XXI-21

279 10 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari na yun kampante na ako sa bawat galaw ko kaya nag-aya akong magdinner sa harap ng dalampasigan.

Ito na yung huling araw na magsasaya kami bukas na bukas luluwas na kaming manila para asikasuhin yung mga naiwang trabaho.

Habang nag-aayos yung tatlo sa set up ng dinner namin.Napaupo ako sa buhangin at dinadama yung ganda ng papalubog na araw.Sa tinagal tagal ngayon ko na naman ito nakita,ang ganda rin ng simoy ng hangin lalo na yung tunog ng bawat alon parang ang peaceful lang pag ganito.Sana ganito nalang yung buhay ko,yung hindi magulo.

Kahit anong hanap ko siguro ng hustisya hindi ko na yun mahahanap sa tinagal na panahon pero kahit sobrang nahihirapan ako hindi ako susuko kagaya ng ipinangako ko sa aking Ama.

Nalaman ko ngang kapatid ko si Brie pero may kulang parin.Hindi ko parin talaga matanggap na may kulang sa amin at kahit kelan hindi na kami mabubuo kagaya ng pangarap ko.

""Lalim ng iniisip ahh""

Tiningala ko si Brie na kakarating lang at tumabi sa akin.

Napangiti ako sa kaniya,Isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.

Napatingin ako sa kawalan at inalala yung mga pangarap ko dati""Naalala ko pa dati sobrang taas ng pangarap ko gusto ko maging Flight Attendant man lang o Pilot pero kahit isa man lang hindi natupad.Naging drug dealer ako tsaka mamatay tao""Natawa ako sa inisip ko....""Nice Job""Nakangisi kong sambit.

""Bakit di mo tinuloy?""

""Hindi ko yun kaya""sagot ko na parang wala ng pag-asa.

Gusto gusto ko talaga makuha yung ganon trabaho kaya lang sobrang wala akong tiwala sa sarili ko tsaka lagi kong iniisip yung mga kahinaan ko.Iniisip ko na paano kung hindi ko kaya tsaka ano ba akong istudyante dati.Yung kahinaan ko sa Matataas, hindi naman ako fluent sa English.

Umalis si Brie sa pagkakasandal ng ulo niya at tiningnan niya ako ng masama""Ikaw? Hindi kaya?""Natatawa niyang sabi....""Your not Nikki for Nothing""She said then she rolled her eyes on me.

Napatango tango ako""Ganito lang ako pero may mga kahinaan ako""sabi ko sa kaniya.

Not All the time I am strong.I have a weakness also but I always think that I can do it.Kung kaya ng iba makakaya ko rin.

Napatayo ako sa kinauupuan namin at pinuntahan ko yung tatlo na nagtatawanan,tapos na sila sa pag set up ng table.Hanga ako sa kanila dahil kahit lalaki sila kaya nilang gawin yun at sobrang ganda pa ng pagkagawa nila.

Kinuha ko yung Rum sa ibabaw ng table nila at kinuha ko yung wine glass at sinalinan ko yung akin""Cheers""sabi ko sa kanila at nilaklak ko yung nilagay ko sa baso ko.

Nagsikuha naman silang lahat at nagcheers..

Nilingon ko si Brie na nakaupo parin si Dalampasigan at malalim yung iniisip hinayaan ko nalang siya.

                      ~~~~~◇◇◇~~~~~

NAPAISIP rin ako kanina sa ikenwento ni Nikki na hindi na tuloy yung pangarap niya dahil sa kahinaan niya pero alam kung kaya niya yun pero ibang trabaho yung pinili niya.

Mas mabuti pa nga siya eh napapag-aral siya ni Mama at nakapagtapos.Nakapagtapos rin naman ako pero hindi rin natuloy yung kukunin kung kurso dahil sa mga litse kong tita pero ngayon ipapangako kong matutupad yun.

""Alone?""Rinig kong tanong ni Dark na kakarating lang ata at umupo sa tabi ko.

Umirap ako""Hindi ba obvious?""

""Malay mo may kasama kang hindi ko nakikita""Pagbibiro niya.

Tumawa ako ng parang nambabara""Funny?""

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon