1

226 17 1
                                    

-Saudade-

"Are you the parents of Ms. Quinto?"

Lahat sila napatayo sa upan nang makita nila ang doctor.

"Doc anong balita kay-"

Bago pa makahingi ng impormasyon ang binata hinarangan agad ng ama ng dalaga ng kanyang kaliwang braso.

Napatigil ang binata at tumingin ito sa ama ng dalaga pero binigyan lamang ito ng isang nakakatakot at napaka lamig na tingin ni Mr. Quinto.

Dahil doon isang malakas na buntong hininga ang maririnig mo sa binata, umatras na lamang ito at napag isipan na makinig sa magiging usapan ng mag asawa at ng doctor.

Ibinalik na ng doctor ang kanyang atensyon at ipinagpatuloy ang kanyang diagnose sa dalaga.

"Malakas ang impact ng pagka untog ng anak ninyo sa marivela ng sasakyan. Buti naman po at may malay pa po siya nung makarating dito, Okay naman po ang inyong anak kaso po.."

Biglang kumalubog ang dibdib ng mag asawa at ng binata. Nanginginig na rin ang mga katawan nila sa kaba kung ano ang susunod na sasabihin ng doctor. Mas lalong hinigpitan ng mag asawa ang pagkakahawak sa kamay nila ngunit ang binata ay hindi maalis ang tingin sa doctor at nais ng marinig ang susunod na sasabihin ng doctor.

Bumuntong hininga muna ang doctor bago ipinag patuloy ang kanyang sasabihin.

"Nagkaroon ng amnesia ang inyong anak, mahihirapan itong ibalik ang kanyang mga alala ngunit ang mga ibang impormasyon gaya ng kayo ang ama at ina ng dalaga ay maari pa niyang maalala pero, ipag palagay nating bukas o makalawa niya pa ito maalala, huwag rin natin siyang pilitin na alalahanin ang mga bagay bagay, hinay hinay po, lalo na't medyo mahina ang inyong anak at baka mag collapse po ito, Under observation pa po ang iyong anak kaya asahan niyo po ang pagka confine niya dito ng ilang araw .Sige Mr. And Mrs. Quinto maiwan ko muna kayo dahil may pupuntahan pa akong pasyente, Cge po!"

Magaan nitong hinawakan ng doctor ang braso ng ama ng dalaga at ningitian ito pati narin ang asawa. At nang madaan ang binata tinapik niya ito ng ilang beses sa braso bago tuluyang iniwan silang tatlo na naka tayo.

"Kasalanan mo ang lahat ng Ito Mr. De Guzman kung hindi mo lang sinaktan ang anak ko!! Dahil nakipag break ka sa kanya edi sana may Masaya pa kayong relasyon ng anak ko!! At hindi aabot sa ganto!!"

Galit nag galit na sabi ni Mr. Quinto habang ang kanyang hintuturo ay nakaturo sa binata at kung minsan, sa bawat diin na salitang binibitawan ng ama ng dalaga ay idinidiin pa niya sa katawan ng binata.

"Gilbert tama na nasasaktan yung bata!" pag aawat ng asawa sa kanyang mister.

Nakapikit ang binata at pinipilit na huwag itong umiyak at nanginginig rin ang mga kamao ng binata na para bang gustong gusto niya ito isuntok sa pader.

"Hayaan mo yang masaktan! tutal mas masakit ang dinadanas ng anak natin Bella!! Umalis ka na dito At umiinit na ang ulo ko sayo!!!!"

Tinignan niya muna ang mag asawa at medyo lumalabo na rin ang paningin niya dahil sa mga luhang naka ipon parin sa kanyang mata, sumilay ito sa likod ng mag asawa, emergency room ito,kung saan naandoon parin sa loob ang dalaga.

Tinititigan niya ang pinto ng emergency at inaalala ang kanyang minahal, na naaksidente ng dahil sa kanya. Sa isipan ng binata halos lahat na ng pwedeng isisi, isinisi na niya sa kanyang sarili. Sobrang pagsisi ang nararamdaman ng binata ngayon. Kung pwede nga lang daw sana ibalik ang oras...



Sana mapatawad mo ako..

Saurin.




...


📢


Hey, boolmichelle! Thanks for voting!😊

SAUDADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon