Sa dinami dami ng nais isulat na tula,
Hindi pa rin alam kung paano magsisimula
Baka hindi makisama ang mga salita
At hindi maganda ang kalabasan ng katha.Maaari bang iyong simulan
Nang ito'y aking madugtungan
Tayo ay magtulungan
Nilalaman, ating pag-usapan.Ngunit kapag patapos na ito,
Maaari bang humiling ako?
Huwag mo akong iwan sa ere sa pagbuo nito
Kahit dito man lang sa katha ko, samahan mo ako.
BINABASA MO ANG
Mga Katha ni Prenzesa
PoetryKoleksyon ng mga kathang tula na ginawa upang maibsan ang nararamdaman. Baka sakaling makarelate ka kapag mabasa mo ito. :) Disclaimer: the image used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. Highest ranking: #3 Katha, #34 Poetry Co...