Gusto Ko Pala Magsulat

457 19 15
                                    

The counterpart of Ayoko na Magsulat.

Ngayon pursigido ko na. Totoong-totoo na 'to. Hindi ka na paaawat. Gusto mo pala talagang magsulat.

Pero haharangan ka na naman ng kaaway mo.

"Hindi maganda yang concept mo.." "Cliche" "Gasgas na yan" "Hindi yan papatok".

Sisirain na naman ang naipon mong confidence at tiwala sa sarili.

Mapapatalumbaba ka na naman at mapapabuntong-hininga. Itutuloy ko ba 'to? Maiihagis mo na ang papel na hawak mo at mapapasigaw ng "Ayoko na Magsulat!!!!"

Papasok na naman ang ideya sa isip mo, hindi ka na naman papatulugin nito at kukulitin kang isulat ito sa papel. "Isulat mo na. Sisikat ka dahil dito balang-araw." "The best 'tong concept. Wala pang gumagawa n'yan." "Unahan mo na bago pa maisip ng iba."

Sino ba talaga ang kaaway mo? Sino ba ang pumipigil sa'yong magsulat? Sino ba ang pumipigil sa'yo?

Diba ang sarili mo din?

Magkakasundo na kayo ng kaaway, may kapayapaan nang namumuo sa pagitan n'yo, titigil na s'ya sa paninira ng bait mo at hindi na n'ya iuutos na iumpog ang ulo mo sa pader.

Payapa ka nang nakaharap sa blankong papel at masasabi mo nang. . .



Gusto ko pala magsulat.

Gusto Ko Pala MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon