Hindi ko alam kung bat lagi akong hinahatak ng mga salita
Tila gusto nito na magsulat ako ng isang katha
Hindi ako magaling, sabi ko
Subalit tila kinukulit ako nito.
Sinubukan ko, ngunit hindi kaaya-aya
Tinuloy ko, aba mukhang gumaganda na
Noong natapos ito, namangha ako
Aba magaling, ang narinig ko.
Kalahating inspirasyon,
kalahating emosyon,
Minsan pa may mga halong ilusyon
Upang katha'y tagos na sa puso,
tumatak pa sa isipan.
BINABASA MO ANG
Mga Katha ni Prenzesa
PoezjaKoleksyon ng mga kathang tula na ginawa upang maibsan ang nararamdaman. Baka sakaling makarelate ka kapag mabasa mo ito. :) Disclaimer: the image used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. Highest ranking: #3 Katha, #34 Poetry Co...