7: Leak from Flat

116 13 1
                                    

"Truth never damages a cause that is just"

-Mahatma Gandhi

DRACULO

"Diomedes, hinay-hinay lang baka mapano ka."

*Rarf! *Rarf! *Rarf! *Rarf!

Nagising ako mula sa ingay ng isang aso na mukhang nanggagaling sa sala. Bumangon ako sa aking kinahihigaan at akmang napahawak sa aking noo dahil medyo sumakit ito nung gumising ako. Kinuha ko ang case ng aking salamin at isinuot ang salamin na laman nito.

Teka, ano ba yung napanaginipan ko?

Weird

Patuloy pa rin sa pagkahol ang aso at ang ingay ay sumasakop na sa buong bahay. Ano bang problema nun? Lumabas ako ng aking kwarto at nadatnan ko ang isang kulay Kayumangging dilaw at malaking aso.

Nanlaki ang mga mata ko at napakusot pa ko rito dahil sa asong nasa harapan ko. Naabutan ko rin si Lolo na kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.
Napansin ko naman ang palabas sa telebisyon na lumalabas tuwing...7:15???

Ah?

Tiningnan ko ang orasan sa wrist watch na suot ko at laking gulat ko nang makita kung anong oras na.

7:24 am

Dali-dali akong bumalik ng kwarto at inihanda ang mga gagamitin ko sa pagpasok. Agad akong naligo at nagtoothbrush. Syet, paano nangyaring late akong nagising ngayon? First time kong maligo ng ligong ibon ngayon, ni hindi ko nga alam kung nasabon ko pa yung kili-kili ko basta nagmadali na lang ako.

Binilisan ko rin ang pagbihis. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko nang kumain. Tsk. Magbabaon na lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay nang pumasok sa kwarto si Lolo kasama yung aso kanina.

"Bakit kasi tanghali ka na nagising?" pag-sita niya kasabay nun ang pag-upo niya sa kama ko habang hinahaplos-haplos pa ang malaking aso.

Napalingon naman ako sakanyang direksyon at hindi na lamang kumibo. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon lang ako nagising, hindi naman ako nagpuyat kagabi ah. This was a record.

Ilang segundo rin ang lumipas bago muling magsalita si Lolo. "Ayna apo. Hindi ka pa pala kumakain. Pababaunan na lang kita ng sibuyas." aniya at tumayo na siya mula sa pagkakaupo at lumabas ng aking kwarto.

Nang matapos kong maayos ang sarili ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na rin ng kwarto. Hindi ko mamataan si Lola ah. Nasaan kaya siya?

"Lo, una na ho 'ko." pagpapaalam ko kay Lolo na nasa kusina pa at inilalagay sa supot ang anim na bola ng sibuyas. Lumapit ito sa'kin at ibinigay ang pabaon.

"Si Lola ho?" tanong ko kasabay nun ang pagsuplit ko ng sibuyas sa aking bagpack.

"Tulog pa." tugon naman ni Lolo. Napatango na lamang ako at akmang lumabas na rin ng bahay. Inihatid naman ako ni Lolo sa labas.

Inihanda ko ang aking bisekleta at nang matapos iyon ay nagpaalam na rin ako kay Lolo. Kumakaway pa ito nang umalis 'ko.

Binilisan ko ang bawat pagpadyak sa aking bisekleta. Kataka-taka talagang late akong nagising ngayon. Late naman akong nagigising sa ibang araw katulad ng Sabado at Linggo pero kapag gantong Monday to Friday, mas maaga pa 'ko sa manok.

Halos isang oras pa ang aabutin kung Magbibisekleta ako papuntang Graham High kaya dumiretso na lang ako sa bayan para doon na lamang makapag-commute.

Ini-park ko ang aking bisekleta sa Munisipyo ng Pawisan at tinungo ang sakayan papunta sa Siyudad ng Tagaytay. Ito ang pangalawang beses na magco-commute ako papuntang school kaya medyo kinakabahan ako.

Whisper of a SeraphTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon