Iyakin akong tao pero hindi sa mga palabas o nababasa. Mababaw luha ko pero hindi ako napaiyak ng ilang kwento dito sa wattpad na bali-balitang nagpaiyak sa milyon-milyon nyang followers.
Hindi rin ako napa-iyak ng mga international movie adaptation ng mga sikat na nobela sa kanila.
Bakit?
Ako yung tipo ng mambabasa o manonood na mataas ang expectation. Kapag nabalitaan kong nakakaiyak daw papanoorin ko pero disappointed pagkatapos dahil natapos ang pelikulang nakanga-nga ako. "Asan na yung nakakaiyak na part dun?"
Minsan inis din ako sa pagiging ganito ko. ewan, ganito na talaga ako.
Bilang lang yung nagpaiyak saking pelikula o nobela. At proud kong isi-share yun.. bawal tumawa, okay?
5. Terminator.
Sabi ko walang tatawa diba? Eh sa naiyak ako eh. Elemantary days ko yun. Alam kong action yun noh. Yung ending kasi nagpahulog na lang si Arnold S. sa mainit na pampatunaw ng bakal kasi tapos na misyon nya tapos nag-ok sign pa sya kahit sunog na katawan nya. Basta naiyak ako. Period.
4. MMK. Piolo Pascual Episode.
Yun yung nagkaroon sya ng mental problem, "I can count your hair.." remember those lines? Tapos bago sya nabaliw ugali nyang mag-ipit ng pera sa sulok-sulok o sa mga books sa bahay nila then noong namatay ata sya yung perang yun ang naiwan para sa parents nya.
3. Small Voice.
Twice ko napanood yun at dalawang beses din nya kong napaiyak.
2. The Werewolf Boy
Yung part na ang unang salitang natutunan nyang sabihin ay "Kagima" (Don't go) dahil iiwan na sya nung girl. Isa pang pandurog puso ay yung ginugol ni poging-poging Jung Ki ang buhay nya para matutong magsalita, magbasa at magsulat. Hinintay nyang bumalik si girl kahit sa muli nilang pagkikita ay matanda na yung girl. Wapak pa yung english translation ng OST nilang My Prince..
1. Miracle in Cell No. 7
Eto yung big time sa puso ko. Diba alam nyo namang hindi na ako naiiyak kapag alam kong nakakaiyak yung kwento pero WHAT THE~ tulo talaga luha ko dito. At ako ang bida sa bahay ng gabing yun.. panoorin ba daw akong umiyak.. pang-asar lang mga kapatid ko.
Kung gusto mong magpaiyak ng manonood o mambabasa.. paglaruan mo ang emosyon nila. Patawanin mo sa simula at paiyakin sa katapusan. Kung gusto mo namang patawanin, paiyakin mo sila sa simula at pasayahin mo sila sa ending.
Kapag nabasa ko ang kwento nyo at napaiyak nyo ko, sasabihin ko agad sa writer ng kwentong yun at magpapasalamat ako sa paggawa ng magandang kwentong hindi ko malilumutan tulad ng limang nabanggit ko kanina.
Kasama na sya sa mga kwentong tumatak sa puso at isip ko bilang manonood o mambabasa.
Wow. Ang taray.