Chapter 6

1.3K 11 0
                                    


"I think, I'm in love with-" -Luwence

Unti unting pumipikit ang mata ko at hindi ko na kinaya. Hinayaan ko na lang ang antok at tuluyan na akong pumikit.

May pasok kami ngayong araw para ayusin ang iba pa naming requirements sa school. Wala naman akong inaayos sa mga subjects dahil siyempre kahit lagi akong na-le-late ay responsable naman ako at nakakapag pasa agad ng mga requirements.

I come here to take my graduation pic. May pinag halong saya at lungkot ang nararamdaman ko dahil dalawang linggo na lang ay graduation na namin. Ang dami ko rin pinag daanan para makamit ko 'tong tagumpay na ito.

Matapos akong mag take ng graduation pic pinapunta ako ni Rine sa KFC at maghintay daw ako doon dahil may aayusin pa siya.

Pag hihintayin na naman niya ako, baka mamaya iwanan na naman ako nito bigla, pero sa bagay sanay naman na ako sa kaniya. Kaya sige pag bigyan natin, pasalamat siya kaibigan ko siya.

Naglalakad na ako malapit sa KFC nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalake.

It's him, Luwence. Hindi ko alam bakit may kaba sa puso ko. Do I still have a crush on him? Maybe? But still, I must keep it. Hindi pwedeng bigla bigla akong aamin dahil babae ako and I must guard my heart.

"Hey Lu!" nginitian ko siya at tinapik ang balikat niya.

"Hi Pia." nginitian niya rin ako at tuwing ginagawa niya ito ay para bang ngumingiti rin ang mga mata niya sa akin.

Hinila niya ang upuan para sa akin. "Take a sit." wika nito.


Ang bait niya talaga, kaya hindi mo rin ako masisisi kung bakit magaan ang loob ko sa kaniya.

May inabot siya sa akin na box na kulay brown.

"What is this?" Naguguluhan akong nakangiti.

"Alam kong mahilig ka sa cake kaya binilhan kita." ani nito sa malumanay niyang boses.

Hala! how sweet. Puwede na ba akong kiligin? Wala naman sigurong masama kung kikiligin ako sa puntong 'to 'di ba?

He's so thoughtful and I can't help but smile. My heart is beating a bit faster right now and I feel like my cheeks are burning too.

"Thanks, Lu!" I said.

Bubuksan ko na sana 'yong box para kainin namin pero pinigilan niya ako.

"Sa bahay na lang." sabi nito at pinigilan ang kamay ko sa pag bubukas ng box.

Tumango na lang ako at ngumiti. Siyempre nakakahiya rin naman kung ipipilit ko pa kaya pumayag na lang ako. Hindi naman nagtagal at dumating na ang magaling kong bestfriend.

"Tagal mo bess ah!" sinimangutan ko siya at natawa naman ang katabi ko habang pinapanood akong sinesermonan ang kaibigan ko.

"Binigyan ko lang kayo ng oras." sabi nito at may pang aasar pa sa tono. Tumatawa ito, Ang dami talaga nitong alam.

"Baliw." tumayo na ako at nauna na sa counter.

Nag-order din naman silang dalawa at matapos no'n ay umuwi na rin kami. And as usual, Hinatid niya na naman kami. Parang ginawa niya na itong obligasyon na dapat kada uwi namin ay siya na ang nag hahatid sa amin.

Napagod ako sa aming biyahe at hindi ko na malayan nang pagdating ko sa bahay ay nakatulog pala ako kaya pag gising ko ay gabi na. Napaka tulog mantika ko, buti na lang ay hindi naapektuhan mga gawain ko dahil dito.

I'm not going to buy dinner outside.'Yong cake na lang ang kakainin ko dahil kanina pa ako natatakam dito.

Hindi ako masyadong nag-popost sa facebook kaya hindi ko na pinicturan pa 'yong box na may cake at kinain ko na.

Sa sobrang gutom ko nagulat na lang ako naubos ko na pala.Pero habang nginunguya ko 'yong cake may naramdaman ako sa aking bibig. Ayan, sa katakawan ko mabibilaukan pa yata ako.

Kinapa ko 'yong nasa bibig ko at niluwa ko, ano ba ito? Baka mamaya sa katakawan ko ay 'yong kahon na ang nanguya ko.

But to my surprise, it's a small folded paper at may nakasulat dito.

"Sweeter than a cake is you.

You make me smile everytime I see you.

Your pictures are now my collection.

I just wanna tell you that you have caught my heart.

You softened it with your pretty smile.

There's nothing more I want to do now than to tell you that I've fallen l for you.

Please let me prove to you and allow me to show my love for you.

I'll wait no matter what because for sure, you are worth the wait."

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa nabasa ko.

This is way more than I've imagined and he's making me feel not just the butterflies but more than that is the way his words shows me his clear intention.

Niligpit ko na 'yong box at itinago ko ang letter niya. I don't know kung ano ba dapat kong gawin.

Yes , I like him I guess pero hindi puwedeng pa dalos dalos ako, marami pa akong dapat isipin. I need to wait for the right time to answer him.

Matutulog na sana ako nang biglang magring ang phone ko.

And It's him.

"Hey Pia, uhm...did you eat the cake already?"

rinig na rinig ko sa phone 'yong boses niya na tila para bang kinakabahan siya.

"Uh yes, anyway ang sarap no'ng cake thanks"

Uh oh..I don't know what to say. Parang ang awkward at ayoko rin sana sabihin na nabasa ko na 'yong nasa papel.

"Did you...see the letter?" may pag aalangan sa kaniyang boses.

"Hey uh about that-" naputol agad 'yong sasabihin ko nang tumawa siya.

"Hahaha, Don't worry 'bout that. I was just tryin to tell you what I feel." natatawa nitong wika

"Yeah..I actually have a good feelings for you Lu. But for now we better be just friends that's fine right?" kabado kong wika, kinakabahan kung ano ang isasagot niya.

"I told you Pia, I'm going to wait for you" halata sa tono niya ang pagiging seryoso at sinseredad.

After that call, I pray not just because ginagawa ko 'yon bago ako matulog but I also need to do that today, I just want to ask for God's wisdom because I don't want to make a mistake.

"I still want the right person and the right timing, God's Timing."

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon