Chapter 11: Hopeless

7.6K 186 43
                                    

— Mabs —

   
    Nakangiti kong hinahanda ngayon ang hapag-kainan para sa hapunan namin ni Felix. Niluto ko ang paborito niyang ulam para naman magustuhan niya ang pagkain. Patingin-tingin lang ako sa orasan habang hinihintay siya.
   
    Masaya ako ngayon kasi pakiramdam ko ay gagawin nga ni Cally ang pakiusap kong lumayo siya. Naniniwala akong mabait siya at hindi niya talaga gustong maging kabit kaya magtitiwala ako sa naging usapan namin kanina.
   
    Napatukod ako ng kamay sa table matapos makaramdam ng kirot sa dibdib. Huminga ako nang malalim at umupo muna.
   
    May taning na ang buhay ko kaya susulitin ko ang mga natitirang araw ko kasama siya… kahit pa masakit ito.
   
    Kasi wala na, e. Wala na ‘kong pamilya. Siguro nga may mga kadugo pa ‘ko pero wala silang pakialam sa ‘kin. Alam kasi nilang namana ko ang sakit ni mama at inisip na magiging pabigat lang ako sa kanila.
   
    Tama nga naman. Ang mamahal ng gamot ko, may savings naman ako pero kumukuha rin ako sa binibigay ni Felix noon. Mauubos na ang savings ko at may dalawang buwan nang hindi nagbibigay si Felix sa ‘kin.
   
    Sana pala hindi na lang ako nag-retire sa trabaho no’ng nalaman kong may sakit ako.
   
    Pero wala na talaga. Si Felix na lang ang nandiyan sa buhay ko. Sa kaniya ko gustong i-spend ang natitirang buhay ko.
   
    “Mabegail!”
   
    Napatayo ako bigla sa sobrang lakas na sigaw ni Felix mula sa labas. Kumabog lalo ang dibdib ko nang narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.
   
    Lumabas ako sa kusina para harapin siya. Natuod ako sa pwesto ko nang nakita ko ang mga mata niyang nanlilisik. Mabilis niya pang niluwagan ang necktie niya habang malalaki ang hakbang na lumapit sa ‘kin.
   
    Hinawakan ko nang mahigpit ang sarili kong kamay dahil sa sobrang kaba.
   
    Kitang kita ang galit sa mga mata at mukha niya, sinong hindi kakabahan?!
   
    “Sinabi mo ba kay Cally ang totoo?” galit niyang tanong.
   
    Napayuko ako at hindi nakasagot.
   
    Mukhang nakipaghiwalay na si Cally sa kaniya kaya galit na galit siya.
   
    “Mabs, sagot!”
   
    Napaatras ako sa biglang pagsigaw niya pero agad niya ring hinawakan ang braso ko’t hinila ako palapit.
   
    Iniwas ko ang ulo ko nang lumapit ang mukha niya. “Sumagot ka, ‘tang ina!”
   
    “Dapat niyang malaman ang totoo— A-Ah!”
   
    Medyo tumalsik pa ako nang sampalin niya bigla ang pisngi ko pagkatapos niyang bitiwan ang braso ko.
   
    Tumutulo na ang luhang nilingon ko siya habang hawak ang pisngi kong namamanhid. Ang sakit! Pakiramdam ko ay bumakat pa ang kamay niya sa mukha ko.
   
    Ang bigat-bigat ng kamay niya.
   
    “Gago ka, bakit mo sinabi?!” nanlilisik niyang tanong at lumapit ulit sa ‘kin. “Hiniwalayan niya ‘ko dahil sa ginawa mo!”
   
    Mas napaiyak ako habang sinasalubong ang mga galit niyang mata. Nanginig ang mga balikat at kamay ko.
   
    “N-Nakakalimutan mo yatang may asawa ka,” tanging sambit ko.
   
    Natawa siya at napahilamos sa mukha niya. Napaatras na naman ako nang patuloy siyang lumapit hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader.
   
    “May asawa nga ako…” Tumango siya. “Na hindi ko na mahal!”
   
    Napasigaw na naman ako at pumikit nang mariin nang akalain kong susuntukin niya ako pero narinig ko ang pagtama ng kamao niya sa pader.
   
    Tinakpan ko ang bibig ko ng dalawang kamay habang walang tigil sa pag-iyak.
   
    “Mabs, hindi na kita mahal!” ulit niya na sunod-sunod kong ikinailing habang nakapikit pa rin.
   
    Ayokong makita ang galit niyang mukha.
   
    “G-Gusto ko pa ring maniwala na may natitira ka pang pagmamahal sa ‘kin kahit katiting lang,” mahina kong sabi at sunod-sunod na humikbi. “K-Kasi, bakit ka pa umuuwi rito kung g-gusto mo na talagang m-makipaghiwalay?”
   
    Dumilat na ako para makita ang reaksyon niya. Umiwas siya ng tingin at suminghap. Umalis siya sa harap ko at tinalikuran ako.
   
    Mabilis ko naman siyang niyakap mula sa likod.
   
    “B-Bakit nandito ka pa rin kung hindi mo na talaga ako mahal?”
   
    Humigpit pa ang yakap ko sa kaniya nang hawakan niya ang dalawang kamay ko para tanggalin. Hindi ko siya hinayaan.
   
    “Nakiusap ka sa ‘kin na mag-stay ako, right? Ng kahit isa, dalawa, o tatlong buwan,” sagot niya na ikinakagat labi ko.
   
    Gusto kong matuwa kasi pinagbigyan niya ako pero sino nga bang matutuwa kung nag-stay nga siya pero araw-araw naman akong sinasaktan?
   
    “I-Isa lang naman ang gusto ko, love…” bulong ko at isinubsob ang mukha ko sa likod niya. “Ang makasama ka at sumaya ulit kahit… sige, isang buwan na lang.”
   
    Kung aabot pa ako ng isang buwan.
   
    Pinilit pa rin niyang tanggalin ang kamay ko. Mas malakas siya kaya wala na ‘kong nagawa nang nagtagumpay siya. Bumagsak ang balikat ko at tinitigan na lang ang likod niya.
   
    “I’m sorry, Mabs, but I can’t stay with you anymore like how we used to be together before.”
   
    Sinuntok ko ang dibdib ko nang mahina dahil parang mas dumoble pa ang sakit sa mga salitang binitiwan niya.
   
    Mapait akong napangiti.
   
    “W-Why did you stop loving me?”
   
    Hindi ako magsasawang itanong ‘to kahit alam ko na ang sagot— kasi nagsawa na siya, hindi ko siya mabigyan ng anak, and malamang sa malamang ay na-fall out of love.
   
    Hindi siya sumagot. Nagsimula siyang maglakad palayo.
   
    Hinabol ko pa rin siya at hinarangan.
   
    Pilit akong nagsuot ng ngiti na ikinakunot ng noo niya. Pinunasan ko rin ang mukha ko bago ko siya hinawakan sa braso.
   
    “Love, naghanda ako ng d-dinner. Kain tayo?”
   
    Umawang ang bibig niya. He looked at me with disbelief in his eyes. Parang hindi siya makapaniwalang nagawa ko pa siyang ayain kumain.
   
    Umiling siya at tinabig ako pagilid, paalis sa harapan niya. Napasimangot ako at sinundan na lang siya ng tingin.
   
    “Huwag ka nang magpakatanga, Mabs.”
   
    Kumurap lang ako sa sinabi niya at hinayaan na siyang umalis. Mabagal ang paglakad na sinundan ko pa rin siya sa labas. Humawak ako sa gilid ng pintuan habang sinusundan siya ng tingin sa pagsakay niya sa kotse niya.
   
    Mas hinigpitan ko pa ang kapit dahil nanlalambot na ang tuhod ko, hindi lang tuhod, buong katawan.
   
    Pinanood ko ang pag-alis ng sasakyan niya.
   
    Siguro susuyuin niya si Cally…
   
    Pilit akong ngumiti bago tumingala sa madilim na kalangitan. Isinandal ko na rin ang ulo ko sa gilid ng pintuan.
   
    Mukhang wala na talagang pag-asa, Lord. Mamamatay talaga ako nang hindi masaya at hindi na minamahal.
   
    Napaupo ako bigla at humawak sa chest ko. Pumikit ako nang mariin at sinubukang tumayo pero hindi ko na kinakaya ang panlalambot ko.
   
    Wala yata akong choice kun’di gumapang ulit papasok.
   
    “M-Mabs, hoy!”
   
    Napalingon ako bigla sa sumigaw. Naglikha rin ng ingay ang pagbukas ng gate.
   
    Parang nabuhayan ako ng loob nang nakita ko si Vlad na nagmamadaling pumasok dito. Kita ko agad ang pag-aalala sa mukha niya.
   
    “W-What happened?” tanong niya nang nahawakan niya na ‘ko.
   
    Hindi na ako nakasagot nang umayos siya ng puwesto. Pinakapit niya ‘ko sa batok niya. Inilagay niya ang isang kamay niya sa ilalim ng dalawang legs ko at ang isa pang kamay sa likod ko. Binuhat niya ‘ko at itinago ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Doon ako tahimik na umiyak.
   
    Ipinasok niya ako sa loob ng bahay at inilapag sa couch. Luminga-linga siya sa paligid ng bahay at naglakad-lakad. Pumasok siya sa kusina na nahanap niya agad. Paglabas niya ay may dala na siyang baso ng tubig. Umupo ako saglit para inumin ‘yon.
   
    “Nasaan ang mga gamot mo?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. “Oh, huwag kang mag-deny. Alam kong may sakit ka.”
   
    Napahinga na lang ako nang malalim “N-Nasa pangalawang kuwarto. Nasa ilalim ng kama,” sagot ko na ikinatango niya.
   
    “Wait for me here, okay?” sabi nya na ikinatango ko lang.
   
    Tumakbo agad siya paakyat. Humiga lang ulit ako at pilit pinakalma ang sarili.
   
    Pagbaba ni Vlad, dala na niya ang mga gamot ko. Inalalayan niya akong umupo ulit at hinayaang inumin ang mga kailangan kong gamot. Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ko.
   
    “Ano ba’ng nangyari?” tanong niya at umupo sa tabi ko. “Rinig na rinig ko kanina ‘yung sigaw ng asawa mo. Nakita ko rin ang pag-alis niya.”
   
    Yumuko lang ako at hindi sumagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
   
    “Hindi nagalaw ang mga pagkain sa lamesa n’yo, kumain ka na ba?” panibagong tanong niya pna lang.
   
    Umiling ako. “Para sana sa amin ni Felix ‘yon,” mahinang sagot ko.
   
    Natahimik siya saglit. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko.
   
    “Kung ayaw kainin ng asawa mo, puwedeng tayo na lang kumain? Para naman hindi masayang ang luto mo.”
   
    Napatingin ako bigla sa kaniya. Ngumiti siya nang malapad sa akin. Napangiti rin ako nang maliit at tumango sa kaniya.
   
    “Sakto, hindi pa ako kumakain at gutom na gutom na ‘ko,” natatawang aniya at tumayo na. “Kaya mo na bang maglakad o gusto mong buhatin ulit kita?” Ngayo’y may concern na ulit sa boses niya.
   
    Sinubukan kong tumayo. Inilahad niya sa harap ko ang kamay niya kaya doon ako kumapit. Nakayanan ko na ulit lumakad pero nanghihina pa rin ako.
   
    “Hmm! Amoy pa lang talaga, nakakatakam na!” sambit niya na ikinalingon ko sa kaniya.
   
    Nakapikit siya at parang sinisinghot talaga ang amoy ng pagkain. Kahit papaano ay napangiti niya ako.
   
    Natutuwa ako kasi na-appreciate niya agad ang luto ko kahit hindi niya pa natitikman.
   
    Magkaharap kaming umupo. Napatitig pa ako sa kaniya nang siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko. Nakakahiya kasi siya pa ang nag-aasikaso.
   
    “Kumusta pala ang bar exam mo?” tanong ko na lang bago sumubo.
   
    “It’s fine. Medyo mahirap pero kinaya,” sagot niya at sumubo na rin. “Ang sarap, ah!” ngiting ngiti niyang puri sa luto ko. “Ito na ang pinakamasarap na lutong natikman ko.”
   
    Natawa ako bigla at umiling-iling. “Weh ba? Nambobola ka pa, e.”
   
    Ngumiti siya pabalik. “Nope. Ito talaga pinakamasarap.”
   
    Tinaasan ko siya ng kilay. “Mas masarap pa sa luto ng mommy mo? Hindi ako naniniwala!”
   
    “Wala na ang mommy ko. Namatay siya sa panganganak sa ‘kin.” Hindi pa rin nawala ang ngiti niya nang sagutin niya ‘ko niyon. “Kaya masasabi kong luto mo ang pinakamasarap na natikman ko.”
   
    “S-Salamat,” nauutal ko pang tugon at kumain na ulit.
   
    Tumahimik na ulit ako at itinuon na lang ang sarili sa pagkain. Iniisip ko, na dapat si Felix ang kasama ko ngayon sa pagkain pero mukhang hindi na talaga kami magkakasama sa ganito.
   
    Tiningnan ko si Vlad na pasulyap-sulyap pa sa ‘kin habang sumusubo siya.
   
    Mabuti na lang nandiyan siya. Hindi ko naramdamang mag-isa ulit ako pagkatapos umalis ni Felix. Nakakatuwa lang na naging kaibigan ko agad siya pagkatapos ng pagtulong niya sa ‘kin noon sa mga bastos na lalaki.
   
    “Sinasaktan ka ba ng asawa mo?” mahinang tanong niya na nagpatigil sa ‘kin sa pagnguya. “M-May… may bakas kasi sa mukha mo. Namumula pa.”
   
    Napahawak agad ako sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at lumunok. Dahan-dahan akong umiling kay Vlad.
   
    “H-Huwag mo na lang pansinin,” tanging sagot ko.
   
    Umiling siya at seryoso akong tiningnan. “’Yung mga nakita ko bang sugat at pantal mo sa binti, gawa rin ng asawa mo?”
   
    Umiling ulit ako. “Please, Vlad, huwag mo na itanong.”
   
    Nagkatitigan kami nang matagal bago siya tumango. Itinuloy namin ang pagkain. Nagpasalamat naman ako sa loob-loob ko dahil hindi na ulit siya nagtanong.
   
    Ayoko lang na isipin nilang napakasama ng asawa ko. May mga dahilan siya kung bakit niya nagagawa ito sa ‘kin. Mabuti siyang tao at kahit sinasaktan niya ‘ko, hindi pa rin magbabago ang katotohanang siya ang lalaking nagmahal sa ‘kin nang sobra, pinaramdam na hindi ako nag-iisa, siya ‘yung sumagip sa ‘kin sa hirap at kalungkutan noon. Sadyang nagbago lang ‘yon ngayon pero hindi ko pa rin makakalimutan ang maganda naming pinagsamahan.
   
    Kahit parang nakalimutan niya na ito.
   
    “S-Sorry sa mga tanong ko, umiiyak ka na naman tuloy.”
   
    Natauhan ako bigla sa sinabi ni Vlad. Binitiwan ko ang kubyertos at pinunasan ang mukha ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya.
   
    “Sorry, nakikita mo pa tuloy akong ganito.” Pilit akong natawa.
   
    “It’s okay to cry. Cry your pain out, Mabs. Huwag mong ipunin, mas masakit,” seryoso niyang sagot at tipid na ngumiti. “Don’t worry, dito lang ako. Kung kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob, tawagin mo lang ako at darating ako.”
   
    Dahan-dahan akong tumango. “T-Thank you, Vlad.”
   

    “Mabs, may problema ka ba? Kung meron, magsabi ka sa ‘kin ha? I will listen.”
   
    “Alright, Mabs, just cry. I will never get tired of being your shoulder.”
   
    “Oh, bakit umiiyak ka na naman? Sinaktan ka na naman ba ng tita mo? Kakausapin ko sila, Mabs, huwag mo na ‘kong pipigilan.”

   
    Naalala kong mga sinasabi sa ‘kin ni Felix noong hindi pa kami kasal.
   
    Sana bumalik na ang Felix na ‘yon.

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon