>> Problema sa Dialogue

187 10 3
                                    

1. Two years old na bata marami nang comment sa love? Palitan ng dialogue na akma sa edad ng tauhan, o palitan ang tauhang magbibitiw ng dialogue na yun.

2. May declamation. Ang dami n'yang sinasabi. Binuking na nga n'ya ang theme, nagbigay pa ng idea kung anong ending.

3. On-the-nose ang lahat ng mga dialogue. (Direktang nagbibigay ng impormasyon sa mambabasa). Laging nagpapaliwanag. Paulit-ulit pa. Bakit? Walang tiwala sa reader? Paki-explain? Hayaang ma-curious ang mga mambabasa.

4. Masakit sa tenga ang batuhan ng mga linya. Try n'yong bigkasin yun sa totoong buhay, kapag masagwa malamang hindi akma.

5. Non sense. Irrelevant na nga at walang connect sa kwento sinasabi pa. Tanggalin o kaya baguhin. Be considerate sa mga mambabasa. 'Wag mo silang pahikabin.

6. Masyadong nangangaral. Ibahin ang paraan kung pa'no mangangaral na hindi nagmumukang pinapangaralan mo sila.

7. Hindi akma sa personalidad ng character ang binitiwang dialogue.

8. Hindi ikaw ang character mo, bigyan mo s'ya ng ibang boses, ng ibang pagkatao, makikita yun kung pa'no n'ya bitiwan ang mga dialogue.

9. Paulit-ulit ang mga sinasabi. Nasabi na sa chapter 3, sasabihin ulet sa chapter 88, hindi pa nakuntento, inulit ulet sa chapter 150. Ang malala.  Sa iba-ibang character yun. Iisa na kasi ang boses ng mga character ni writer.

10. Kapag sinabing inglesero/a ang character umuulan din ng What the F!! at SH!T sa mga dialogue nya. Seryoso? Yun lang ba alam n'yang sabihin?


Ayeen's Note:

May tanong sa'kin ang friend kong nagpa-iyak sa'kin na itago natin sa pangalang Ms.R.  "Ano bang ginawa ng bidang lalake mo bukod sa pakiligin ang bidang babae mo? Wala diba? Yung bidang babae mo walang ginawa kundi kiligin."

Napaisip din ba kayo?

Gusto Ko Pala MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon