Chapter 1

4.9K 56 5
                                    

"What time na ba?" mahinang bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa paligid.

Ang dami talagang tao! Bakit ba kasi late pa akong nagising ngayong araw na 'to.

Wala na, late na ako! kinagat ko ang labi ko at pilit na ngumingiti. Ang tagal tagal din dumating ng train, tapos kung may darating man ay hindi rin ako makasakay kasi hindi ko kayang makipagtulakan.

Gusto ko na talagang maiyak pero naka-smile pa rin ako, I think nakakabawas siya ng pag ka-stress ko right now.

It's Monday and I'm late na.

May dumating na ulit na tren at nagmadali akong pumasok pero dahil sa sobrang dami namin. Sa kasamaang palad ay hindi rin ako nakapasok sa loob.

Umatras ako dahil aalis na ang tren, at nakangiti akong hinayaan na makaalis ang train.

Shunga rin ako eh 'no? ngingiti ngiti lang ako hindi ko manlang pinilit na sumakay kanina, pero late na talaga ako!

Nakangiti ako ng matagal at nakatitig sa tren habang ito ay mabilis din na umaandar.

At nagulat na lamang ako nang diretso akong napatingin sa mata ng isang lalake at nakangiti pa rin ako hangang ngayon.

Sa sobrang gulat ko ay agad na lang akong tumingin sa iPhone ko. Nakakahiya naman 'yon, baka isipin niya na nagpapapansin ako sa kaniya.

Ilang saglit lang ay nakasakay na rin ako sa train at nakapasok sa University namin.

Buti nalang hindi ako nalate sa subject namin ngayong umaga dahil wala naman pala kaming prof ngayon.

Umuwi lang ako tulad ng normal na araw na ginagawa ko. Wala naman iba sa mga ginawa ko pag kauwi ko sa bahay ay kinausap ko lang ang pamilya ko na nasa malayo at nag-scroll lang ako sa social media hanggang sa makatulog na ako.

Akala ko ay magiging normal lang din ulit ang aking umaga ngunit laking gulat ko nang kinabukasan ay muli ko siyang nakita- ang lalaking singkit, na nginitian ko kahapon.

Nandoon pa rin siya sa puwesto niya kahapon.Teka bakit gano'n? lagi ba siyang ganitong oras pumupunta dito? O baka naman nag kataon lang?

Anyway, wala naman akong dapat ibang isipin kundi ang pag pasok ko ngayon ng maaga.

Sumakay na ako ng tren agad, buti na lang talaga hindi marami ang tao ngayon dito sa lrt kaya naka sakay na ako kaagad.Hindi naman kasi talaga ako sanay sa buhay dito sa Maynila at hindi ko gustong makipag tulakan.

Nakarating ako ng maaga sa school, ang saya pala maging maaga at hindi rin ako kailangang mag madalina pumasok sa classroom namin, na-enjoy ko pa ang paglalakad patungo sa aming campus.

Sana lagi na lang ganito, dapat pala talaga maaga akong nag aasikaso hindi 'yong nag babagal pa ako. Ewan ko ba kasi kung bakit nakasanayan ko na mabagal kumilos pero siguro ay mag babago rin naman ako, soon? Sana nga 'diba!

Ang dami namin ginawa ngayon, feeling ko tuloy sobrang haggard ko na to the point na parang nawala na 'yong kaluluwa sa katawan ko.

Dahil may pang gabi akong klase ngayon ay kinakailangan kong magmadali lumabas ng school kasi baka mag sara na ang lrt at ayoko rin naman kasi na sumakay sa jeep dahil ang hassle at sigurado akong gabi na ako masyadong makakarating sa bahay kung mag ji-jeep pa ako.

Nang ma-realize ko na malapit na pala mag sara ang LRT ay napatakbo na lang ako.

Sa totoo lang, hanggang 8:30 pm lang ang klase ko pero dahil nag-aya ang mga kaibigan ko na kumain muna, kaya hindi ko na sila tinanggihan at 'yon ang naging dahilan kung bakit napatagal ako ngayon.

Paano ba naman hindi mag tatagal, hindi naman puro kain ang ginawa namin dahil kung ano ano pa ang mga pinag usapan namin mag kakaibigan.

Pag dating ko sa LRT buti na lang may tren na agad at dahil hindi na rush hour ay naka upo na rin ako ka agad, grabe buti na lang din talaga para kahit papaano ay makapag pahinga ako sa biyahe.

Sana ganito araw-araw tuwing sasakay ako kaso nga lang gano'n talaga dahil nasa Maynila ako, maraming tao dito.

Siguro nga masyado akong ginabi ngayon. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na makatulog. Buti na lang at nagising ako bago pa ako lumagpas sa istasyon na bababaan ko, siguro kung hindi ay kung saan saan na lang ako nakarating.

Nakauwi ako nang maayos at nahiga na ako nang kumportable sa aking kama.

"Grabe! Thanks God talaga at wala akong pasok bukas." masaya kong wika at halos itapon ko ang aking katawan sa kama.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko muna ito at maraming notification ang bumungad sa akin.

Napalaki ang mata ko nang makita ko kung gaano 'yon karami at mas laking gulat ko pa nang makita ko kung dahil 'yon saan. Sa sobrang pag kagulat ko nalaglag ko ang cellphone ko!

Hala ano ba 'yon!?

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon