Chapter 10

1K 9 0
                                    

Hindi ko alam kung mag-ga-grab ba ako or taxi. Ayokong magpasundo kay kuya because it's already 10 pm and I know na si kuya maaga siya natutulog, I don't want to bother him.

Maglalakad na sana ako papunta sa isang taxi nang biglang mapansin ng aking mga mata ang isang malaking papel na may nakasulat.

"Pia Mae Roussel, can I pick you up as my GIRL?" nakasulat ito sa sulat kamay na pamilyar sa akin.

Nagulat ako at parang nag bablanko ang utak ko.Naglakad ako papunta doon habang walang expression sa aking mukha. Kumalabog bigla ang aking puso at para bang may naghahabulan sa loob ng aking dibdib, hindi ko na maintindihan ang sarili ko nang makita ko ang isang lalake na may pinaka matamis na ngiti.

'He did really wait' sabi ko sa aking isip.

"Luwence?" nag tataka kong tanong.

Binaba niya 'yong malaking paper na kanina ay nakataas sa ere.

"So, can I pick you up as my Girl right now?" he asked with gentleness as he stared at me.

If he can wait for me and even make an effort to visit my parents. Then, what should be my answer?

Suddenly I saw my parents in the crowd. Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila nang mahigpit.

"Namiss ko po kayo" wika ko na parang nanginginig pa ang boses at nag babadya pa ang luha na tumulo.

Yakap ko pa rin sila at hindi ko pinapakawalan. Gusto ko na lang sana silang yakapin kaya lang nasa labas nga pala kami.

"Miss na miss ka na rin namin anak" sabi ni Mama na nakangiti.

"Anak, pinag hintay mo na siya nang matagal puntahan mo na muna." sabi ni Papa sa seryosong tono.

"Is it Green, Yellow, or Red?" I asked them referring to the traffic light as a sign.

"Green na anak. nag Red at yellow na." It means no'ng una bawal pa mag go and then after that we need to wait and now..

They said go, it means I am free to make my own decision and they are supporting me. It's always important to me to ask my parents, I honor them and respect them, I've been really so grateful that I have parents like them who always support and guide me.

Naglakad ako papunta sa kaniya at nginitian siya nang matamis.

"Luwence, Go" sinabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. Hindi niya siguro naintindihan kung ano ang sinasabi ko?

Bakas sa mukha niya ang gulat at may bahid ng lungkot ang kaniyang mga mata. Siguro iniisip niya na hindi pa ako handa, magagalit kaya siya? Dahil sa tagal ko siyang pinaghintay at ang dami niya nang naipakita sa akin

Susuko na kaya siya?

"You're not yet ready?" he asked with calmness.

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon