Chapter 4

1.4K 12 0
                                    

My phone is still vibrating and when I look at it, napakunot ang noo ko sa dami ng notification.
Mukhang hindi ko pa ito nabuksan simula kagabi. The person who sent me a message last night is the same person who's sending messages now.

I opened the message and found out that he had sent me a picture. It's not just a simple picture because it's my picture. At ang mas nakakagulat pa ay-- it's my picture today based on my outfit.

Hindi ko maitatanggi na magaling talaga siya kumuha ng litrato, talented siya ha.

Nag-send ako ng message sa kaniya asking who is he and why he did that. Ayokong magmukhang masungit, so I tried my best para magmukhang nice person ako.

Siyempre, hindi naman maganda na maging rude ka sa isang tao na wala naman gingawang masama. Pero, wala nga ba? Hindi ko pa naman alam kung ano ang intensyon niya.

Kanina ko pa tinititigan ang chatbox ko, pero hindi naman niya ito sinasagot.

Bahala na nga siya, Ni-lock ko na lang muna 'yong screen ng phone ko then nag-focus na lang ako sa buong biyahe ko papunta sa Mall.

And guess what?, ang dami kong na pamili na naman. Hindi ko talaga ginusto na gumastos pero dahil ang gaganda ng mga damit tapos naka-sale pa. Saan ka pa? 'Di ba?

Nakangiti akong lumalabas ng mall at sinusulyapan ko pa ang mga dala-dala kong plastic bags.

Uuwi na sana ako nang kapain ko ang bag ko ngunit mukhang wala ang wallet ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko papunta sa Lrt Station. At nahihirapan na ako sa pag hanap ng wallet ko, patay!

Lagot na paano na 'to? Kahit na five hundred lang naman nailagay ko doon sa wallet na 'yon dahil nakahiwalay ang big bills ko sa bag pero sayang pa rin!

Biruin mo? Ilan pa ba makakain ko kung mahanap ko 'yong wallet ko 'di ba? I need to look for it, mahaba pa naman ang oras ko.

Nagpasya akong mag-hanap na muna baka kasi naiwan ko lamang ito sa lamesa kung saan ako kumain ng icecream kanina.Ngumunit pagkabalik ko doon ay wala naman akong nakita.


Nag tanong-tanong pa ako at nagmumukha na akong ewan sa pabalik-balik at pag-ikot ko, pero wala pa rin talaga.

Grabe, ano ba 'yan puro kasi bili at hindi ko na namalayan kung saan ko nilalagay ang gamit ko.

Sa huli ay sumuko na rin ako sa pag hahanap at tumuloy na lamang ako patungo sa Lrt Station. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi tanggapin ang consequence ng ka shungaan ko?

Hindi ko akalaing aabutin ako nang gabi. Nag aksaya ako ng oras kahahanap, wala rin naman akong napala.

7pm na nang sumakay ako ng train, mabuti at hindi na ako nag hintay pa nang matagal.

Sobrang napagod ako ngayon kahit na na-enjoy ko rin naman ang paglilibot ko.
Minsan lang naman din 'yong gano'n, kaya tinodo ko na talaga.

Kapag may pera ka bakit mo pag dadamutan ang sarili mo, 'di ba? Pero, mali pa rin talaga na nawala ko 'yong five hundred eh.

Umiling ako at napapapikit sa inis, kalma, walang nagagawa ang inis.

Sinandal ko na muna ang ulo ko sa bakal na katabi ng inuupuan ko dito sa loob ng tren at unti unti ko na rin naramdaman ang pagbigat ng talukap ko.

Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa akin ngunit pag dilat ng aking mata ay wala naman akong nakitang tao na malapit sa akin.

Lumunok ako at umayos na ng upo. That's kind of creepy.

Pero hindi ko na lang 'yon inisip dahil nasa station na bababaan ko na pala ako.

Nakauwi ako ng bahay nang maayos at hindi na ako nag dinner diretso shower na lang ako at nagpahinga na. Napagod din kasi talaga ako, ikaw ba naman mag ikot kung saan saan.

Hindi nag tagal nang humiga ako ay ramdam ko na ang pag dalaw ng antok sa sistema ko.

May pasok na naman ngayon at buti na lang talaga at maaga akong nagising kaya hindi ako na-late. Future teacher ako at panget naman na makasanayan ko ang pagiging late, nakakahiya 'yon.

I enjoyed the class today, although there's a lot to submit. Palabas na ako ng campus namin kasama ang mga kaibigan ko. Nag tatawanan pa kami at dire-diretso lang ang lakad namin. Siyempre, ang dami na naman chika, hindi ko nga lang alam kung mag aaya ba silang kumain sa SM mamaya.

Napahinto ako sa pag lalakad ko at halos matapilok pa ako dahil nag kamali ako ng hakbang at kumunot ang noo ko.

Then suddenly our eyes met, Again. That guy, 'yong may hawak ng camera noong nakita ko siya sa LRT station no'ng papasok ako sa school. His eyes disappears when he smiles at me.

Hala teka hindi naman ako nag-iilusyon 'di ba? Bakit dito kami mag-kikita sa labas pa ng campus namin?

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon