Chapter 23: Confession

8.6K 172 31
                                    

— Mabs —

   
    Kagaya ng inaasahan ko, pumayag agad siyang makipag-annul sa 'kin. Ito naman kasi talaga ang gusto niya simula pa lang noong una.
   
    “Sasagutin ko na lahat ng gastusin n'yo sa annulment."
   
    Pareho kaming napatingin kay Vladimir dahil sa sinabi niya. Umawang ang bibig ko dahil heto na naman siya, maglalabas na naman ng pera para sa amin.
   
    "Gustong gusto mo na talaga siyang makuha, 'no?"
   
    Bumalik ang tingin ko kay Felix nang tanungin niya 'yon. Pinunasan niya muna ang mukha niya habang nakikipaglaban ng titigan kay Vladimir.
   
    Tiningnan ko ulit si Vlad. Ngumisi siya kay Felix. “Yes."
   
    Napakamot ako sa kilay ko at tumabi na kay Vlad. "Umalis na tayo."
   
    Umiling si Vlad na ikinataas ng kilay ko. Hindi niya pa rin ako tinitingnan at nanatiling nakatitig kay Felix na may tila pang-aasar.
   
    "By the way, how's your life with your mistress?" tanong niya kaya hinawakan ko na siya sa braso para patigilan pero hindi niya pa rin ako pinapansin.
   
    "Why do you care?" ganting tanong ni Felix na ikinangisi ulit ni Vlad.
   
    "Nabalitaan ko kasing wala na kayo."
   
    Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Vlad. Hindi ko alam 'yon. Bakit alam niya? Bakit hindi niya sinasabi sa 'kin? Tsaka bakit sila naghiwalay ni Cally kung kailan umalis na ako?
   
    Tumikhim si Felix at umiwas ng tingin. Hindi siya nakasagot agad pero itong si Vlad ay tumawa pa nang mahina.
   
    "Nagustuhan mo ba ang pinadala ko?" panibagong tanong ni Vlad.
   
    Naguguluhan na ako sa pinagsasabi nito kaya nanatili akong tahimik at naghihintay. Si Felix naman ang nagkaroon ng salubong na kilay.
   
    "Pinadala?" tanong niya pabalik na ikinatango ni Vlad.
   
    "Yup. Have you forgotten? The pictures?"
   
    Nawala ang pagkakunot ng noo niya at tumaas ang sulok ng labi. Nagtagis ang panga niya habang hindi pa rin bumibitiw sa titigan nila.
   
    "I-Ikaw ang nagpadala niyon?"
   
    Tumango ulit si Vlad. "Anong pakiramdam ng bumalik sa 'yo ang ginawa mo?"
   
    "Wait, ano ba'ng pinag-uusapan n'yo?" singit ko at hinila sa braso si Vlad para tingnan niya na 'ko. "Anong pictures, Vlad?"
   
    Sa wakas ay tumingin na siya sa 'kin. Nandoon pa rin ang mapang-asar niyang ngisi. Tiningnan niya muli si Felix bago sumagot.
   
    "Pinadala ko sa kaniya ang pictures ni Cally kasama si Acer Zaldes."
   
    Sinong Acer?
   
    "Si Acer ay lalaki ni Cally at ang Acer na 'yon ay may asawa na rin. In other words, Cally is also cheating, they are all cheaters."
   
    Literal akong napanganga sa sinabi niya. Nilingon ko si Felix na nakayuko na lang ngayon sa puntod ng mommy niya.
   
    Niloloko rin pala siya ni Cally?
   
    "Grabe 'yon, 'no? Ang bilis ng karma," nakangising dugtong ni Vlad.
   
    Nahawa ako sa pagngisi niya kaya unti-unti ring gumalaw ang labi ko para ngumiti. Natatawa akong ibinalik ang tingin ko kay Felix.
   
    "Bagay nga talaga kayo ni Cally. Pareho kayong manloloko," sabi ko. Tumingala siya para ako naman ang titigan. "Kaya pala kayo naghiwalay? At hindi lang 'yon, baka hindi mo na rin makita ang anak mo?"
   
    Wala siyang sinabi. Nakikita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon— sakit, galit, at inis. Pero heto kami ni Vlad, pinagtatawanan siya.
   
    Deserve, Felix, deserve.
   
    "Hintayin na lang natin ang pagsisimula ng Annulment process," huling sinabi ko bago hinila si Vlad palayo.
   
    Sabay kaming naglakad pabalik sa parking kung nasaan ang kotse niya. Huminga ako nang malalim habang iniisip ang mga nangyari.
   
    Hindi ko lang inasahan na may lalaki rin pala si Cally. Grabe, paano kaya sila nakakatulog gabi-gabi knowing na may masasaktan silang tao dahil sa mga kagagahan nila? Paano nila naaatim na pagsabayin ang dalawang lalaki o babae nang hindi nakokonsensya?
   
    Buong akala ko ay ayaw niya talagang maging kabit. Naiintindihan ko na noong una ay hindi niya talaga alam na may asawa na si Felix dahil nagpakilala ang asawa ko bilang single pero noong nalaman niya na, hindi pa rin siya lumayo sa asawa ko. At ngayon, malalaman kong niloloko niya rin ang asawa ko?
   
    Wow, life really sucks as hell.
   
    “Huwag mo na silang isipin. Hindi mo na sila problema.” Natigilan ako sa pag-iisip nang agawin ni Vlad ang atensyon ko. “Isipin mo na lang na tapos ka na sa kanila. Tapos ka nang masaktan at may bagong buhay ka na.” Ngumiti ako nang pagbuksan niya 'ko ng pinto.
   
    Tama siya, hindi ko na dapat sila isipin. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa dalawang 'yon. Sana hindi lang 'yan ang maging ganti sa kanila ng Diyos.
   
    "Akala ko pagiging Doctor lang ang profession na gusto mo, gusto mo rin palang maging detective or investigator."
   
    Natawa siya bigla at tumango-tango. Tumingin siya sa 'kin habang ini-start niya ang engine.
   
    "Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba, ako na ang bahala." Ngumiti siya. "Ako na ang gagawa ng hindi mo kayang gawin."
   
    Umiwas na siya pero nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ang ganda ng side profile niya, nakakainis.
   
    "Bakit mo ba talaga ginagawa 'to?" mahinang tanong ko. "Bakit parang ikaw pa ang gumaganti para sa 'kin?"
   
    Kahit nakaharap siya sa daan, nakita ko pa rin ang maliit na ngiti niya sa gilid ng labi niya.
   
    "Because I want cheaters go to hell," he murmured. "Mabs, hindi naman ako papayag na isipin nilang mabubuhay na sila nang maayos noong umalis ka na. Hindi ko hahayaang maging masaya sila habang ikaw, dala-dala mo pa rin 'yung sakit ng panloloko nila sa 'yo."
   
    "Kaya mo pinaimbestigahan si Cally?"
   
    Tumango siya sa tanong ko. Napangiti na lang ako at tumingin na rin sa labas. Nanahimik na kami sa byahe.
   
    Lord, si Vladimir na ba ang ginawa Mong instrument para mailabas ang karma ng mga manlolokong 'yon? Kung gano'n, salamat po.
   
    Nagtaka ako nang napansin kong hindi na daan papunta sa condominium ang tinatahak namin.
   
    "Saan tayo pupunta, Vlad?"
   
    "Sa town house. Doon ka na lang, mas okay ro'n kaysa sa condo. Mas malapit din ang town house sa nilipatan ko," sagot niya.
   
    Tumaas ang kilay ko. "Ba't ka lumipat?"
   
    "Sa tingin mo ba, gusto ko pang maging kapitbahay ang asawa mo ro'n?"
   
    Kumunot na ang kilay ko. "Bakit, doon pa ba siya tumitira sa bahay namin?" Tumango lang siya.
   
    Akala ko, ro'n siya umuuwi sa bahay ni Tita Fella. Bakit sa amin pa siya umuuwi? Noong nakatira pa ako ro'n, minsan lang siya umuwi at madalas wala. Ngayong wala na ako ro'n, tsaka lang siya umuuwi ro'n.
   
    Gago ka talaga, Felix.
   
    “Pero kung gusto mo, puwede naman akong tumira din sa town house, kasama mo," hirit niya at nakangising lumingon sa 'kin.
   
    Nagkagat labi ako at umiwas ng tingin. Hindi ako sumagot dahil wala akong makapang salitang sasabihin!
   
    Ang dalas na kasing humirit nitong si Vlad, tila hotdog.
   
    Pagkarating namin sa town house, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto para sa pagbaba. Sakto lang ang laki ng town house, may second floor at ang sabi niya'y may pool area pa ito. Peach and black ang color.
   
    "Maghahanap ako ng trabaho at kapag nakaipon na ako, maghahanap na rin ako ng malilipatan—"
   
    "What?" biglang tanong niya at kunot noo akong hinarap. Hinarangan niya ang paglilibot ko ng paningin dito sa loob ng bahay. "Bakit ka pa aalis? I can give you everything you need—”
   
    "Vlad, alam ko." Hinawakan ko siya sa braso. "Pero hindi ako puwedeng habang buhay na lang umasa sa 'yo. Kailangan ko ring tumayo sa sarili kong mga paa. Kailangan ko ring paghirapan ang mga perang gagastusin para mabuhay ako. Hindi puwedeng ikaw na talaga ang bumubuhay sa 'kin."
   
    Napatitig siya nang matagal sa 'kin. Sumimangot siya na ikinangiti ko lang. Pumalatak siya at tinalikuran ako bago siya naglakad palayo.
   
    "If that's what you want, then go!"
   
    Napakurap ako sa kaniya. Papasok na kasi siya sa kitchen nang malakas niyang sinabi 'yon.
   
    Bakit parang nagtampo pa?
   
    Napailing ako at sinundan siya. Naabutan ko siyang nagsasalin ng tubig.
   
    "Alam ko naman na gusto mo lang akong tulungan pero sana maintindihan mo—”
   
    "Naiintindihan ko," tipid niyang sabi at lumapit sa 'kin dala ang isang baso ng tubig. "Uminom ka."
   
    Akala ko'y para sa kaniya ang sinasalin niyang tubig, sa akin pala. Ininom at inubos ko nga 'yon. Tinalikuran niya ulit ako para magsalin muli ng tubig.
   
    "Gusto kong magtrabaho para malibang naman ako—"
   
    "Kaya naman kitang libangin."
   
    Natahimik na lang ako sa sinabi niya at nagkamot ng ulo. Bumuntonghininga ako bago siya iniwan doon.
   
    Bumalik ako sa living room para magpahinga sa couch. Ilang sandali pa ay sumunod na rin siya rito. Sinundan ko ng tingin ang paglakad niya papunta sa bukas na pinto. Sumandal siya sa gilid nito at tumingin sa labas, parang may iniisip.
   
    Tumayo ako para lapitan siya. Sumandal ako kabilang gilid ng pinto para magkatapat kami. Nanatili siyang nasa labas ang tingin.
   
    "Bakit ba parang ayaw mo pang kumilos ako o paghirapang magkaroon ng sariling pera? Hindi naman puwedeng ikaw na lahat ang gagastos. Ganiyan ka ba talaga kabait?" Kunot noo kong tanong.
   
    Hindi pa rin siya nagsalita. Pinagkrus niya pa ang mga braso niya.
   
    “Bakit... sobrang bait mo sa 'kin?" Alam kong ilang beses ko na 'tong natanong sa kaniya pero parang hindi pa rin kasi ako kuntento sa mga sagot niya.
   
    "Ilang beses ko na bang sinagot 'yan?" Seryoso niya 'kong nilingon. Napalunok ako nang tuwid siyang tumayo. "Ano pa bang gusto mong marinig?"
   
    Napalunok na naman ako at umiling. "A-Ano..."
   
    Hindi ko alam!
   
    Napasinghap na lang ako nang bigla niya 'kong hinila paalis sa pwesto ko. Sinara na niya ang pinto at halos hindi na naman ako nakahinga nang maayos nang sunod niya 'kong isinandal sa pinto.
   
    “V-Vlad..."
   
    Nanatiling seryoso ang mukha niya. Hawak niya ang braso ko pero hindi madiin 'yon. Sa ikatlong pagkakataon ay napalunok na naman ako nang dahan-dahang lumapit ang katawan at mukha niya.
   
    "Gusto mo pa bang marinig na gustong gusto kita, Mabegail Ann Cruz, crop the Salora?"
   
    Naitikom ko ang labi ko nang bumaba ro'n ang tingin niya. Nawalan ako ng boses para magsalita!
   
    Kasi naman...
   
    Gusto niya 'ko?
   
    Hindi na dapat ako nagulat dahil halata 'yon sa mga kilos niya pero inamin niya kasi! Talagang inamin niya na mismo.
   
    Matagal kaming nasa gano'ng posisyon nang hindi man lang ako nagsalita. Naramdaman ko sa mukha ko ang hininga niya nang bumuntonghininga siya.
   
    Nakahinga lang ako nang maluwag nang bitiwan niya na 'ko at lumayo sa 'kin. Naglakad siya papunta sa couch.
   
    "Ang weird para sa 'kin noong una na nagkagusto ako sa babaeng may asawa," sambit niya bago umupo. "I don't know why. Wala ka namang ginagawa para mahulog ako pero bakit hulog na hulog na 'ko sa 'yo?"
   
    Nanatili akong nakatayo rito sa bandang pintuan at nakikinig lang sa kaniya. Sumandal siya sa sandalan ng couch at tumingala sa ceiling.
   
    "Your personality, the way you talk, smile, and act... nakakaakit."
   
    Napayuko na lang ako. Ang sarap pakinggan pero wala akong kasiguraduhan sa nararamdaman ko.
   
    "Minsan nga, tinatanong ko ang sarili ko..."
   
    Umangat ulit ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin na rin pala siya sa 'kin.
   
    "Bakit ikaw 'yung nagustuhan ko? Bakit 'yung may asawa pa? Pero pinili kong mas mapalapit pa sa 'yo at habang tumatagal, mas tumitindi 'yung nararamdaman ko. Hindi ko na kayang lumayo sa 'yo."
   
    Kinagat ko nang mariin ang labi ko at mabagal na naglakad palapit sa kaniya. Wala pa rin akong masabi, para akong napipi. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit nang papalapit sa kaniya. Hindi ko rin maiwasang ma-concious sa pagsunod niya ng tingin sa 'kin.
   
    "Kaya h'wag ka nang magtaka kung bakit ginagawa ko ang lahat para sa 'yo." Ngumiti siya habang titig na titig pa rin sa 'kin.
   
    Umupo ako sa tabi niya at huminga nang malalim. "May minahal ka na bang iba noon?"
   
    Umiling siya na ikinaawang ng bibig ko.
   
    Wala pa?!
   
    "I was focused on my studies. Wala akong time for lovelife. Wala akong pinapansing babae noon. It's just you who caught my attention," nakangisi niyang sagot na dahan-dahan ko na lang ikinatango.
   
    Grabe, wala pa pala siyang naging girlfriend kung gano'n?
   
    Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Ilang minuto kaming nanahimik muna. Kinagat ko nang mariin ang labi ko at pumikit.
   
    “Mas gusto kong tahimik ka sa mga sinabi ko," mahinang sambit niya na ikinadilat ko ulit. "I don't know if the feelings is mutual. Iniisip kong baka mahal mo pa rin ang asawa mo and that's okay. I'll still stay by your side."
   
    Umiling ako nang maraming beses.
   
    Hindi ko sigurado kung wala na ba 'kong natitirang pagmamahal kay Felix pero ang sigurado ako ay hindi na ako babalik sa kaniya.
   
    "N-Natatakot ako, Vlad..." mahinang sambit ko at tumingin sa kaniya. "Natatakot akong magmahal ulit."
   
    Tumango-tango siya at umayos ng upo. Medyo humarap siya sa 'kin. Napapikit na naman ako nang ayusin niya ang patilya ng buhok ko.
   
    "I understand. Alam ko na 'yan, sa simula pa lang. Hindi biro ang pinagdaanan mo sa asawa mo kaya aware akong mahihirapan kang magtiwala ulit. Aware akong na-trauma ka at nagkaroon na ng trust issue."
   
    Tumango-tango rin ako bilang pagsang-ayon. Dumilat ako para makita ulit ang mga mata niyang may napakaraming emosyong nagpapakita.
   
    "Hayaan mo lang ako sa tabi mo, Mabs. Hindi kita pinipilit na mahalin din ako, masaya na 'kong natutulungan kita."
   
    Vlad...
   
    Hindi ko alam kung may nakakaiyak ba talaga pero nagsituluan ang mga luha ko.
   
    Hindi ko kasi akalain na may lalaki pa palang itatrato ako nang ganito. May lalaki pa palang magpaparamdam ulit sa 'kin nito— 'yung saya, pakiramdam na pinagtatanggol at iniingatan ka.
   
    Pero hindi pa rin nawawala ang takot ko na baka mauwi lang din sa sakitan ang lahat kagaya ng nangyari sa amin ni Felix.
   
    I'm sorry, Vlad...

———

Lulutang o lulubog?

Btw, sa mga hindi pa nababasa 'yung Series 2, doon galing si Acer. Kainisan n'yo ulit si Cally ro'n hehe.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon