44: Young Lady

64 8 6
                                    

Dedicate to:
@GraceDan Librando Labongray
@Rixie Ann Valerio
@Nayeon Lim Dixie Sasaki

DREY POV

Mahigit tatlong oras ang biyahe bago huminto ang isang van sa isang napakalaking building. Nasa Maynila na kami. Dali dali akong bumaba para mapagmasdan ang buong lugar. Baka kasi ibang trap na naman ito.

"Amulet Hospital? Ngayon ko lang yata nalaman na mayroong hospital si Amaz na nakapangalan sa kanya?" naguguluhang tanong

Ngayon ko lang rin napagtanto na dito ipinadala sina Reese. Amulet Hospital? This is my first time to be here. Memorize ko lahat ng gusaling mayroon si Reese. Pero wala ito sa nalalaman ko. Imposible namang itinago nya to sa amin, para saan pa.

Lumabas ang driver ng sinakyan naming van saka lumapit sa'min.

"Tara na po sa loob Ma'am at ng magamot yang mga sugat nyo."

"Baka isa na naman itong patibong." Brey

"Parang ordinaryong hospital naman to, so there's nothing to worry about."

Paninigurado ni Mels saka nauna ng maglakad papasok

Iginiya kami ng driver na alam kong hindi lang basta basta driver ito.

Maraming pasikot sikot na daan papalayo sa mga tao kanina sa bakuna ng hospital. Palayo kami ng palayo, mas tumahimik naman ang paligid namin. Naging alerto kaming lahat. Naglabas ng mga shuriken at baril. Habang ang driver naman ay napapailing nalang habang tinatawanan kami na animoy mga hibang na.

"We're here. Malayo ito sa entrance ng hospital dahil kung doon kayo gagamutin ay maraming makakapansin na mga pasyente at baka magpanic sila. Publikong ospital ito. Hindi na namin kayo dinala sa GFS building dahil alam naming magpapanic kayo. Hindi nyo pa pinagkakatiwalaan ang Young Lady"

"Young Lady? Yung babae kanina. Sino ba talaga siya? Why is she helping us?" - desperada kong tanong. Nakikita ko sya minsan sa school, pero napaka misteryosa nya.

"Itong silid na kaharap nyo ngayon, dito kayo magpapahinga. May kalakihan ito, kaya kasya kasya kayong lahat. Diyan na rin kayo gagamutin. At pagkatapos ng tatlong yun na gamutin, ay ililipat sila sa kwartong ito."

Naguluhuan kaming lahat. Bakit tatlo? Marvin, Reese and who? That impostora bitch Ana?

"No! Wag nyo nang gamutin ang impostorang Ana na yun! She don't deserve to be alive! Sya ang dahilan kung bakit napahamak sina Reese!"
Brey is already shouting in anger! We can feel it. Pero nang tingnan ko ang driver, nakakunot lamang ang mukha nito. Parang walang naintindihan sa sinabi ni Brey.

"Dalawang lalaki at isang babae ang kasalukuyang ginagamot ngayon. Yung Ana'ng sinasabi mo ay patay na. Sya ang nahulugan ng lahat ng pader na gumuho, kaya nabuhay ang Young Lady."

"Dalawang lalaki? Sino naman ang isa?" tanong ni Walter.

Is it him? No. I saw him... dead. Kaya wala nang pag asang mabuhay pa sya! Speaking of him, I need to see him! Masakit mang iniwan na kami ni John, pero kailangang tanggapin.

"Anyway, s-saan ang room ng mga patay?" tanong ko na ikinagulat ng driver. Ang mga kasamahan ko naman ay nanlumo. Kahit naguguluhan ang driver, itinuro nya parin ang daan. Umalis na ako saka tinahak ang daang itinuro nya.

"I forgot their names. But as far as I remember, the one guy is the boyfriend of Young Lady, while the other one is that guy who got shot near from his heart."

Matapos marinig yun, ay napahinto ako, tila may glue akong naapakan at ayaw ng gumalaw ng paa ko. Is it him?

"Drey..." rinig kong saad ni Brey

Diamond SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon