teaser...
"Ingat ka," sabi ko.
"Chong, sila ang mag-ingat sa akin. Tingin ko pa lang...," balik niya sa akin.
Napangiti na lang ako habang patungo sa escalator sa Boni station ng MRT. Naiwan na siyang naghihintay ng bus na masasakyan. Minsan naman ay nag-e-MRT din siya, pero may mga oras na gusto niyang mag-bus para mas komportable sa byahe pauwi sa kanila.
Di ko na hinintay na makasakay siya. Alam ko, kayang-kaya niyang alagaan ang sarili niya. Siya yung tipo ng tao na alam ang mga karapatan niya at mas alam niya kung kelan ito ipaglalaban.

BINABASA MO ANG
TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
Short Story"Totoong ang mabubuting kaibigan ay mahirap hanapin, di madaling iwanan, at imposibleng makalimutan." ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopy...