"Kumusta ang pagpro-process?"
Ito ang question of the day tuwing magha-huddle ang Team Ube. Kasunod siyempre ang tila chorus na pagsagot ng mga miyembro. At doon na mag-uumpisa ang mga agenda ng huddle. May mga araw na magaganda at very, very light lang ang mga pinag-uusapan. May mga araw namang sermon ang inaabot ng team mula sa kanilang team lead.
Ganun lagi ang eksena. Ganun lagi ka-hands on si Tina sa kanyang mga alaga. Lahat ng tasks na naka-assign sa bawat isa ay kailangang nagagawa nang tama at on time. Di pwede ang mga palusot at kung anu-anong alibi kung hindi mo nagawa ang mga dapat mong gawin. Siguradong mapupuno ang mailbox mo ng mga follow up emails. At kahit naka-VL pa si Tina, hinding-hindi lilipas ang isang araw nang hindi niya binubulabog ng emails ang buong team ube na binubuo nang mga newbies na pinagsama-sama sa iisang team. Mga newbies na huhubugin at aalagaan ni Tina para bawat isa ay maging asset ng kompanya.
Sa aspetong yun magaling si Tina. At patutunayan iyon ng mga ubeng hawak niya.
USERNAME: DELMAR
SI TINA ang team lead ng Team Ube kaya siya ang nag-organize ng unang team outing namin. Nakahanap kami ng private resort sa internet. Kinontak niya ang caretaker ng resort at nang magkasundo sa presyo ay napagkasunduan naming mag-ocular inspection sa resort, at kung magugustuhan namin ay magdedeposito na rin kami para sealed na ang reservation. Kaya pagkatapos ng night shift on that friday night ay lumarga kami ni Tina at bumiyahe papuntang Laguna. Pagod at antok ang kalaban namin pero dedma na. Basta ang importante ay makarating kami sa resort at makita kung pupuwede na ba para sa unang team building namin ang resort na 'yun.
BINABASA MO ANG
TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
Conto"Totoong ang mabubuting kaibigan ay mahirap hanapin, di madaling iwanan, at imposibleng makalimutan." ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopy...