38: Newbie

126 11 6
                                    

Chelle POV

"This coming event, youll stay by my side." saad nya

Napatanga naman ako. The hell?! Stay by his side while watching my friends fighting for their lives?! Is he out of his mind?

"What?"

"Hindi ka kasali sa event and sa tabi lang kita." saad nya sabay kindat

Aish! Bwisit! Tuluyan na akong umalis dahil wala rin naman akong magagawa! Saka andun yung punyetang mas lalong nagpapabwisit sa akin!

------

Cedrick POV

Kawawa naman tong babaeng to! But then,serves her right. Kung di lang sana sya nangialam at pinairal ang kuryosidad nya ede sana hindi mangyayari sa kanya to.

"K-kailan nyo ba ako palalayain?" nahihirapang tanong nya

Duguan na ito at punit na rin ang ibang parte ng damit nya.

"Dont you worry. We will send you to hell soonest!"

Napairap naman sya sa sinabi ko. Kahit kailan tong babaeng to!

"You know, dont be too nosy. You never know when that creepy nose of yours might get cut" saad ko na nagparolyo na naman sa eyeballs nya

Bat ba ang hilig nyang umirap?

"Dont be too nosy,nosy,nosy! Nangyari na nga diba? Boplaks ka rin ano! Saka wag ka ngang mangialam,buhay ko to!" sigaw nya

Ibang klase!

"Tss. Nga pala. Wag ka ng magplano na tumakas dahil ikakapahamak mo lang. And alam kong may ibang rason kung bakit ka pinarusahan ni Reese" saad ko

"Alam ko kung bakit ako pinarusahan,hindi ako tanga!" sigaw na naman nya

Bugbug sirado na nga sya,nakuha pang magalit at sumigaw!

"Kung hindi ka tanga,bat mo sila pinatakas. At ang sabi ko may IBANG rason,maglinis ka nga ng tenga!" balik na sigaw ko rito at diniinan ang salitang ibang

"Nye,nye nye! Ewan ko sayo! Umalis ka na nga rito!"

Siguro kung hindi lang to nakatali at hindi bugbug ang katawan kanina pa ako nito pinagtutulakang lumabas. Amazona rin itong babaeng to!

"Fine. Just reminding you again, all eyes on you. Kaya di ka makakatakas."

"Boplaks ka talaga! All eyes on me eh dalawa lang ang mata ko!"

Umiling nalang ako at di na umimik pa. Nakakasira ng utak ang babaeng to! Lumabas na ako ng tahimik.

------

Karl Herris POV

Im Karl Herris. Half Romanian and half Filipino. And yes! Ako yung gwapo at machong nakakita sa kulay yellow na suot ng brat na yun.

(A/N: Woooh! Lakas ng hangin.)

Shhh ka lang Ms.A

(A/N: Wokey dokey kamukha mo si Monkey)

Sa gwapo kong to? Psh!

Pero balik tayo sa usapan. 18 years na palang nag e-exist ang gwapo at kinababaliwan ng mga babae,at ako yun. Mwahahaha!

Ilang segundo pagkatapos lumabas ng brat nayun, lumabas na rin ako. At nakita ko sya, sa di kalayuan,palingon lingon at parang may hinahanap. Kaya agad ko tong hinabol. At nang nasa likod na nya ako hinigit ko sya sa braso.

Diamond SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon