakialam sa mga estudyanteng paharang-harang sa tabi na nakakasalubong namin.

Ano bang gustong mangyari ng anonymous caller? Of all people, bakit si Klenda?

Tch. Ipapasantabi ko muna ang bagay na iyon, sa ngayon ay kailangan naming maagapan ang buhay ni Klenda. Marami pa kong gustong malaman, the infos aren't enough.

Ni hindi ko nga siya nakausap ng maayos kagabi eh tapos ganito ang mangyayari? No fucking way.

Nang marating namin ang 5th floor kung saan nakatapat ang katawan ni Klenda ay agad naming pinuntahan ang direksyong kinaroroonan nito.

Binitawan ko ang nanlalamig na kamay ni Phibian at hinubad ang black shoes na suot ko.

"D-Draculo, anong gagawin mo?" pangangamba ni Phibian.

Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na tumuntong sa balustrade na kinatatapatan ni Klenda. Inihawak ko ang aking kaliwang kamay sa kisame ng balcony bilang suporta sa aking katawan habang ang aking kanang kamay naman ang umaabot sa itaas na bahagi ng katawan ni Klenda.

"M-mag-iingat ka." rinig ko pang sabi ni Phibian.

Hindi niya ko tutulungan dyan? Tutunganga lang talaga ang balak niya?

"Help me!" hirap na utos ko.

Pakiramdam ko ay anumang oras mahuhulog ako sa sitwasyon ko. Sa taas pa man din ng palapag na kinaroroonan namin ngayon at sa bigat ng katawan ni Klenda, hindi malabong mamatay ako kung mahuhulog ako ngayon.

Muntik na kong mawalan sa balanse nang makita si Phibian na tumuntong sa balustrade na kinatutuntungan ko. Kabado man ay mahahalata mong nilalabanan niya ito. Humawak ito sa kisame gamit ang dalawang kamay gaya ng paghawak na ginagawa ko ngayon.

Napakadelikado ng ginagawa namin pero wala kaming magagawa, kailangan naming maagapan ang buhay ni Klenda. Nabanggit niya sa'kin kagabi na wala siyang natuturing na kaibigan kaya walang ibang gagawa nito kundi kami lang.

Ilang sandali pa ay medyo gumaan na ang katawang pasanin ko nang tulungan ako ni Phibian iangat ang katawan ni Klenda.

"Untie her." makalawang utos ko dahilan para bitawan ni Phibian ang katawan ni Klenda at simulang alisin ang pagkakapulupot ng lubid sa kanyang leeg.

Pansin kong hirap si Phibian sa pagtanggal sa pagkakatali ng lubid dahil isang kamay lang ang gamit niya dahilan para makaramdam ako ng pagkangawit sa aking kaliwang kamay na nakahawak sa kisame.

Whisper of a SeraphTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon