Katha

16 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bat lagi akong hinahatak ng mga salita
Tila gusto nito na magsulat ako ng isang katha
Hindi ako magaling, sabi ko
Subalit tila kinukulit ako nito.
Sinubukan ko, ngunit hindi kaaya-aya
Tinuloy ko, aba mukhang gumaganda na
Noong natapos ito, namangha ako
Aba magaling, ang narinig ko.
Kalahating inspirasyon,
kalahating emosyon,
Minsan pa may mga halong ilusyon
Upang katha'y tagos na sa puso,
tumatak pa sa isipan.

Mga Katha ni PrenzesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon