Quality V.S Quantity

175 7 2
                                    

Ano ba ang batayan ng isang maganda at malupet na kwento? Sa dami ba ng chapters?

Sa tagal ng paglalaboy ko sa mga story dito sa wattpad, marami akong napansin na isinasaalang-alang ang ganda ng kwento, ang logical flow, emotional flow ng istorya mapaabot lang ng 100 chapters ang kwento n'ya.

Quality versus quantity.

Dito ko nalaman ang term na SABAW. Kasi nga isinaalang-alang ang kalidad ng kwento para lang tumagal sa ere ang popularidad nya.

Choice yun ng writer ng kwento. Kung ang habol lang naman nya ay makilala o sumikat, marahil yun nga ang strategy na pwede nyang subukan. PERO.. kung ang habol mo ay gumawa ng kwentong MAY LAMAN, yung tipong tatatak sa isip ng makakabasa, yung tipong pakiramdam n'ya nakahukay s'ya ng isang baul ng kayaman dahil mangilan-ngilan pa lang ang nakakadiskubre ng ganda n'ya, 'wag mong isaalang-alang ang kwento mo.. SAYANG NAMAN.

Merong mga kwentong umaabot lang ng 10 chapters pero siksik sa logical at emotional flow. Bawat eksena essential sa takbo ng kwento. Pinag-isipan. Kung baga sa mga teleserye.. WALANG DEAD AIR.

Pero kung pinagpala ka ng talentong kayang gumawa ng 100 chapters pero andun pa rin ang quality ng kwento, good for you. You have the talent to hold someone's interest for a long time.

Quality versus quantity.

It's your choice. Choose wisely.

Gusto Ko Pala MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon