""Hyung magpaalam ka na ngayon sa iying nag ina"" Sambit ng lalaking puro's naka itim na may dalang iba't ibang klaseng baril.
Nakakatrauma makita yung ganto. Pakiramdam mo kahit anong oras mawawalan ka ng buhay.
""Pumili ka Hyung buhay ng pamilya mo o buhay mo?""
""Tangina niyo!"" Nagpupumiglas ako sa aking kinauupuan, kahit sobrang hirap makawala, pinipilit ko. Gusto kong yakapin si Papa gusto kong harangin yung balang babaon sa kaniya.
Si Mama wala ng malay dahil dinagukan ng mga walang hiyang to.
""Patayin niyo lang ako, wag lang yung pamilya ko"" Naiiyak na sabi ni Papa.
""Papa, ano ba pinagsasabi mo! Mabubuhay tayong lahat!!"" Nagsimula ng magbadya yung luha ko.
""Ohh beautiful little girl, paano ba yan nakapili na yung tatay mo""
Napapikit ako ng marinig ko yung napakalakad na putok ng baril. Ang mga walang hiya pinatay nila ang aking Ama.
""Mga walang hiya kayo!! Magbabayad kayo! At sisiguraduhin kong buhay niyo ang kapalit!""
""Fuck!!Fuck!!Fuck!!!
Nagising ako mula sa isang hindi magandang panaginip bumalik na naman yung ganitong pangyayari sa tuwing natutulog ako.
Nilingon ko si Brie mahimbing na mahimbing yung tulog niya.
Buti nalang nag kaayos kami ng babaeng to. Hindi kasi ako sanay na hindi kami nagpapansinan.
Nang makaramdam ako ng uhaw napagpasyahan kong bumaba para uminom ng tubig.
Pagkatapos kung uminom ng tubig hinanap ko ang susi ng motor ko hanggang ngayon kasi hindi ko pa nagagamit yung sasaktan kong bagong ayos.
""Ready mo yung chopper""Utos ko kay Zarren.
Mabilis ko namang pinaandar ang motor ko at pinarada ko ito sa parking lot ng unit ko, Agad naman akong pumunta sa Hellipad dito.
""Maam the chopper is ready""Sabi ni Zarren na kanina kong tinatawagan.
Nakita ko agad ang chopper ko na kulay Itim na may halong blue tapos may nakalagay pa na Nikki Henderson sa Tail Boom tsaka may naka lagay sa TailRotor na Nikki the legend hindi nga lang medyo halata dahil sa kaliitan nito pero kung titingnan mo ng maigi at malapitan makikita mo ito ng maayos.
Bago ako lumipad tiningnan ko naman kung maayos ba yung pagkakalagay ng set belt ng makitang maayos na hinanda ko na ang aking sarili sa pagpapalipad. Inuunti unti ko itong inangat hanggang sa makaabot na ako sa himpapawid.
Napangiti ako ng makitang nasa himpapawid na ako ang ganda ng tanawin dito sa itaas. Medyo madilim pa kaya ang ganda tingnan sa ilalim. Nakakarelax.
Naalala ko pa nong unang practice ko sa pagpapaandar ng ganitong bagay, muntik na ako lumusong sa tubig dahil hindi ako marunong kung paano pataasin buti nalang may napindot ako na ibang bagay na nagpataas sa Chopper kaya hindi natuloy ang paglusong sa tubig.
Minadali ko na ang pagpapalipad para makarating na ako sa Palawan..
Pagkalapag ko ng Chopper sa malawak na lupain. Andon na kaagad si Hoseok na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa palawan. Pero pag nasa Manila naman si Zarren na ang naman ang nag-aalaga nito.
""Ikaw na ang bahala""Sabi ko bago umalis.
""Sige Maam,nakahanda na po si Efsane""Sabi niya tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)
Genel KurguDon't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting", (Nikki Henderson)