THE TRANSFORMATION

1.2K 6 0
                                    

sabi nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa'yo. pero paano kung kasabay ng pagkawala niya, ay marerealize mo na may natagong pagmamahal ka pala para kanya?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neil's POV

"anak! gising na! bumangon at magbihis ka na dahil baka malate ka pa!" sigaw ni nanay habang kinakatok yung pintuan ng kwarto ko. "haiissst! si nanay naman, minsan ko na nga lang mapanaginipan si Megan Fox oh! -.-"

"whatttttttttttttt?!!!!! 6:30 na pala!" agad-agad akong tumayo sa kama ko at pumunta sa banyo.

"nay alis na po ako!" sabay kuha ng baon ko sa lamesa at humalik kay nanay.

"hindi ka man lang ba mag-aalmusal?"

"nay sa school na po."

"oh siya sige mag-iingat ka!"

"sige po nay! bye!"

ako nga pala si Neil Oliveros. 16 yrs. old at 4th yr. hs na sa Kierville School. Pogi? aba syempre naman! hehehe :P . papunta na ko ngayon kila Alexis, dun sa toots ko. toots? oo, toots ang tawagan namin. bakit yun? ewan ko ba! hahaha xD nako for sure pagdating ko dun puro sermon ang aabutin ko dahil late ako. pero sino ba nga naman ang matutuwa kung malalate ka sa first day ng school di ba? -.-"

"Neil! Neil! wait!!!!" sabi nung lalaking tumatakbo sa may likuran ko.

"Kief?" pagtataka ko. akala ko kasi nauna na siya sa school. siya nga pala si Kieffer, kabarkada ko. halos 4 yrs na yata kaming magkaibigan nitong mokong na 'to. hehehe. "anong ginagawa mo dito? akala ko nasa school ka na?"

"nalate kasi ako ng gising, kaya nagdecide ako na kila Alex nalang pumunta para sabay-sabay na tayo."

"ahh. mabuti naman pare at hindi ako mag-iisa na masesermonan ng amazona hahaha!" sabay akbay ko sa balikat niya at tumuloy sa paglalakad.

DINGDOOOONG

"goodmorning manang Pilar!" bati ko kay manang Pilar. kasambahay nila Alex.

"goodmorning din iho. teka sandali at tatawagin ko na si Alex."

"salamat po!" sabay talikod at umupo sa tabi ni Kief dun sa may gutter.

"pare, bakit nga pala nalate ka ngayon?"

"eh kasi naman, tinapos ko pa yung homework natin sa Math." (yup! you heard it right! ibang klase kasi 'tong school namin. nagbibigay na ang mga teachers ng homework tuwing summer vacation para sa next school year. galing no? -.-)

"ayan naman ang gusto ko sa'yo pare! talagang tinatapos mo ang mga homework. pakopya mamaya ha?" sabay taas-baba ng dalawa kong kilay. magsasalita pa sana si Kieffer ng biglang may.........

"hoy mr. Oliveros! first day na first day late ka na agad?" booom! sabi ko na nga ba at masesermonan ako. pero hindi pa yan ang mas malala, wala pa kasi yung amazona. hihihi

"idadamay mo pa kami! hay nako, huhulaan ko, napuyat ka na naman sa paglalaro ng mga computer games -----------" naputol yung sasabihin ni Janinne dahil hinalikan siya ni Kieffer. oo, magbf/gf sila. 2 yrs. na at mukhang going strong pa.

"Tops? bakit nandito ka? di ba sabi mo mauuna ka na sa school?"

"ah...eh.... kasi parang napag-isip ko na mas magandang magkasabay tayo pumasok sa first day of school." palusot ni Kieffer. magagalit kasi si Jan kapag nalaman niyang nagpuyat si Kief dahil sa paggawa ng hw kasi alam niyang puro games lang ang inatupag ni Kief nung summer vac. kasama ko. haha :P

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon