Epilogue

245 23 8
                                    

MARAMI na ang nagbago sa team ube.  May mga nag-resign na at nagtatrabaho na ngayon sa ibang kompanya.  May mga nalipat ng team.  May na-retain sa team ube na naging team purple kasama ang mga bagong miyembro at nitong pagpasok lang ng 2015, nabuwag na rin ang team purple dahil inilipat ng team si Tina.

Eto ang update sa mga original members ng team ube:

Josh - nagtatrabaho na ngayon sa isang BPO company sa Taguig.  At least,  malapit ito sa boarding house niya.

Irish - nandoon pa rin siya sa Eastern Hemisphere at ako ang naging team lead niya. After a year,  nag-reorg kami at napunta siya sa ibang team lead. Sa ngayon, promoted na siya at abala sa mga bago niyang responsibilidad sa team.

Katrin - mukhang nag-eenjoy naman siya sa shared services ng isang kompanya ng gasolina. Paminsan-minsan ay nakaka-chat ko siya at nagkakabalitaan kami. Nagkaroon pa nga ng pagkakataong nakasama siya at ang boyfriend niya nang manood kami ng stage play sa UST. Kahit bihira na kaming magkasama, alam kong andyan lang naman siya sa malapit.

Jessica - pagkatapos niyang mapunta sa team yellow,  nalipat siya sa team purple at ngayong 2015, inilipat na rin siya sa Eastern Hemisphere. At ngayon September 2015, umpisa na ng training niya para lumipat sa delivery center ng company namin sa Ilocos. September 2017, muli siyang na-promote at ganap na siyang team lead sa trabaho niya sa Ilocos.

Jen - andoon pa rin siya sa team yellow. Dumaan sa mga propesyunal na problema at pagsubok. Naging trainer siya para sa Ilocos delivery center at napamahal sa mga ilokanong naging trainees niya.  Ngayon,  nasa blue team na siya at na-assign sa panibagong task na hahamon sa kanyang kapasidad. Pero dumarating din sa ating propesyunal na buhay na kailangan nating magdesisyon at pumunta sa landas na tingin natin ay mas mapapabuti tayo. Nag-resign si Jen at lumipat sa isang kompanya sa BGC, Taguig. Ngayon, engaged na siya sa kanyang boyfriend at naghahanda na sila para sa kanilang kasal.

Mark Jason - napunta sa team pink,  nilipat sa team purple.  Ngayon balik team pink na siya. Pero nilipat din sa yellow team hanggang ilipat siya sa team ko sa eastern hemisphere. At pagkalipas ng ilang mga buwan pa ay nag-resign na rin upang lumipat sa ibang kompanya. Ngayon, mukha namang nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho. May sarili na siyang bahay sa Cavite at napagtapos na rin niya sa pag-aaral ang dalawa niyang mga kapatid.

Delmar - nalipat siya sa team yellow, doon siya nagpapakadalubhasa sa mga LatAm invoices. Hindi nagtagal,  napagpasyahan niyang lumipat ng kompanya na nagbigay sa kanya ng oportunidad ma mag-training ng mahigit isang buwan sa USA. Kelan nga lang ay nabalitaan kong na-promote siya. Maganda ang kinalabasan ng paglipat niya ng kompanya.

Kristine Joy - pagkatapos niya mapunta sa green team,  nilipat siya sa Eastern Hemisphere kasabay ni Irish.  Ngayon,  nilipat ulit siya sa Western Hemisphere pero dun na sa back end team. At para ma-promote ay lumipat siya ng project. Pero hindi na niya nagustuhan ang pamamalakad sa nilipatan niya kaya nag-resign na lang siya at lumipat sa ibang kompanya.

Raffy - masaya na siya ngayon sa shared services ng isang kompanya ng mga tsokolate at juice. Later on,  bumalik din siya sa kompanya namin. Pero plano na rin niyang mag-abroad kaya hindi ko na inaasahang magtatagal siya dito. At ayun na nga, lumipat ulit siya ng kompanya sa BGC, Taguig na nagbigay sa kanya ng oportunidad na nakapag-training sa United Kingdom. Sa ngayon ay nag-e-enoy siya sa kanyang trabaho na may flexible working hours. Araw-araw rin siyang nagpapakondisyon sa gym para mapanatili ang magandang pangangatawan.

Jhelle - matapos niyang magresign, napunta siya sa pagbebenta ng insurance.  Nag-Royale din siya at mukhang sinuswerte naman sa bago niyang career kung saan nagagampanan rin niya nang maayos ang pagiging mabuting nanay sa kanyang mga anak.

Tina - siya ang laging nagsasabi sa amin to always embrace changes.  Ngayon,  nilipat siya sa Eastern Hemisphere at siguradong malaking change ang kailangan niyang i-embrace. After several months,  na-promote siya sa ibang project kung saan andoon din si Raffy. Currently, nasa isang project siya sa BGC, Taguig at masaya naman siya sa bago niyang obligasyon sa opisina. 

Nhyang - na-retain sa ube na naging team purple.  Ngayon,  napunta naman siya sa AP Manual Rush. Di naman siya nagtagal dun dahil nilipat siya sa team yellow.  After a month,  lumipat siya sa team ko sa eastern hemisphere. Hanggang sa napunta siya sa ibang team lead, pero sa EH pa rin. Pero katulad ng iba pa, ang kaway ng oportunidad sa ibang kompanya ay nang-aakit. Nag-resign siya at ngayon ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Makati.

Malaki ang pagbabago ng bawat isang miyembro ng team ube.  Mula sa mga dating newbie hanggang sa maging tenured employees, makikita ang growth nila personally and professionally.  Mapunta man sa ibang kompanya,  o mahaluan man ng ibang kulay at sistema ang pagiging ube ay malinaw na makikita pa rin sa bawat isa sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEAM TAYO: Mga Kwentong UbeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon