Chapter 3

1.8K 15 0
                                    

Kinalma ko muli ang aking sarili at binuksan ang messenger ko, laking gulat ko nang may nag-chat nga sa akin.

"Hi" maikli nitong pagbati.

What, who is this? tanong ko na lang sa aking sarili at dahil inaantok na rin ako kaya hindi ko na lamang pinansin kung sino man ang nag-chat sakin.

Hindi naman siguro ako bastos, 'di ba? Hindi naman required na mag reply ako agad kapag may nag-chat sa akin. At ano magagawa ko kung inaantok na talaga ako.

Nag hikab ako at pumikit na. Sa paghiga ko ay ramdam na ramdam ko ang unti unting pag pikit ng aking mga mata at tuluyan na nga akong nakatulog.

Dahil walang pasok ngayong araw ay tanghali na akong bumangon.

"Oh Nice! 10:45 in the morning really?"

Malakas na boses akong pinagsasabihan ngayon nitong aking bestfriend, parang matanda na handa kang buhusan ng malamig na tubig kung hindi ka babangon.

Psh, akala mo naman hindi rin siya late kung gumising.

"Oo, why? Wala naman pasok. Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko habang nakatalikod sa kaniya.

Nag-aayos na ako ng kama ko ngayon. Hay naku kung wala lang yang si Rine siguro tulog pa ako hangang ngayon.

I'm still sleepy, pero ano ang magagawa ko kung ayan binubulabog ako ng aking magaling at mabait na bestfriend.

"Mag-ayos ka na nga! Tingnan mo 'yong buhok mo girl! Ano yan?! may nakita ka bang multo kagabi?" panenermon nito sa akin.

Dahil na rin sa sinabi ni Rine napatingin na lang ako sa sarili sa harap ng salamin. And she's right! Natawa na lang ako dahil parang walis 'yong buhok ko sa sobrang gulo nito.

"Oo na Rine, I'm going to take a shower na, ok?" sarkastiko ko siyang sinagot.

Nagmadali naman akong pumasok sa cr na bitbit ang kulay gray kong towel. I'm actually fond of taking a shower, nakaka-relaxkasi at parang ito na rin 'yong oras na maalagaan ko ang sarili.

Dahil sa sobrang nag-eenjoy ako madalas kong hindi namamalayan ang oras na nandito ako sa loob ng Cr.

"Huy! buhay ka pa ba, Pia?" sigaw ng matinis na boses kong kaibigan at kinalabog pa ang pintuan.

See? well that is a sign! siguro matagal na ako dito?

Nag punas na ako ng aking mukha matapos akong mag toothbrush. Pagbukas ko ng pinto ay bumulaga naman ang aking nakapamewang na bestfriend.

"Hahahah Nagmumukha kang nanay bess!" Pang aasar ko sa kaniya na may kasama pang tawa.

"Ang bagal mo kasi Pia eh, sa lahat naman kasi ng araw ngayon ka pa nagtagal" wika nito.

"Bakit ba kasi? wala tayong Pasok ngayon ah" ani ko habang nagpupunas ng buhok ko.

"Ay ewan sayo Pia, basta eto ang isuot mo huh!" Sabay abot sa isang dress.

Oh My Gosh ang bestfriend ko talaga parang mama ko. Nginitian ko na lang siya at tinitigan ang sky blue na dress na inabot niya sa akin.

Simple lang ang dress na ito pero mukhang mag-dedate naman ako pag sinuot ko ito. But, whatever ayoko na talagang makipagtalo pa d'yan kay Rine. So, I'm just gonna wear this dress.

Hangang tuhod lang ang dress. So, para mas cute maybe ternohan ko na lang ito ng white na sandals.

"'Yan! Perfect, you're so pretty" wika nito na may pag ngiti at may pag palakpak pa na mahina.

Matapos akong hatakin ng bestfriend ko palabas ng dorm. Iniwan naman niya ako dito sa LRT station. Guess what? nag-text siya sa akin- telling me na umuwi na sya kasi 'yong Dad niya raw pinapauwi siya agad.

Tsk Tsk, kalokohan talaga ni Rine. Ano na naman ba ito? At dahil nakabihis na ako sayang naman kaya pupunta na lang siguro ako ng Mall today.

Pero grabe hangang ngayon talaga hindi pa rin ako makasakay ng Train. Isang train na naman ang lumagpas pero hindi pa rin ako nakikipag siksikan para makapasok sa loob.

Kelan ko ba 'to matututunan?

Tumingin ako sa kabila at nagulat ako nang makita ko siya. Hala, oo nga siya 'yong lalake na nangitian ko noong isang araw.

Siguro hindi naman niya ako mapapansin 'di ba? Ang feeling ko naman isipin na mapapansin niya ako 'no!

Ang Tangkad niya pala hindi siya gano'n ka puti pero ang singkit ng mga mata niya. Ngayon ko lang yata siya natitigan nang ganyan katagal.

Nakakahiya man aminin sa sarili ko pero talagang na star-struck ako sa kaniya, medyo cute siya e. Medyo lang naman, promise.

"Shocks" usal ko.

Napatingin siya sa akin buti na lang pag katingin niya sakin ay agad rin dumating ang tren kaya agad naman din akong sumakay dahil wala naman na masyadong tao. Grabe nakakahiya naman 'yon.

Nagulat ako nang biglang nag vibrate ang phone ko, binuksan ko agad ito para i-check.

Ah may nag-message sa akin, si Rine kaya 'to?

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon