Dedicated siya sa trabaho. Makikita mo naman yun sa kanya. Sa buong panahong naging miyembro siya ng Team Ube, di ko matandaan kung iilang buwan ba na sumabay ang shift niya sa shift ng team namin. Lagi kasi siyang naiiwan sa night shift kahit ang lahat ng ube ay nasa morning shift na. Okay lang yun sa kanya. Para sa trabaho, night shift forever ang peg niya. Kung kailangang tawagan at makausap ang mga kliyente sa US, okay pa rin sa kanya. Kaya isang malaking factor siya kung bakit ang mga problemadong invoices ng western hemisphere ay isa-isang naresolba at nawala sa inbox.
Ganun ang dedikasyong ipinakita niya sa trabaho. Kahit dati naman siyang nag-uuwian sa Bulacan araw-araw, minabuti pa niyang mag-board malapit sa opisina para masigurong di siya male-late sa biyahe, at magkaroon din ng mas mahabang oras ng tulog pagkatapos ng night shift. Siya ang nag-adjust para sa trabaho, para mas mapagbuti ang serbisyo niya.
Hanggang isang araw, ginulat niya ang Team Ube nang magsubmit siya ng resignation letter.
Ito ang istorya ni Jhelle.
UserID: CUNAJHIE.

BINABASA MO ANG
TEAM TAYO: Mga Kwentong Ube
Historia Corta"Totoong ang mabubuting kaibigan ay mahirap hanapin, di madaling iwanan, at imposibleng makalimutan." ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopy...