Chapter 9

1K 7 0
                                    

Inayos ko ka agad ang mga pagkain na niluto ko at nagmano ako sa dumating na magulang ni Lu.

"Goodevening po Tito at Tita" pag bati ko at ngumiti.

"Piaaa!" excited na bati ni Tita at niyakap niya ako nang mahigpit tila ba sabik na sabik siya sa akin.

Shocks! Nakakahiya naman baka amoy sinigang pa ako dahil hindi pa naman ako nag papalit ng damit.

Ilang sandali naman ay iniwan ko na rin sila dahil nag-uusap sila nila Papa at Mama. Naging Close din sila sa isa't isa at hindi ko alam kung kelan pa 'yon nag simula pero ang alam ko lang ay ang sarap nilang pag masdan, para silang mga magtotropa tuwing nag kakasama.

Nagluto na ulit ako at tinuloy ko na ang pag aayos sa lamesa. Matapos nilang mag usap ay agad ko na rin silang inaya sa lamesa para kumain.

Nakita ko naman na nag-enjoy silang lahat at sigurado rin naman ako na kahit papaano ay marunong akong magluto kaya nasarapan naman siguro sila.

Aayain ko na sana si Luwence na mag usap para sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagpunta ko sa China nang bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti siya nang malawak sabay inabot niya sa akin ang isang box na agad ko rin naman tinanggap.

"Congratulations Pia!!! Ang saya ko para sayo dahil ikaw ang napili" masigla nitong bati sa akin.

Did he already know? Nag tataka akong nakatingin sa kaniya at hindi ko alam paano niyang nalaman?

"Paano mo nalaman Lu?" nag aalangan kong tanong sa kaniya.

Inayos na ni Kuya ang lamesa at ang mga pagkain nang matapos na silang kumain. Ipinagpatuloy naman namin ni Lu ang pag-uusap namin sa living room.

"Nalaman ko 'yon dahil naka-post kaya 'yon sa page ng Campus niyo" Malumanay nitong paliwanag sa akin na may ngiti pa rin sa kaniyang labi.

Nagulat ako pero kinabahan pa rin ako at hindi ko alam kung bakit. Baka natatakot ako kasi baka mag bago ang lahat, ewan ko rin.

"I'm really happy for you Pia, don't worry I will wait for you no matter what." but with his eyes full of sincerity and determination, I feel assured that everything will be alright.

---

It has been 6 months since I flew to China. Hangang ngayon inaalala ko pa rin 'yong sinabi niya sa akin na hihintayin niya ako kahit na ano ang mangyari. Madali kaya 'yon o mahirap? Probably, difficult. It's not easy to be afar from someone that you love. It requires patient,commitment and trust.

Aaminin ko alam kong sobrang lalim na rin ng nararamdaman ko sa kaniya. Namimiss ko siya araw araw at gustong gusto ko na rin talaga siya na makita, but I need to remain strong and trust this process of waiting.

Ang dami kong natutunan dito sa China, hindi lang sa pagtuturo kundi na rin sa buhay, kung paano mabuhay na magisa malayo sa bansa na kinalakhan mo at kung paano makitungo sa mga tao sa paigid mo, kailangan maging matatag at maging maparaan. Kahit ang hirap makipag-communicate sa mga local ay kailangan ko pa rin magtiis at gawin lahat nang makakaya ko para turuan ang mga estudyante.

Kauting tiis na lang at makikita ko na sila Papa, Mama at si Kuya. and of course him.Sa totoo lang medyo hindi ko naramdaman na magkalayo kami.Everyday he never forgets to update me and he still visits my parents kahit na wala ako naman ako doon.

But lately feeling ko he's busy, I don't want to feel bothered because I know we're not yet in a relationship, and he's not required to message me all the time or update me all the time.

Pero, Babae ako at tao pa rin naman ako kaya medyo nababahala ako at pakiramdam ko natatakot ako na hindi ko rin maintindihan.

But then I ignored that feeling, nagfocus na lang muna ako sa work ko and I also focus on how I will become better every day.Hangang sa hindi ko na mamalayan natapos ko na pala ang isang taon.

Right now, I'm standing outside NAIA Terminal 2, it feels so good to be in your own country.

Kaba, lungkot at saya ang nararamdaman ko in the same time,hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dahil kaya ito sa tinagal ng isang taon kaya natatakot ako na baka pagdating ko dito ay marami na ang nagbago?

Pero, kung kami talaga ang para sa isa't isa naniniwala ako na si God na ang bahala. I don't need to worry about it, but right now, I admit that I'm quite excited and nervous. Also, I missed my parents and my brother so much. I want to see them but—

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon