UNEXPECTED TRUTH

155 4 1
                                    

KIEF'S POV

"hayyy! ang sakit ng mga braso ko. napagod siguro sa kakabuhat ng mga pinamili nila tita kanina. T.T makatulog nga muna!" sabay higa ko sa kama.

"Everytime our eyes meet, this feeling inside me, is almost more than I can take"

"Baby when you touch me, I can feel how much you love me and it just ........"

"haiiiisst! sino kaya 'to?!" " PARE CALLING" si Neil? ano kaya kailangan niya?

"hello?" sagot ko ng mahina sa kanya.

"PAREEEEEE!!!!!" sagot naman niya ng malakas na daig pa ang loudspeaker. naialis ko tuloy yung cp sa tenga ko.

"oh pare ano meron?" bungad ko sa kanya ng matamlay.

"bat ganyan boses mo pare? may sakit ka ba?" bigla niyang tanong sakin.

"wala pare. nakahiga kasi ako. ang sakit ng katawan ko." sabay ko hawak sa balikat ko at hinilot ito.

"hmmmm... huhulaan ko! dahil yan sa pagbuhat mo kanina ng mga pinamili nila Jan ano?" aba, ang galing manghula ng mokong na 'to ah? hehe.

"parang ganun na nga."

"wow pare ha!? sobra ka yatang nagpapapogi points kay tita? hahaha!" eto talagang si Neil, lahat nalang ginagawang pang-aasar. tsk!

"hindi naman. syempre obligasyon ko yun noh. eh boyfriend ako eh. palibhasa ikaw kasi hindi ka pa nag---------" naputol yung sasabihin ko dahil sumingit na siya.

"oo na! sige na! whatever you say pare!" ayun! nakaisa rin! parang naasar ko siya bwahaha! :P

"teka, bat ka pala napatawag?" iba ko ng usapan.

"pare, dalhin mo math notebook mo bukas ha? chineck ko kasi schedule natin, may math na pala tayo sa wed. kaya dalhin mo bukas para makakopya na ko. ok?" kung makapag-utos naman to parang binayaran ako para gawin yung hw. hmfp!

"ok sir! ano pa bang magagawa ko?" sagot ko na parang napipilitan lang.

"aba, napipilitan ka yata? baka nakakalimutan mo kung ano ginawa ko 2 yrs. ago. gusto mo ipaalala ka sa'yo?" sabi niya na parang nangongonsensya pa.

"ah hindi. hindi na! fresh pa sa memory ko yun at hinding-hindi ko malilimutan!"

"buti naman! hahaha! sige pare salamat! see you bukas with your ntbk." sabay baba na niya ng cp.

eto talagang si Neil kahit kelan hindi marunong gumawa ng homework. nagtataka nga ko kung bakit kasama pa namin yan sa section 5. hmmm pero kapag naman may exam at quiz laging pasado. siguro nga tamad lang siya pagdating sa mga hw.

"teka nga, bago ko makalimutan, isusulat ko muna sa calendar na dadalhin ko yung ntbk." sabay tayo sa kama at pumunta sa desk ko. "hmmmmm, june 15 ngayon, so 16... "BRING MATH NOTEBOOK :)" papaalis na sana ko sa desk ko at hihiga na ulit sa kama ng bigla ako napatigil sa kinakatayuan ko.

"whaaaaaattttttt!!!????? june 16 na bukas???? so ibig sabihin malapit na ang........MONTHSARY namin!" sabay hawak ko sa mukha ko.

"ok. relax ka lang Kieffer. inhale, exhale..... meron ka pa namang 2 days. so mag-isip ka na dapat ng plan mo sa para sa 18!" sabi ko sa sarili ko.

BEEEEP!!!!!!! BEEEEEEP!!!!!!! BEEEEEP!!!!!

nagulat ako sa busina ng kotseng tumigil sa harap ng bahay namin. agad naman akong tumingin sa bintana para tingnan kung sino yung dumating.

"di ba kotse ni papa yun?" inaninag ko yung plate number ng kotse. "oo nga si papa!!!!" sabay karipas ko ng takbo pababa para sabihin kay mama.

"mama! mama! si papa dumating!" sabi ko kay mama na naghuhugas ng pinggan sa may kusina.

"ha? teka, bakit? sandali!" sabi ni mama na nataranta bigla nung tumakbo na ko.

"AIDA! AIDA! buksan mo yung pinto! sigaw ni papa habang kinakatok ng malakas yung pintuan.

"pa! kamusta po?" sabi ko kay papa ng nakangiti pagbukas ko ng pintuan. ang saya-saya ko kasi minsan na lang kami magkita ni papa simula nung maghiwalay sila ni mama 4 yrs. ago. ofw si papa sa italy. pero kapag nagbabakasyon siya dito sa Pinas, dun siya umuuwi sa bago niyang pamilya, kila tita Amber.

"nasan mama mo?!" galit na bungad ni papa sakin.

"Ramon! bakit ka napadalaw dito?" sabi naman ni mama pero nagulat ako ng biglang hatakin ni papa yung braso ni mama.

"pa! ano ho bang problema? wag niyo naman saktan si mama!" sabay hawak ko sa kamay ni papa at pilit kong tinatanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ni mama pero hindi ko kaya, mahigpit ang hawak ni papa sa braso.

"wag kang makielam dito Kieffer!" sigaw sakin ni papa sabay tanggal niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Ramon! wag tayo mag-away sa harapan ng bata!" narinig kong sabi ni mama na parang nagmamakaawa at may gustong itago.

"ikaw Aida ha?! sa oras na malaman kong ginigipit mo sila Amber, mananagot ka sakin! baka gusto niyong mawalan kayo ng sustento???!" sabay tanggal ni papa sa braso ni mama at parang tinulak niya pa.

"simula ngayon, si Amber na ang tatanggap ng perang ipapadala ko at siya na lang ang magpapadala sa inyo!" sabay punta niya sa kotse at umalis na.

" ano?" sabi ni mama ng mahina. yun na lang ang nasabi niya at umiyak na.

dinala ko si mama sa sala at hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. hindi ko maintindihan kung anong nangyari. pero isa lang ang alam ko, hindi ko pa nakitang nagalit ng ganun si papa. napatigil ako sa pag-iisip ng maramdaman kong umaagos na sa kamay ko yung tubig na nilalagay ko sa baso para kay mama.

"ma, uminom muna kayo ng tubig." nilapag ko yung tubig sa may table. nakatulala pa rin siya at umaagos ang mga luha.

"dapat mo na sigurong malaman anak." sabi niya sakin. napatigil naman ako sa pag-aayos ng mga magazine sa table at humarap sa kanya.

"ang alin ma?" ang tanging nasabi ko sa kanya.

"hindi........ hindi kami ok ng papa mo simula noon pa." sabay iwas niya ng tingin sakin.

"sinasaktan niya na rin ako noon kapag meron kami hindi pagkakaunawaan. natitiis ko yun. basta ang hiling ko lang, wag kaming mag-aaway pag nakikita mo. ok naman si papa mo dun, kaya ni minsan hindi namin pinakita sayo na hindi kami ok." tumayo siya at lumapit sakin. "yung paghihiwalay namin ng papa mo hindi maganda, pero para sa'yo pinalabas namin na ayos lang ang lahat para hindi ka masaktan at magtanim ng sama ng loob sa amin." sabay hawak niya sa mukha ko.

"naiintindihan mo naman kami anak kung bakit namin nagawa yun ng papa mo di ba?" sabay yakap sakin ni mama habang umiiyak.

"hindi ma....." mahinang sagot ko. habang si mama napabitaw sa pagkakayakap sakin.

"anak?" sabi niya sakin.

"ma, alam niyo bang proud na proud ako sa pamilya natin? kasi ang akala ko kahit na broken yung family ko, may mga magulang akong kahit papaano hindi marunong mag-away. sabi ko pa sa sarili ko na kahit hindi ko masyadong maintindihan ang reason ng paghihiwalay niyo, ok lang kasi nakikita ko naman na ayos kayo at kung itong paghihiwalay niyo ang mas makakabuti para sa inyo at sa pamilya natin dun na rin ako., pero ngayon? parang hiyang-hiya ko sa sarili ko! kasi lahat pala ng pinaniwalaan ko, puro kasinungalingan! wala pala kong karapatan na ipagmalaki ang pamilyang ito at ang sarili ko!"

hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama, pumunta na ko sa kwarto ko at nagkulong. umupo ako sa gilid ng kama ko at pinipigilang umiyak pero hindi kinaya ng mga mata ko na pigilan ang bigat na nararamdaman ng aking puso....

"mga SINUNGALING kayo! SINUNGALING!!!!"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry po pala sa late update. hehehe what can u say about this part? feel free to leave your comments :) thanks!

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon