1. Masyadong mabilis naresolba ang mga problema. Kahit hindi totoo.. gawing kapani-paniwala.
2. Hindi convincing ang katapusan.
3. Hindi naihatid ang point o mensahe ng kwento. Yun na yun? Nga-nga tuloy sila.
4. Again. Predictable. Alam na ng mambabasa na may mamatay sa ending. Alam na nila na tragic o happy ending.
5. Nakalimutan na ang mga subplot na pinapilitan mong ipasok sa kwento pero nabitawan naman at hindi nabigyan ng hustisya. Sayang lang nakasira pa sa kwento.
6. Tapos na ang kwento pero nagku-kwento pa rin. May mga special chapter pa. 1 year ago pa natapos ang kwento pero nag-update ng special chapter dahil hindi maka-move on si author.
7. Hindi matanggap na hindi nag-click ang ending. Binago. Pinalitan.
8. Magulo ang ending. Painter si Author, ginawang abstract.
9. May explanation si writer sa author's note kung ano yung message ng ending. Baka daw kasi hindi na-gets ng reader.
10. Sabay-sabay naresolba sa ending ang lahat ng problema. Isang bagsak lang. Basta na lang na-solve.
Ayeen's Note:
Nalaman ni Ms. R kung ilang taon na ko sa wattpad. Nang malaman nya ikinompare nya 'ko sa mga bago.. alam nyo na kung ano nanaman ang napala ko.
Hinamon nya ko around June2014, i-achieve ko daw na magkaroon ng 100k reads before year ends kaso binawi nya, mahihirapan daw ako.
Mahina daw ako sa PR, hindi rin daw ako marunong magpromote ng stories ko. Basta na lang daw pindot ng publish button at bahala na si Batman..
Eye opener noh?