012"Be my lunch mate tomorrow. 12:30 at Beauntique Garden Cafe😉"
Iyan ang huling mensahe sa kanya ni uno kagabi. Hayy, isang malakas na hininga ang kumawala sa bibig ni beatrix.
Sobrang kinakabahan siya ngayon, andaming consequence ang pwedeng mangyari pero once in a blue moon lang ito na yayain ka ng crush mag lunch.
Kaya di alintanang um-oo siya kagabi. Inayos niya muna ang buhok at sarili bago itinulak ang pinto ng cafe.
Pagkapasok ng pagkapasok agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa interior ng cafe.
Ang ganda! Sobrang ganda. Kaya manghang mangha si beatrix sa mga iba't ibang kulay at klase na bulaklak at sobrang bango pa!, It is so romantic naman dito.
Bahagyang ngumiti si beatrix at inilagay ang kapirasong buhok sa likod ng tenga niya at di niya maiwasan mag isip bakit dito siya dinala? Di kale may lihim na pagtingin din itong si uno kay beatrix?
"Beatrix, overhere" kumaway ito sa kanya, at sa wakas nandito na si beatrix, jusko gutom na gutom na siya.
"Oh kanina ka pa dito?" tanong ni beatrix habang tinatanggal ang strap ng bag niya sa balikat niya. "Di naman, pero nag order muna ako ng drink habang hinihintay ka, sorry" alinlangan ang ngiti ni uno pero nginitian din siya ni beatrix at sinabi..
"Naku, ayos lang medyo natagalan din ako"
"Waiter!... Mm btw beatrix"
"Mm!"
"Nakakahiya ito, pero may notes ka ba diyan para mamaya kay sir? Alam mo naman kung gaanong ka terror si sir, baka hehe pwedeng pakopya ng notes mo?" medyo nahihiya pa ito pero agad naman kinuha ni beatrix ang notes niya.
Habang hinihintay ang dalaga sa pag hahanap ng notes niya, Dumating naman ang waiter saka kinuha ang order nila.
"Dalawang Italian pesto pasta and Two cucumber Iced tea"
"Ok sir, I will repeat your order, two Italian pesto with two cucumber Iced tea" tumango naman si uno at nginitian ang waiter pagkatapos.
"Ok sir!" at bahagyang yumuko ito at umalis.
"Uno, eto pala yung mga notes uhm--"
"Wow ang ganda mo mag sulat!" gandang ganda siya sa sulat ni beatrix kaya bawat pahina pinagmamasdan niya ng maigi. Ang liliit ng mga nito sulat kaya hindi niya maisawan ngumiti, no wonder, na parang tinuka ng pabo ang sulat niya.
Sasabihin na sana niya kanina kay uno na pagpasensyahan yung sulat niya pero napansin agad ni uno at salamat naman at nagustuhan naman daw niya.
Ilang minuto palang,dumating na ang order nila, at isa isang nilapag ang order nila sa lamesa.
Lumiwanag ang mga mata ni beatrix. Nagising din ang kaluluwa niya. Grabe, pangmayan na pagkain ito.
"Uhm uno, mukhang mamahalin yata itong inorder mo, mukhang di aabot sa budget ko ngayon."
"No, It's fine! It's my treat besides natutuwa naman ako na pumayag ka na samahan mo ako mag lunch tsaka thank you for lending me your notes" isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni uno at biglang namula ang mukha ng dalaga at biglang nagwala ang puso niya.
Inilabas ni uno ang cellphone niya at pinidot ang camera.
"There, beatrix! Smile!" hinarap niya ang cellphone niya kay beatrix at nataranta naman siya dahil di niya alam kung anong gagawin niya.
"Uy, uno, nakakahiya, hindi ako photogenic ,gaya ng mga babae sa campus natin."
Sumimangot ang dalaga at iniiwasan ng tingin si uno.Masayang ngumisi si uno at tumingin kay beatrix. "Wag ka ng mahiya, Mas nagagandahan ako sayo sa totoo lang kasi napaka simple mo hindi tulad ng iba."
Ibinaba ang cellphone, " You're not wearing make up, right?" tumango naman ang dalaga bilang tugon. "See, that's what you call Simplicity." pasimpleng ngumiti ang dalaga at inilagay ang nakalalay na buhok sa mukha niya sa likod ng tenga.
"There!"
*click!*
...
Malapit na guys at magkakaroon na ng 100 votes ang Saudade! Maraming Salamat sa mga supporta na ibinibigay ninyo😘.Lab kau ni otor
.
Don't forget to follow me.
Continue to vote my stories and Please enjoy reading!"FOVORE"
🌟
BINABASA MO ANG
SAUDADE
RandomAla alang nawala pero kaya nitong ibalik kung ang tadhana mismo ang gagawa ng paraan. Sa hindi inaasahan, ang dating mag uyab na sila Saurin at Ezeikel ay pareho pala na university ang napasukan kahit pilit ng mga magulang ilayo ito sa isa't isa, Mu...