Chapter 9: Anguish

7.2K 196 18
                                    

— Mabs —
   


    Hindi na talaga ako nakatulog simula nang puntahan ako rito ni Felix sa kuwarto. Kanina pa siya nakalabas pero gising na gising pa rin ako.
   
    Iniisip ko kung talaga bang nagi-guilty siya kaya siya nagso-sorry or naaawa lang siya sa nakikita niya sa ‘kin ngayon.
   
    Tumihaya ako ng higa at tumingin sa tabi ko.
   
    Halos ilang linggo ko na siyang hindi nakakatabi. Miss na miss ko na talaga ang asawa ko.
   
    Napatingin ako sa wedding picture frame namin na nakataob pala ro’n sa study table. Mapait akong napangiti dahil siguradong siya ang nagtaob niyon.
   
    Wala akong ibang ginawa sa kama kun’di ang tumitig sa ceiling at tumulala. Inisip ko na lang din na baka umalis ulit si Felix o kung hindi man ay baka sa ibang kuwarto siya natulog.
   
    Isang oras na yata akong nakatulala lang hanggang sa napapikit ako bigla dahil narinig ko ang pagpihit sa doorknob.
   
    Nandito pa pala siya.
   
    “Mabs? Are you awake?”
   
    Nagtulog-tulugan ulit ako. Wala akong lakas ngayon para kausapin siya.
   
    “I cooked.”
   
    Muntik na kumunot ang noo ko, buti na lang napigilan ko.
   
    He cooked? Bakit? Para sa’n?
   
    Hindi… hindi ako tatayo rito. Hindi ko tatapusin ang pagtutulog-tulugan ko. Wala dapat akong pake kung nagluto man siya o ano.
   
    “Mabs, you need to eat,” he softly said.
   
    Hindi ako magpapadala sa malumanay niyang boses.
   
    Tumagilid ako ng higa at niyakap ang isang unan para iparating na hindi ko tinatanggap ang alok niya.
   
    Sa totoo lang, ayan naman talaga siya, ganiyan siya mag-alaga kapag alam niyang may sakit ako… noon.
   
    Pero ngayon, sa dami na ng mga nagawa niyang pananakit sa ‘kin, parang naninibago na ako.
   
    “Alam kong gising ka,” pagpupumilit niya. Huminga ako nang malalim nang narinig ko ang paglakad niya palapit. “Mabs, sige na, let’s have a dinner.”
   
    Nagmatigas ako at iniharang ang unan sa mukha ko. Kinagat ko ang labi kong nanginginig.
   
    Sa ginagawa niya ngayon, mas lalo kong nami-miss ang dating siya— ‘yung Felix na mahal na mahal ako, malambing, at inaalagaan ako sa lahat ng oras.
   
    Dapat akong matuwa ngayon pero hindi ko magawa! Alam ko kasing puwedeng ngayon lang ‘to at sa susunod, si Cally na ang makakaranas ulit ng totoong pagmamahal ng asawa ko.
   
    “Mabs—”
   
    “Lumabas ka.” Pilit kong pinatigas ang boses ko. “At kumain ka mag-isa mo.”
   
    Saglit na katahimikan ang namayani.
   
    Pero alam kong nandiyan pa rin siya dahil hindi ko pa naririnig ang paglabas niya ng kuwarto.
   
    “Mabs, let’s—”
   
    “Ano ba?!” sigaw ko bigla.
   
    Napapitlag kasi ako nang hawakan niya ‘ko sa braso. Mabilis akong umupo at tiningnan siya nang masama.
   
    Pero para din akong nanlambot sa nakita ko kung paano siya tumingin sa ‘kin.
   
    Awa…
   
    Napupuno ng awa ang mga mata niya. Awa na hindi ko nakita’t naramdaman tuwing sinasaktan niya ako physically and emotionally.
   
    “Kumain ka na,” mahinang sabi niya na ikinaiwas ko ng tingin. “Pinaglutuan kita. Tara na…”
   
    Umiling ako at pinagtutulak ang kamay niya nang pilit na naman niya akong hinawakan.
   
    Malakas ko siyang tinulak palayo. Suminghap siya at nagkagat ng labi pero hindi pa rin talaga tumigil.
   
    Lumapit na naman siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko’t nasampal ko siya nang malakas.
   
    Naging matunog ‘yon na ikinatigil namin pareho. Bumaling ang ulo niya sa kabila at napahawak siya sa pisngi niyang nasampal ko.
   
    Tumulo ang luha ko dahil ayoko talagang saktan siya pero hindi ko na kaya at napigilan pa ang sarili ko.
   
    “Noong Pasko at Bagong Taon na pinaglutuan kita ng mga paborito mong pagkain…” Tumigil ako at huminga nang malalim. “Kinain mo ba?”
   
    Umiwas siya ng tingin at tumingala habang hawak pa rin ang pisngi niya.
   
    “H-Hindi, ‘di ba?” Napasinghot ako. “Kaya hindi ko rin kakainin kung ano man ‘yang niluto mo!” Napasigaw na ako nang malakas habang umiiyak nang malala.
   
    Inihagis ko pa ang unan sa kaniya. Kinuha ang natitirang unan at pinaghahampas sa kaniya ‘yon. Wala siyang ginawa kun’di tumayo lang sa harapan ko at hinayaan ako sa ginagawa ko.
   
    “Ang sakit-sakit mo!” sigaw ko habang walang tigil sa paghampas sa kaniya ng unan. “Ang sakit-sakit mong mahalin!”
   
    Napatigil ako bigla nang kumirot nang sobrang sakit ang puso ko. Umayos ako ng upo at itinapon ang unan sa sahig. Hinabol ko ang hininga ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko.
   
    “M-Mabs, why? Bakit ka—”
   
    “Umalis ka na,” putol ko sa sinasabi niya at akmang paglapit sa ‘kin.
   
    Nagtitigan kami. Umiling siya sa ‘kin at inilingan ko rin siya.
   
    “Gusto kong matuwa kasi nandito ka ngayong gabi, pinaglutuan mo pa ako, hindi ka galit ngayon…” Natawa ako nang mahina. “Pero naaalala ko lang na ganiyan ako lagi sa ‘yo kaso ano’ng ginawa mo? You fucking hurt me.”
   
    Dahan-dahan siyang umatras at tumalikod. Narinig ko ang pagsinghot niya bago siya mabagal na naglakad papuntang pinto.
   
    Paglabas niya, lumapit din ako sa pinto at ni-lock ‘yon. Habol ko pa rin ang hininga ko nang umupo naman ako sa sahig para kunin ang mga gamot ko sa ilalim ng kama.
   
    Mukhang wala na talagang pag-asang bumalik pa sa dati ang lahat…
   

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon