Tinapos ko na ang lahat ng kailangan kung tapusin ngayong araw at natapos ko na rin ang gawin ko sa Shipping Line using my Laptop.
Pagkalipas ng ilang oras na pagtutuos naming dalawa ng Laptop ko lumabas muna ako para magpahangin pumunta ako sa Gubat at sa dulo nito may ilog doon, ang ganda sa pakiramdam ng lugar na yun nakakapagaan ng loob.
Umupo ako sa malaking bato na malapit sa ilog ang ganda tignan ng tubig na umaagos ang linaw linaw niya halatang ang linis linis.
""Pa sorry nabigo kita ito na siguro yung araw na tatanggapin ko na lang yung nangyari sayo""Walang alam kong lumabas lang sa bibig ko.
Ano na naman yung naiisip ko na susuko? Ang drama ko ngayon. Kahit ilang daan ko pang sabihin na susuko ako. Di ko magagawa yun sa salita lang yun.
Tama nga ata kailangan ko na sigurong magbago in 12 years naging messirable yung buhay ko dahil sa pesteng hustisya na yan, na hanggang ngayon ang hirap hanapin pero hindi ako nagsising ginawa yun. Ginusto ko naman eh para kay Papa pero ang hirap ehh ngayon na siguro yung tamang panahon na tanggapin ko nalang na wala na siya na hindi na siya babalik sa amin kahit anong gawin ko. Siguro nga titigil na ako sa paghahanap pero kung may isang tao man na magsasabing alam niya ang hari ng pagkamatay mo Pa syempre hindi na ako magdadalawang isip na gantihan ito dahil kusa namang lumapit sa akin yun eh.
""Pa Sorry talaga pagod na pagod na ako eh""Walang tigil sa pag-agos ng luha ko kasi nabigo ko si Papa ng ilang taon.
Naging walang kwenta ba akong anak sa kaniya dahil kahit yun na lang ang kaisa isang ginagawa ko hindi ko pa nagawa ng maayos.
Walang tigil parin ang paghikbi ko hanggang sa may tumawag kaya hindi ko nalang tiningnan ang Caller ID agad ko nalang sinagot ito baka si Brie lang.
"H-hello""Pautal utal kong sabi dahil napapasinok sinok pa ako sa iyak.
""Bakit ka umiiyak anak""Nanlaki yung mata ko ng malaman ko kung sino ang tumawag.
Napasinghap ako at pinunasan yung luha ko""Ahh Ma sinisipon lang ako""Pagsisinungaling ko sa kaniya at pilit na pinapaayos ang tono ng pananalita ko.
""May sakit ka ba?""May pag-aalala sa kaniyang boses.
""Ma what happen to ate?""Rinig kong sabi ng kapatid ko.
""Hindi naman malala Ma, na ikakamatay ko""Pagbibiro ko.
""Loko ka talagang bata ka pupuntahan kita sa condo mo""
""Wag, wag na Ma kaya ko na to unting sipon lang tsaka may nag-aalaga naman sa akin dito""Pagsisinungaling ko ulit.
""Siguradong ayos lang?""
""Oo ayos lang sige na Ma magpapahinga na muna ako ikamusta mo nalang ako kay Leigh""Sabi ko sa kaniya.
""Sige wag kang magpapakamatay ha!""Pagbabanta niya na ikinatawa ko naman ng malakas para hindi halatang umiyak nga ako.
""Oo ma""Sabi ko at agad ko ng binaba ang tawag.
Simula ngayong araw magbabago na ako iiwan ko yung buhay kong magulo pagod na akong dalhin yun, gusto ko naman ng bagong buhay. Pagod na akong itago kong ano meron ako, mismong kaibigan ko pinagtataguan ko na dapat alam niya lahat ng ito, kahit nanay ko nga hindi niya kilala ehh. Ang hirap lang kasing magtiwala baka sa huli tatraydurin niya ako, tsaka ayoko rin naman na malaman niya yung bad side ko baka iiwan niya ako.
BINABASA MO ANG
Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)
General FictionDon't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting", (Nikki Henderson)