"Great things never came from comfort zones."
***
That's unfair! Hindi man lang niya iniisip kung anong mararamdaman ko lalo na pag ini-ignore niya ako.
"Ang rupok mo naman kasi masyado, akala ko pa naman magiging kayo na. At mukhang kailangan mo na talagang magpalit ng lalake jai." Pandedemonyo sa akin ni Zy.
"Diba sabi ko once na may babae na talaga siya titigilan ko na, yun lang. Pero ngayon? Suko nako." Saad ko.
"Alam mo maganda ka sana kaso, bobo ka sa pagpili ng lalake." Bigla ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Pwede ba Zyren! Hindi marupok ang tawag don or tanga, okaya naman bobo. Pagmamahal yung tawag don! Kala mo naman hindi ka nabaliw dun sa babaeng gusto mo sa ABM." Pambabawi ko sakanya.
"Iba naman kasi kami sainyo Jaina, siya agad niyang sinabi sa akin na we're friends eh kayo? Ano nganga?" Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.
Nakakainis! Nakakairita talaga!
Pag siya ang nambwisit sa akin wala na! Talo na talaga ako sa baklang yon!
"Ma'am magccr lang po ako." Pag papaalam ko kay Ma'am Shara.
"Sige anak, bilisan mo ah. May kailangan pa akong i-announce." Agad naman akong lumabas ng pinto.
Pero tila ba iniinis ako ng tadhana.
"Jai.." Agad akong napatingin sakanya.
Kung tawagin niya ako parang walang nangyari ah? Pinapaasa nanaman niya ako.
Linagpasan ko siya at patuloy na naglakad papasok ng restroom.
"Anong akala mo makukuha mo nanaman ako sa paawa effect mo tsk." Bulong ko at tuluyan ng pumasok sa cubicle.
--
"Jaina tara na kaya, baka nag-lelesson na sila sa room." Pag aaya sa akin ni Juvy.
Nasa Gym kami ngayon lagi dito ang tambayan namin lalo na pag wala kaming mapuntahan na iba.
"Nakakainip naman kasi sa room. Tsaka nagrerelax ako, juvy naman last minute tas punta na tayo sa room." Pagpupumilit ko sakanya.
"Gaga ngayon ina-announce yung awards." Agad naman akong napatayo.
"Teka ano naman? Sabagay ikaw lang pala yung with honor sa atin. Masyado ko kasi pinabayaan grades ko porke ang daming kong problems, ngayon palang congrats juvy. Sana all!" Nahiya na ako sakanya kaya tumayo na ako para naman makita ang list sa awarding.
Lumabas na kami ng Gym naglakad na rin kami sa hallway papuntang Room.
Hindi ko alam kahit sa second floor lang ang Room namin hinihingal ang pumanik.
Kitang kita ko ang mga classmates ko sa labas ng Room.
"Bakit nasa labas kayo?" Tanong ni Juvy kay Zy.
"Ewan ko ba kay Ma'am kailangan daw niya kasing isulat yung ma-award sa white board, sagabal daw kami." Dinig kong reklamo ni Zyren.
Naupo nalang ako sa sahig, panigurado excited silang lahat pumanik ng stage sa April.
"HUY JAINA! KASALI KA!" Agad naman akong nagising sa sinabi ni Juvy sa akin.
"Ah loka! Congrats Achievers ka pala, iba naman pala eh!" Hindi ko alam ang mafifeel ko ng makita ko ang pangalan ko sa White board.
BINABASA MO ANG
Maybe The Night [COMPLETE]
No FicciónA TRUE STORY & Jai's Point of View "Everynight doon lang kita inaantay, imposible namang kausapin mo ako ng personal. Alam kong takot ka pero, bakit mas pinili mong iwasan ako? Kahit kailan hindi ako nag dalawang isip iwasan ka. Pero bakit sa t'wing...