>> Problema sa Istorya

263 14 3
                                    

1. Cliche. Paulit-ulit nang nagamit pero patuloy pa ring ginagamit.

Pwede namang cliche pero dahil magaling ang writer sa execution nag-iba ang timpla. Bagong putahe. Nag-experiment sa pagluluto.

Sabi nga nila, wala na daw original ngayon. Lahat nagawa na, lahat ng idea nagamit na. Pero nasa husay mo pa rin sa pag-execute ang magiging kapalaran ng kwento mo.


2. Hindi nag-research. Mali-mali ang information na na-input. Hindi credible.

Example, si male lead lumaki sa England, do a research kung ano ba ang mga common idioms na ginagamit nila doon, o way ng pagsasalita nila o kung paano sila magmura.

"That's rubbish!" instead of "That's trash!"



3. Mababaw. Hindi tuloy maka-relate ang mambabasa. Hindi sa istorya kundi sa mismong pagsusulat.

4. Walang laman. Panay sabaw. Sayang ang oras ng mambabasa. Sana nag+review na lang sya para sa long test bukas. Kung magsusulat ng Erotic Stories lagyan mo ng ISTORYA hindi puro hubaran.

5. Hindi maka-usad ang istorya. Panay irrelevant na dialogue lang. Baka walang malinaw na central problem kaya walang chance mag-grow ang character. Tulad ng normal na tao. Natututo tayo sa pagkakamali at mga problema.. Wag kang matakot na patirin o itulak sa bangin ang mga tauhan mo. Hayaan mong matutong tumayo o matutong lumipad.


6. Hindi interesting basahin. Walang pakielam ang pambabasa sa problema ng bida. Out of stock sa emosyon ang writer.



7. Sinipag ang writer. Madaming naisip na twist and turn. It's complicated na ang status ng kwento nya. Confusing na tuloy at nakakasawa nang ipagpatuloy ang pagbabasa.



8. Predictable. Magkaibigan sila ni Cliche. Chapter one pa lang alam mo na ang ending dahil masyado kang naglalabas ng information sa mambabasa. Wala ka bang tiwala sa readers mo? Sa tingin mo ba hindi nila magi-gets?




9. Nakakasawa ang kwento. Siguro dahil walang chance huminga ang reader. Baka walang sub plot ang kwento. Maglagay ng kaunti. 'Wag dadamihan baka matabunan ang main character.

10. Walang momentum o hindi kapanapanabik ang takbo ng kwento.













Ayeen's Note:

Look for a mentor or a friend na honest sa pagbibigay ng critic on your work. I found one. Pinaiyak n'ya 'ko.

Gusto Ko Pala MagsulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon