Chapter 10 | Theater

9 1 0
                                    

"When you can't look on the bright side, I will sit with you in the dark."

***

Halos natapos na ang film ng isang section pero wala pa rin sila.

Ngayon ang araw na ipapalabas lahat ng films by section but until now wala pa sila Nico, kinakabahan ako.

Hindi pa rin ba nila tapos?

Kanina pa ako hindi mapakali sa lagay na 'to.

Sa amin ang huling ipapapalabas for sure malaking kaguluhan ito.

"Sino sino yung mag Main characters ninyo? GR.11- Artemis?" Biglang tanong sa amin Sir Marvs.

At agad akong sumagot.

"Sir! Sila Jv, Zyren, -"

At hindi niya tinapos ang pag sasalita ko.

"Pumunta kana sa backstage." At agad rin umalis si Sir.

Nataranta ako anong gagawin ko doon?

"Jai, sige ikaw na."

"Uy! Pumunta kana raw sa backstage."

"Dalian mo kailangan mo isulat lahat ng lumabas sa video."

Agad akong tumayo ng sinabihan nila ako.

Sabay takbo papunta sa stage.

"Ikaw yung sa Section Artemis diba?" Tanong ng babae sa akin.

At agad naman akong tumango.

Agad ko rin ilinista ang mga taong lumabas sa film na ginawa namin.

At bago pa ako umalis bigla akong tinawag ni Sir Marvs, na ikinataranta ko.

"Jaina, nasaan na sila Andrew? Wala paba sila hanggang ngayon?"

Agad akong huminga ng malalim.

"Sir, on the way na raw po sila. Umuwi lang sila para magpalit ng uniform." Pero ang totoo hindi pa talaga sila natatapos.

Dali dali akong bumaba sa stage.

Ang dami palang tao.

Ang dami palang manonood doon kolang na pagtanto na. After ng film na ipapalabas sunod na ang sa amin.

Dali dali kong tinawagan si Godwin.

*ringring*ringring*

"Sumagot ka please!" Bulong ko.

*toot*toot*

"Walangya bat moko binabaan?!"

Sigaw ko.

Agad akong napatingin sa kaliwa't kanan kung may nakarinig ba sa akin.

Mukhang wala naman kaya tinawagan ko nalang sya ulit.

"Sagutin mo please!" Bulong ko.

"Hello jai.. papunta na sila andrew dyan umuwi lang sila saglit kakatapos lang nila.."

Agad akong nakahinga ng malalim sa sinabi niya..

Bumalik na rin ako sa pwesto kung saan nandoon ang mga kaklase ko.

"Anong sabi? Tapos naba daw sila? Nakakahiya naman kung wala tayo mapakita sa mga iba, last section na nga tayo tapos ganyan pa." Biglaang sinabi sa akin ni Juvy.

"Tapos na daw sila papunta na dito." Maikling sinabi ko sakanya para naman mapanatag na siya.

Silang lahat, ako ng tinatanong kung asa na ba sila.

Halos nakakalahati na ang film ng kabilang section, konting minuto nalang kami na ang susunod pero bakit..

Wala pa rin sila.

Sinubukan kong magpaalam lumabas para tawagan sila pero hindi ako pinapayagan.

Mukhang late na sila sa lagay na ito..

--

10 minutes nalang matatapos na ito at kami na ang susunod pero wala pa rin sila..

agad akong napalingon ng makita kong pumasok sila sa pinto ng sunod sunod..

si andrew, godwin, eriz, at si nico...

Habang suot suot ang cap na bigay ko...

"Buti nalang umabot sila sa oras.." bulong ko.

pansin kong pumunta sila sa backstage para siguro ayusin ang susunod na film..

--

"3rd place, Congrats Artemis!"

Talo kami, kami na nga ang huli pero talo pa rin kami..

Pero okay lang, hindi kasi naayos ng mabuti ang pag lagay ng ibang clips..

Pero ayos lang, nag enjoy naman kami..

Kitang-kita ko ang pagkadismaya nilang apat..

Lalo na si nico..

***

Maybe The Night [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon