Chapter 5 - ELLIJENJ

389 32 7
                                    

teaser...

...Para siyang santa.

Buhay na santa.

Sabi ko nga, baka lumagpas na siya sa kisame ng langit dahil sa sobrang kabaitan niya. Kabaitang hindi paimbabaw lang. Kabaitang naipapakita niya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Sa trabaho man o sa komunidad.

Nung matanggap namin ang sweldo nung September 15, halos lahat nagrereklamo dahil sa laki ng kaltas... dahil sa laki ng tax. Pero siya, buong ningning na nagsabi na hindi dapat magreklamo kundi magpasalamat na lang sa blessings.

Hindi sa akin direktang sinabi yun. Narinig ko lang sa mga kwento ng ibang ka-team. Pero sapul na sapul, hindi lang ako kundi ang iba pang tila hindi nakuntento sa biyayang natatanggap nila.

Lalagpas na talaga siya sa kisame ng langit.

Teka, may kisame ba ang langit?

Teka, may kisame ba ang langit?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TEAM TAYO: Mga Kwentong UbeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon