Chaper 02 | Flashback

18 1 0
                                    

"Sometimes you win but
Sometimes you learn."

***

Hawak ko ang phone, habang nakahiga sa kama.

"Lagi nalang ba kitang hinihintay sa pag tawag mo?" Bulong ko.

Parang wala siyang balak na tawagan ako ngayon.

*flashback* 12-27-18

*phones ring*

Napabangon ako bigla ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.

10:30 pm na pala, sakto ganitong oras talaga niya ako tinatawagan.

buti nalang hindi pa ako tulog.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tawag niya.

(TT)

"So, anong kailangan mo?" Bungad ko sakanya.

"Hi, anong ginagawa mo? B-busy ka yata?" Sunod sunod niya tanong sa akin.

pansin kong nakahiga siya sa sahig.

"Napano ka?" Hindi ko mapigilan mag-alala sakanya.

"W-wala lang, kakauwi ko lang.. Uminom lang kami ng konti, kanina." Sagot niya.

Kaya pala medjo, maayos siya mag salita ngayon.

Kadalasan kasi hindi niya sinasabi sa akin, yung kailangan niyang sabihin.

"May sasabihin kapa ba?" Sarcastic kong tanong.

"M-meron, bakit ayaw mona ba akong kausap? Siguro nagsawa kana rin sa akin no?" Dare-daretsyo niyang sinabi sa akin.

pero hindi nalang ako nag-salita.

"Sabi na eh, iiwan mo rin ako.." sabay tawa niya.

"Hindi naman ako ganun." Saad ko.

"Talaga lang ba?" Tanong niya sa akin.

Kung alam mo lang, gaano kita ka gusto.

"Oo naman, basta ba h'wag kalang gagawa ng dahilan para iwan kita." Dugtong ko.

Pansin kong hindi na siya nag salita pa.

"Sleepy kana ba?" Pananalita ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Sinong kausap mo?" Kung hindi ako nag kakamali, si mama niya 'to.

Agad kong in-off ang camera ko.

"Si Jai." Sagot niya.

"Kamusta araw mo?" Dugtong niya.

"Ayos lang naman, okay lang naman ako." Paninigurado ko sakanya.

"Basta kapag may problema ka, mag sabi kalang okaya naman tawagan mo ako.." Shit! Para bang nanlambot ako ulit sa mga salitang binitawan niya.

Hindi ako makapag salita ng maayos, wala akong alam na sabihin.

"Nico, what if--

Pero agad niyang pinutol ang sasabihin ko..

"Sabi na may oopen ka sa akin eh. Sige makikinig ako, napano ba?"

Maybe The Night [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon