"If a thing is claimed to exist, and its existence has consequences, then the absence of those consequences is evidence against the existence of the thing."
-Jerry A. Coyne, Faith Versus Fact
DRACULO
Klenda Lauren D. Wilson
Class 9 - MatisseNanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Klenda sa pahina ng program na hawak ko. Dati siyang miyembro ng S.I club?
Napatingin ako sa kawalan habang iniisip ang nangyari sa'min kahapon.
Napuno ako sa inis ng wala sa oras. Wrong timing.
Mukhang kakailanganin namin ang tulong niya ngayon which is beneficial at hindi maganda.
"Phibian." pagtawag ko sa babaeng kasama ko na kasalukuyan ring binabasa ang program na hawak niya. Nilingon ako nito at nagtanong.
"Did you find something?" akmang napalapit pa ito sa'kin.
Medyo napaatras naman ako dahil hindi niya pa suot yung coat niya. Hindi ako komportable.
Ipinakita ko sakanya ang pahina ng program na hawak ko at itinuro ang isa sa mga pangalang nakaimprinta rito. Mas lumapit pa ito para makita ang nasa program dahilan para makaramdam na 'ko ng kaba.
Tiningnan ko ang posisyon nito, posisyon ng baby kapag gumagapang. Wala siyang suot na coat kaya nakikita ko yung kung-anumang kulay blue na suot niya sa loob ng polo niya na mas pinapalala pa ng pawis niya.
Hindi ako makahinga ng maayos.
Pwede bang lumayo-layo siya at ayusin niya yung posisyon niya? Hindi ako komportable.
Naiiba yung atensyon ko. Tch.
"Klenda?" tanong nito kasabay nun ang biglaan kong pagtayo mula sa aking kinauupuan. Iniwan ko mula sa pagkakahawak niya ang program na kanina lamang ay hawak ko.
That's why I hate girls.
"Yeah. She's a former member of S.I club. " I inverted my eyes from her and crossed my arms.
Pansin kong binalikan niya ang program na binabasa niya at nagsalita. "Member rin siya sa school year na 'to."
Ilang segundo kaming natahimik, mukhang na-realize niya rin kung anong iniisip ko. "Do we have a choice?" tanong nito na akmang napatingin sa aking direksyon.
Of course, we don't, if siya na lang ang dating miyembro na nandito pa. We need more information rather than depending on what we have right now. Siya lang ang makapagbibigay ng detalyeng kailangan namin para mahanap ang salarin sa rape case. Siya lang rin ang makapagsasabi sa'min ng nalalaman niya sa ilang kabulukan ng Graham.
Unless, we found someone else na dati ring miyembro ng S.I club at kasalukuyan pang nag-aaral rito sa Graham.
"Uhm. Meron pa bang iba? Maybe hindi lang siya ang former member ng S.I na nag-aaral pa dito." Phibian rebutted.
"For that. We will need the official S.Y 2018 - 2019 list of students here on Graham." sabi ko.
"So we can compare the list of names." dagdag ko.
Tiningnan ko lamang ang kanyang reaksyon.
"Is that risky? Kanino tayo makakuha ng ganun?" pag-aalinglangan nito.
"Pwede ring tanungin natin isa-isa ang mga estudyante rito kung 'former member ba sila' ng S.I club." giving her a satirical remark.
"I don't think so." hindi nito pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Seraph
Romance"Around the shining rivulet and bushes of evergreen, memories that framed but also changed our fates."