A. Simula ng Kwento

267 11 1
                                    

1. Mabagal ang development.

2. Gawing entertaining ang simula para hindi sila maumay.

3. Masyadong mahaba ang establishment ng simula o kaya sobrang bilis. Mukang may climax na kahit kakasimula pa lang ng kwento.

4. Intro pa lang hindi na catchy para sa mga mambabasa. Baka common o kaya nagamit na. Palitan o kaya ibahin ang timpla. Lagyan mo ng ibang rekados, baka mag-iba na ang lasa.

5. Pare-parehas ang pagpapakilala sa mga character. "Ako nga pala si Main Character, 13 years old at NBSB pa.. " Mag-isip ka pa ng ibang way, o ibang diskarte.


6. Nasa simula lahat ng highlights kaya puro sabaw na ang gitna.

7. Predictable. Alam na kung ano ang takbo ng kwento dahil pinasilip na ito sa simula pa lang.

8. Puro incidents lang. Hindi nagtatanim si writer ng plants of information kaya walang pay offs na aanihin sa gitna. 

Isisingit na lang kapag may naisip na, hindi naman daw mapapansin ng reader ang importante daw kikiligin sila.

9. Panay puso. Kulang naman sa Logic ang flow ng kwento o kaya talagang nag-research at may logic ang pasikot-sikot ng kwento, wala nga lang puso. Ibalanse.

10. 'Wag ikwento lahat. Hayaan mong manabik ang mga mambabasa para may aabangan sila. Pigilan mo sarili mong maging tsismosa.


Ayeen's Note:

or

Dissing myself note:

Sabi ni Ms. R hindi lang daw puro talent at hard work ang kailangan sa industriyang ito. Kailangan mo din daw ng koneksyon at swerte.

Lahat daw kulang ako nun.

Ouch.

Gusto Ko Pala MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon