"Once you feel you are avoided by someone, never disturb them again."
***
It's been two days, until now hindi pa natatapos yung film kaya I decided to help them.
Sunday ngayon sinabihan ko rin si Dhane na puntahan namin sila.
Tignan namin if may tapos na ba sila.
"Hello dhane? Saan kana ba? Grabe ka ah ikaw ang pinakamalapit na bahay pero ako pa nauna sa'yo."
Habang kinakausap ko siya sa phone.
"Baliw galing kasi ako sa lola ko kaya wala ako sa bahay malapit na ako wait pababa na-"
*toot*toot*
Nakatayo ako ngayon sa kanto kung saan papunta ang bahay nila Godwin.
Ang daming kainan and Milktea Shop dito.
Meron pa nga kapangalan ko yung milkteashop nila eh.
"Jai tara na?" Pag aalok sa akin ni dhane.
"Wait.. look dhane tara bili tayo ng milktea?" Sabay turo ng Milktea shop na kapangalan ko.
"Sa Jai Cha nalang ba?" Tanong niya sa akin.
Agad naman akong tumango.
"Sige try natin mukhang madami pa naman ang bumibili." Sagot niya sabay pasok sa Milktea House.
"Ano sainyo ma'am?"
"Anong flavor ng sa'yo Jai?" Tanong sa akin ni Dhane.
"Orea milktea nalang siguro ikaw ba?" Tanong ko..
"Sige parehas nalang tayo.."
~~
Pababa na kami ng trike ni Dhane para pumunta sa bahay nila Godwin.
"Nakakahiya naman Jai tignan mo andaming lalaki sa tapat ng gate nila." Saad ni Dhane.
Agad ko naman binuksan ang phone para tawagan si Godwin.
"Hello jai.."
"Godwin, labas ka nga nandito na kami nakakahiya andaming lalaki sa tapat ng bahay ninyo." Pag mamadali ko sakanya.
Nakatingin kasi sa amin ang mga ito.
Lalo na nakashorts lang ako, baka pagtripan pa ako..
"Hindi naman kayo aanuhin nyan, pumasok na kayo dito." Pag pipilit niya sa amin.
"Godwin naman! Dali na lumabas kalang." Nanggigigil kong sagot sakanya.
Kaya agad naman siyang lumabas.
At mukhang natatawa pa sa amin.
"Hindi naman nangangagat ang mga tao dito." Pambubwisit niya sa akin.
At nakapasok na kami sa bahay nila.
Bumungad sa akin si Drew na nakaharap sa Computer at nag eedit.
Si Nico naman natutulog sa sala kasama si Eriz.
"Puyat na puyat mga yan kaya h'wag niyong gisingin." Sabi ni drew habang nakatutok sa Computer..
Agad ko naman tinabihan si Nico.
"Pawis na pawis ka na." Sabay hawak sa likuran niya.
05:30pm
"Samahan mo ako jai bibili ng ulam sa palengke." Bigla saad ni Godwin sa akin.
Agad naman bumangon si Nico at Eriz ng namalayan nilang andito na kami.
"Okay na ba pakiramdam mo? Linalagnat kapa?" Tanong ko sakanya..
"Hindi na." Sabay tayo at hindi na ako pinansin pa..
Ano nanaman bang ginawa ko? Bakit-
Ewan ko sayo bahala ka talaga!
*fast forward*
"Tara na Jai bili na tayo." Pag aaya ni Godwin sa akin sabay kuha ng Susi ng Trike.
"Nakuha niyo na ba yung Pera sa classfunds?" Tanong ko. At agad rin naman 'tong tumango.
Kinuha kona ang sapatos ko para lumabas at samahan siya sa pagbili ng pagkain nila.
Palabas na ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Huwag ka ng sumama Jai sila nalang ni Dhane." At agad akong napahinto sa sinabi niya..
Agad akong tumingin sa mga mata niya.
"Saglit lang naman kami.. babalik rin kami agad." Tugon ko at agad ring umalis sa harapan niya.
***
BINABASA MO ANG
Maybe The Night [COMPLETE]
Non-FictionA TRUE STORY & Jai's Point of View "Everynight doon lang kita inaantay, imposible namang kausapin mo ako ng personal. Alam kong takot ka pero, bakit mas pinili mong iwasan ako? Kahit kailan hindi ako nag dalawang isip iwasan ka. Pero bakit sa t'wing...