After that day, hindi pa rin sya nagbago. He's still a good friend and a gentleman.
Hinahatid niya kami ni Rine at sinasamahan sa mga pinupuntahan namin. He would always, makes me laugh and smile. Every little things that I do, he would always be there to support me.
He didn't show me anything na makakapag paramdam sa akin na nililigawan niya ako at kailangan niya ng sagot. I mean, hindi niya ako pini-pressure o nag paparamdam na nagmamadali siya.
He shows me how he wants to take care of me as a good friend. Hangang sa dumating na 'yong day.
A very special day for me, Rine, and every 4th year ng College namin.It's our Graduation Day.
Hindi ko talaga maiwasan na maluha, ma-drama na kung ma-drama pero ang dami ko talagang naalala na pinag daanan ko, namin ng mga kaibigan ko.
Sila Mama, Papa at ang Kuya ko nandito sila and they've been one of the biggest supporter I have. I finally made it and I'm really proud of myself.
Nanalo na ako sa laban na ito, nice kala mo naman nakipag bugbugan o giyerahan. Pero sa totoo lang parang ganno'n 'yon na anytime puwede kang matumba at masaktan pero ang importante babangon ka at lalaban ulit hangang sa magtagumpay kana.
Sa laban na hindi lang ako ang lumaban ngunit ang Diyos na makapangyarihan at mapagmahal ay kasama ko, Thank you po.
Nakangiti ang lahat at ang iba naman ay hindi mapigilan sa pakikipag daldalan, hindi na nga siguro 'yan mawawala.
Isa isang umaakyat sa stage ang mga estudyante, habang ang iba ay pumapalakpak. Tinawag na ang pangalan ko at umakyat na ako upang tanggapin ang diploma ko.
Kahit hindi ako cummlaude, hindi rin ako isa sa mga may nakuha na parangal pero naniniwala ako na no matter what, I still won.
And I'm very sure na handa na ako to move forward to another chapter of my life. Pagbaba ko ng stage niyakap ko si Mama at si Papa.
Hinahanap ko si Rine at si kuya pero hindi ko sila mahanap, magkasama kaya sila?
Nakipagpicture na muna ako sa mga kaklase ko at nakipag usap sa kanila dahil siyempre mamaya ay uuwi na rin ako at mag celebrate kasama sila Mama.
Tapos na akong makipag picture sa mga kaklase ko at hindi ko mapigilan na hanapin siya.
I'm expecting him to be here.Akala ko kasi pupunta siya. Pero okay lang din naman sa akin kahit hindi siya makarating dahil may mga iba pa naman siyang dapat na unahin.
Kasama ko sila Mama at Papa ngayon at nandito na rin si Kuya. Nakita ko na rin naman si Rine kanina at nakapagpicture na kaming dalawa, siyempre hindi puwedeng mawala ang picture naming mag bestfriend 'no.
Naglalakad na kami palabas nang hall nang makita ko ang daming tao sa labas.
"Ano 'yon? daming tao ah." pakikipag-tsismis ko.
Hindi ko na lang sana papansinin kaso hindi ko alam kung anong meron dito sa pamilya ko at sinasama pa ako para tingnan lang 'yon, grabe ha mahilig sa tsismis.
May sumasayaw pala, maybe for students na grumaduate today. Baka isa ito sa handog ng campus sa amin.
Nanood lang ako nang magulat ako bigla no'ng huli kasi lumabas si Luwence sa crowd at bigla siyang sumayaw nang nakangiti pa sa akin. Biglang nagwala ang puso ko tila ba gusto nitong lumabas sa katawan ko, grabe naman itong nararamdamn ko.
Natapos na rin ang pag sayaw nilang lahat at may naglabas ng paper, isa isa silang lumapit sa akin. At nabasa ko 'yong nakalagay sa paper.
" C O N G R A T U L A T I O N S " nakasulat ito sa malalaking letra at mag kakahiwalay.
Napangiti naman ako sa sobrang effort niya, did he just do that para lang I-congratulate ako?
Akala ko tapos na kasi nag alisan na silang lahat pero may inabot siya sa aking white and red roses.
Nagmano siya kila Papa at Mama, ang galang niya. Medyo na gulat lang ako kasi ang inaasahan ko magagalit si Papa. I know he's strict but this time they act like they're close.
Wow, how come?
"Tito, pwede ko po bang maging Grad ball Date si Pia?" tumango naman si Papa at nginitian pa siya.
Hala, magkakilala sila? Grabe naman talaga ang power nitong si Lu dahil pati si Papa ay napapayag niya.
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil kumain kami magkakasabay kasama ang parents ni Rine, si Rine at ang Family ko. Hindi na muna sumama si Lu dahil may aasikasuhin pa raw siya.
Sa totoo lang medyo ang unfair for him that he prepared something for me kasi alam niya graduation namin.Pero siya hindi niya pinaalam kung kelan 'yong graduation nila. Nalaman ko nalang tonight ang Grad Ball nila. 'Yong graduation ball namin kasi two days pa after ng graduation namin.
Buti na lang talaga na marami akong dress. So, hindi ko na kinailangan pang bumili ng dress. Inayusan naman ako ni Rine. Si Kuya ang naghatid sa akin sa Venue, napaka supportive nilang dalawa sa akin 'di ba?
Pagbaba ko ng kotse nakita ko kaagad si Luwence na nakatayo sa harap ng venue nakasuot siya ng Blue Velvet na tuxedo, I can't deny that he looks handsome.
Naglakad siya papunta sa akin at inalalayan ako dahil nakasuot ako ng heels ngayon.
"You look gorgeous in your royal blue ball gown, isa ka talagang prinsesa." wika nito at tinitigan ako na may kahulugan.
I just smiled at him. Nahihiya talaga ako to be frank.
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
Teen FictionWould you rather wait for the right time or risk suffering in the end? Love is about giving; Giving your love Give your time and effort. Love is also about waiting and not rushing it. Cause if you rush it the result will only hurt you. It is always...