Hello Josh,
What we really want to do is what we are really meant to do. When we do what we are meant to do, money comes to us, doors open for us, we feel useful, and the work we do feels like play to us. If you're happy in what you're doing, you'll like yourself, you'll have inner peace. And if you have that, along with physical health, you will have more success that you could possibly have imagined.
Find out what you like doing best and get someone to pay you for doing it.
Good luck!!!
I know you'll find a new job soon. Continue with your master's degree and do everything to finish it. When it's done, you can climb to an even higher ladder of success. But, do not forget every person you have known and met along the way.
'Yan ang message ko kay Josh bago siya tuluyang umalis sa kompanyang naging tahanan niya sa loob ng mahigit dalawang taon. Gustong-gusto niya talagang magtrabaho dito. Alam ko kung gaano siya nagtiyaga at nagsikap para lang makapagtrabaho sa kompanyang ito. Di lang minsan niya sinubukang mag-apply bago niya tuluyang narinig ang mga katagang: "You're hired!"
Thanks, Tsong,
Happy naman ako at nakapasok... Mukhang wala talaga dito ang swerte ko. Lols
:D Thanks and God bless!
Dama ko ang pait sa sagot niya sa mensahe ko. Pero wala na talagang magagawa. Kailangan nang umalis at humanap ng swerte sa ibang kompanya.
UserID: CANOJOSP
Si Josh ay isa sa original members ng Team Ube. Pangarap niyang maging indie film actor at magbida sa indie film na ang titulo ay "Hipo". Pag kumita daw ang pelikula, siguradong magkakaroon ito ng part two at ang title naman ay "Lamas". Biruan na namin na pag naging indie actor siya ay tataas ang presyo niya sa booking. Biruan lang naman yun. Usapang ewan lang. Kung seseryosohin niya, pwede naman. Pasable naman siya kung looks ang pagbabasehan. Kwento nga niya, muntik na siyang madiscover nung bata pa siya nung minsan may nagshooting sa lugar nila. Pero di pumayag ang parents niya. Sayang! Kung nagkataon, bata pa lang ay bumu-booking na siya?
Slim si Josh nang unang kita ko sa kanya dito sa kompanya. Maputi. Palatawa, pero madalas ay seryoso siya. May mga oras na parang ayaw niyang makipag-usap sa tao. Tutok na tutok lang siya sa trabaho.
Paglipas ng ilang buwan ay unti-unting nagkalaman ang dating manipis na katawan. Nakahiligan kasi niyang mag-gym at mag-zumba. Dati, hanggang sa loob ng opisina ay sinasayaw niya ang steps ng zumba sa tugtog ng kanta ni J-Lo.
KASAMA siya sa team building sa Laguna. One week pa lang yata siya nun sa trabaho. Tahimik siya, naobserbahan ko. Pero game sa lahat ng team building activities. Kaya nung unang nag-organize ang Team Ube ng overnight swimming activity, expected ko nang sasama siya. Pero iba ang sagot niya.
"May church kasi ako pag Saturday. Di ko po alam kung makakasama ako. Pipilitin ko pong makasama. Kahit sumunod na lang ako dun. Itext n'yo na lang sa akin kung paano pumunta dun," sabi niya.
Ganun na nga ang nangyari. Sa araw ng outing, lahat ay sasakay sa inarkilang van papuntang Lalakay, Los Baños, Laguna maliban sa kanya.
Ah hindi. Nauna na nga pala sa resort si Kat. Taga-Biñan, Laguna kasi siya. Mas malapit kung didiretso na siya dun kesa pumunta pa siya ng Boni at sumabay sa team sa byahe. Sinadya naming paunahin si Kat dun para sa isang nilulutong sorpresa.
Medyo matagal din kami sa Robinsons Pioneer. Wala pa kasi yung van. Nakapag-grocery na kami ng mga kakainin sa outing. Mula sa chichirya, hanggang sa mga iinumin at mga lulutuin para sa isang magdamagang pagliliwaliw, ready na ang lahat.

BINABASA MO ANG
TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
Short Story"Totoong ang mabubuting kaibigan ay mahirap hanapin, di madaling iwanan, at imposibleng makalimutan." ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopy...