Chapter 19: Time

7.7K 172 29
                                    

— Mabs —

   
    “Bakit kaya hindi siya sumasagot?” mahina at nakasimangot kong tanong sa hangin.
   
    Kanina ko pa kasi tinatawagan si Vlad. Wala siyang sinagot sa mga tawag ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa nurse kong inihahanda ang mga gamot ko.
   
    “May nasabi ba sa ‘yo si Vlad kung dadalaw siya rito?” tanong ko na ikinatingin niya sa ‘kin.
   
    “Wala po pero ibinilin niyang alagaan daw po kita nang maigi,” nakangiti niyang sagot na ikinatango-tango ko na lang. “Nami-miss mo po ba si Sir Vladimir?”
   
    Tumaas ang kilay ko at agad umiwas ng tingin. Umiling ako at sumagot ng, “Hindi.”
   
    Hindi lang ako sanay na wala siya rito, maggagabi na kasi pero ‘di niya pa ako nadadalaw. Nasanay akong araw-araw niya ‘kong pinupuntahan.
   
    “Sus, deny pa si ma’am. Halata naman.”
   
    Pinanliitan ko ng mata ang nurse at hindi na lang sumagot. Baka kung ano-ano pang pang-aasar ang gawin niya.
   
    Humiga na lang ako sa mahabang sofa habang hinihintay siya sa paghahanda ng mga gamot ko, pero napaupo rin agad ako nang nag-ring ang phone ko.
   
    Mabilis ko ‘tong kinuha at nakangiting tiningnan kung sinong tumatawag.
   
    Nawala ang ngiti ko nang malamang hindi pala si Vlad ito.
   
    “Hello, Gab? Bakit ka napatawag?” pagsagot ko rito.
   
    “Mabs, nabalitaan ko kasing naghiwalay na pala kayo ni Felix.”
   
    Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Oo, isang buwan na no’ng umalis ako sa bahay.”
   
    “Seryoso?” Tila ayaw pa maniwala. “Ngayon ko lang nalaman! Lasing kasi si Felix ngayon, ayun nabanggit niya nga. May binabanggit pa nga siyang Cally. Sino ba ‘yon?”
   
    Kumunot na ang noo ko.
   
    Hindi niya rin ba alam na nambabae ang kaibigan niya?
   
    “Sorry siya nang sorry sa ‘yo tapos iniwan daw siya nung Cally.”
   
    Iniwan ni Cally?
   
    Nagkamot na lang ako ng pisngi at hindi sumagot.
   
    “Ewan ko ba rito, Mabs. Lagi nang umiinom tapos wala raw siyang mahanap na trabaho.”
   
    Bumuntong-hininga ako at umiling. “Gab, hindi ko na problema ‘yan. Ikaw na lang ang bahala diyan sa magaling mong kaibigan.”
   
    “Oy, oy! Teka naman. Para namang wala kayong pinagsamahan niyan—”
   
    “No’ng mga panahong sinasaktan niya ‘ko, naisip niya ba ang mga pinagsamahan namin? Hindi, kaya huwag mo na ‘kong tatawagan tuwing nagkakaganiyan siya.”
   
    Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay na ang tawag. Napabuga na naman ako ng malakas na hangin at bumalik sa pagkakahiga.
   
    Kung totoong iniwan siya ni Cally, bakit niya ginawa ‘yon? ‘Di ba nga, buntis siya at hindi niya tinupad ang sinabi niyang lalayuan niya ang asawa ko? Ngayon naman ay iniwan niya ito.
   
    Ewan ko na lang talaga.
   
    “Inumin mo na ‘tong mga gamot mo, ma’am.”
   
    Lumapit ang nurse, dala ang mga gamot at tubig. Napaupo tuloy ulit ako para inumin ang mga ‘yon. Tumingin ako sa pinto, umaasang dadating na si Vlad.
   
    Dumating na ang gabi at wala pa rin siya.
   
    Kanina pa ako nakahiga rito sa sofa sa sala at hinihintay siyang dumating. Ayoko ring tumayo dahil pagod na pagod ang pakiramdam ko ngayon kahit wala naman akong ginawa ngayong araw kun’di umupo at mahiga.
   
    It’s been a month and day by day, I feel weaker and weaker than weaker.
   
    I want to spend my remaining days to the person who really cares for me.
   
    And that’s Vladimir.
   
    Nakakain na rin kami ng nurse ko. Siya ang nagluto. Sabi pa nga niya ay may instant nurse at yaya na raw ako, 2in1 raw talaga siya.
   
    “Ma’am, sa kuwarto ka na po mahiga. Sabihan po kita agad kapag dumating si Sir Vlad,” sabi niya at lumapit.
   
    Tumango na lang ako at hindi na umangal. Mahigpit akong kumapit sa kaniya dahil ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko sa katawan ko.
   
    Ipinasok niya ako sa kuwarto at maayos na pinahiga. Pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lampshade.
   
    Tumagilid ako ng higa para makita ang kalangitan na nakikita ko sa balcony. Glass door lang kasi ang humaharang sa kuwarto at balcony kaya kitang kita ko rin dito ang labas at langit.
   
    Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot ito. Pumikit ako nang mariin at sinubukan itong tiisin pero sobrang sakit talaga. Nahihirapan na rin akong huminga.
   
    Lagi naman akong ganito pero parang ang lala naman yata ngayon.
   
    “Mabs! Mabs? I’m here!”
   
    Para akong nabuhayan ng loob nang narinig ko na ang boses ni Vlad mula sa labas nitong kuwarto. Napangiti ako nang tipid at umupo.
   
    Sa kabila ng kakapusan ng hininga, kirot sa puso, at sakit ng buong katawan, pinilit kong bumaba para makalabas ako.
   
    Nanginig ang labi ko nang nahirapan na akong humakbang. Napapakurap pa ‘kong tiningnan ang mga tuhod at binti kong nanghihina.
   
    Agad akong kumapit sa doorknob at binuksan ang pinto.
   
    “M-Mabs!”
   
    Muntik na akong matumba pero nasalo agad ako ni Vlad. Nag-aalala niya ‘kong tiningnan at tinanong kung anong problema.
   
    “A-Ang sakit ng katawan ko, Vlad. I can’t… I can’t breathe properly,” pabulong kong sagot.
   
    “Tara, titimbangin kita.”
   
    Tumango lang ako sa kaniya. Inalalayan niya ako papunta sa timbangan. Ang nurse ko naman ay lumapit na rin sa ‘min at tumulong sa pag-alalay.
   
    Tumungtong ako sa timbangan at yumuko para makita ang timbang ko. Nagkatinginan sina Vlad at ang nurse.
   
    “You gained seven pounds this week, Mabs,” mahinang sabi niya.
   
    Kinagat ko ang labi ko at napapikit.
   
    Gaining more than five pounds in a week is one the signs that your heart failure is worsening or you are dying.
   
    Napayuko ulit ako nang naramdaman ko ang kamay ng nurse sa binti ko.
   
    “Sir, namamaga na ang lower body niya.” Hinawakan niya rin ang kamay ko. “Pati kamay.”
   
    “May dugo pa bang lumalabas kapag umuubo ka, Mabs?” tanong naman ni Vlad na ikinailing ko. “Is it dry?” Tumango ako.
   
    “Kailangan na niyang madala sa hospital, sir.”
   
    Kinagat ko ang labi ko at pumikit nang mariin.
   
    Ang sama-sama na ng pakiramdam ko…
   
    “Mabs, pupunta na tayo sa hospital, okay?” sambit ni Vlad kaya napatitig ako sa kaniya. “Huwag ka nang umangal pa.”
   
    Ipinatong niya ang isang kamay ko sa balikat niya, gano’n din ang isa ko pang kamay sa balikat ng nurse. Pinagtulungan nila ako dahil nahihirapan na talaga akong kumilos.
   
    Tumulo na lamang ang luha ko habang papalabas na kami.
   
    Hindi ko na kasi kailangang nagtanong kung ano’ng nangyayari, kung bakit kailangan ko nang dalhin sa hospital. Ito rin kasi ang mga narinig at nakita ko kay mama bago siya dalhin sa hospital noon. Ganitong ganito ang mga senyales na lumabas sa katawan niya bago siya mamatay.
   
    “M-Mamamatay na talaga ako,,” bulong ko sa gitna ng byahe namin.
   
    Napatingin ako sa kamay kong hinawakan ni Vlad. Umiling siya sa ‘kin pero tanging pag-iyak lang ang nagawa ko.
   
    Isinakay nila ako sa back seat. Tahimik akong umiyak doon habang inaalala ang mga alaala ko simula nong namatay ang mga magulang ko, noong tinulungan ako nina Felix at Tita Fella, noong niligawan niya ako, kinasal, masayang nagsama, hanggang sa nagbago ang lahat at sinaktan niya ‘ko nang sinaktan.
   
    Tiningnan ko si Vlad.
   
    Hindi ko rin makakalimutan ang pagtulong niya sa ‘kin.
   
    Dadalhin ko lahat ng alaala na ‘yan sa hukay ko.
   
    Binuhat na ‘ko ni Vlad nang dumating kami sa hospital. Isinugod niya ako sa emergency room at nagmamadaling nagpaasikaso sa doctor.
   
    Si Vlad at ang nurse ang kumausap sa kanila. Sinagot ko rin ang mga tanong nila kung anong nararamdaman ko.
   
    Sinundan ko ng tingin si Vlad nang lumakad siya palayo. Inilabas niya ang phone niya at may tinawagan.
   
    Lumingon siya sa ‘kin nang may seryosong mukha. Hindi ako umiwas ng tingin pero umiwas na siya no’ng mukhang may sumagot na sa tawag niya.
   
    Hindi ko naririnig ang sinasabi niya sa kausap niya dahil medyo malayo siya at maingay rito sa E.R.
   
    Matapos akong matingnan ng mga nurse at doctor, kinausap ulit nila si Vlad nang bumalik na ito. Pumikit na lang ako at hindi na nagawang makinig sa kanila. Iniwan muna nila kami pagkatapos makipag-usap.
   
    Wala namang bago sa maririnig ko. Alam ko sa sarili ko na mamamatay na talaga ako.
   
    Napangisi na lang ako dahil matatapos na rin sa wakas ang lahat.
   
    Ayun nga lang ay hindi ito ang gusto kong katapusan. Gusto ko pa sanang makitang naghihirap sila pero mukhang sa langit ko na lang mapapanood ‘yon.
   
    Lumapit si Vlad sa akin at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. Hinalik-halikan niya ito na ikinakagat labi ko.
   
    “Ano nang mangyayari ngayon, Vlad?” mahinang tanong ko.
   
    Pumikit lang siya at ipinatong naman ang pisngi niya sa palad kio na para bang inuunan niya ito.
   
    I sighed.
   
    “T-Thank you, Vlad. Thank you sa lahat ng tulong mo,” sambit ko na ikinadilat niya. “Salamat sa lahat, hindi mo ako kaano-ano at bagong kakilala lang pero ginagawa mo lahat ng kaya mo para matulungan ako.” Ngumiti ako. “Tinulungan mo ako no’ng unang pagkikita natin, hanggang ngayon, tinutulungan mo pa rin ako.”
   
    Kinuha niya ang isa ko pang kamay at pinisil ‘yon.
   
    “Don’t talk like that, Mabs. Hindi ka pa mawawala,” sagot niya at hinalikan muli ang mga kamay ko. “Believe me, hindi mo pa oras ‘to. Hindi puwedeng matapos na lang nang ganito, Mabs. You need to find your happiness again, you have to recover, to move on, and live longer.”
   
    Umiling ako nang paulit-ulit. Hindi kasi ako naniniwalang mangyayari pa ‘yan.
   
    Ang alam ko lang ay mamamatay akong puno ng hinanakit sa asawa ko. Mamamatay akong basag ang puso.
   
    Kahit gano’n, Lord, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko si Felix. Hindi ko puwedeng kalimutan na siya ang unang humila sa ‘kin paangat noon. Hindi ko puwedeng kalimutan na minahal niya rin ako nang sobra noon, inalagaan, at tinuring na parang isang Reyna.
   
    Noon.
   
    Kahit nakaraan na ‘yon at iba na ngayon, hindi magbabago ang alaalang nagmahalan kaming dalawa.
   
    Sadyang nagkulang lang kami sa isa’t isa. Kaya Ikaw na po ang bahala sa asawa ko.
   
    “V-Vlad, huwag ka na kasing umasa na malalagpasan ko pa ‘to,” sambit ko na ikinailing-iling na naman niya. “J-Just accept it.”
   
    Wala siyang tigil sa pag-iling. Napabuntong-hininga na lang ako at iniwas ang mukha ko. Tahimik akong umiyak.
   
    Mayamaya pa’y naramdaman ko siyang yumakap sa katawan ko. Nang tingnan ko’y nakapatong na ang ulo niya sa tiyan ko at nakapulupot ang kamay sa bewang ko.
   
    Hinawakan ko ang ulo niya at pinaglaruan ang kaniyang buhok. Matagal kaming nasa gano’ng posisyon hanggang sa pumasok muli ang mga nurse.
   
    Napaayos ng upo si Vlad at tumingin sa akin. Wala siyang sinabi nang tumayo siya at lumabas.
   
    “V-Vlad!” tawag ko pero nakaalis na siya.
   
    “Bibihisan ka namin,” sabi ng isang nurse.
   
    Dalawa silang babaeng nurse rito. Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan na lang sila. Matapos nila akong bihisan ng hospital dress, nagtawag ng doctor ang isang nurse.
   
    “Available ang OR 1,” sabi ng doctor na ikinakunot ng noo ko.
   
    OR? Operating Room?
   
    Pumasok naman ang mga lalaking nurse. Pinagtulungan nila akong buhatin palipat sa stretcher.
   
    “OR? Bakit? Ano’ng nangyayari?” sunod-sunod kong tanong. “Nasaan ‘yung kasama ko? Vlad? Vlad!” naisigaw ko na ang pangalan ni Vlad para pumasok ulit siya rito.
   
    Natulala ako sa kanila nang sinagot ako ng doctor.
   
    “Please, relax. May heart donor ka na.”

Wife Series #3: The Breakable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon