Paksa

8 1 0
                                    

Marahil ginawa mo ang bagay na yun dahil ito ang iyong gusto
Ang maging paksa ng bawat katha na gagawin ko
Pero ikaw nga ang paksa ng mga tulang malaman
Puro kalungkutan naman ang nilalaman.

Hindi maintindihan pero pilit iniintindi
Ang mga nangyari maaaring saakin ay isang ganti
Dahil sa mga kasalanan na noo'y ginawa
At ang kabayaran ngayon itinakda.

Nakakapanghinayang isipin
Mga alaala ay nandito pa rin
Di ko nga mawari mga nangyayari saakin
Kasiyahan na lang ang huli kong mithiin.

Mga Katha ni PrenzesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon