SINCE THEN

37 2 1
                                    

MAICY'S POV

nakita ko kanina sa may parking lot si Dwayne. lalapitan ko sana siya kaso nakita ko na tumakbo ito papalapit kay Alex, magkasama pala sila.

hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako noong nakita ko silang magkasama, kahit na alam ko na wala namang gusto si Alex kay Dwayne pero hindi man aminin ni Dwayne, halata kong may pagtingin siya kay Alex.

oo, inaamin ko, may gusto ako kay Dwayne. noong una crush ko siya pero lumala na simula noong sinave niya ang buhay ko.

FLASHBACK (4 years ago.)

"MAI.... MAI...." nagising ako sa pagtawag sakin ni Alex.

"oh bakit?" tanong ko sa kanya habang kinukusot ko yung mga mata ko.

"samahan mo naman ako magcr." sabi niya.

nandito kami ngayon sa school. ngayon kasi yung tinatawag ng school namin na GRADUATE'S OVERNIGHT . ito yung overnight ng mga gragraduate. mga gr. 6 at 4th year students ang nandito ngayon sa school. gusto kasi ng principal na magkaroon ng bonding ang mga students bago sila gumraduate.

"sige, tara na." grabe, ang tahimik dito sa buong campus. tulog na kasi lahat. yung cr nasa dulo pa ng corridor. nakakatakot tuloy maglakad paano ba naman kasi ang haba ng lalakaran mo tapos ang ilaw lang eh yung galing sa may court sa baba at sa ilaw na nasa dulo ng mga corridor.

yung mga 4th year students ay nasa kabilang building kaya wala kang maririnig na ingay mula sa kanila. ang laki kasi ng school namin, parang isang soccer field ang pagitan ng mga building.

"Mai hintayin mo ko ha?" sabi sakin ni Alex. kahit pala kung umasta parang lalake to, matatakutin pala.

"oo naman." habang hinihintay ko siya ay nakaramdam ako ng malamig na hangin na dahilan para mapawiwi na rin ako.

"Alex ccr din ako. wait for me." sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob.

noong natapos na ko ay naghugas muna kami ng kamay bago lumabas ng banyo. ilang hakbang pa lang ang layo namin sa cr ng biglang.....

"WAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!" napasigaw kami ni Alex at kumaripas ng takbo dahil namatay ang mga ilaw. wala kaming makita. naalala ko tuloy na sementeryo nga pala ang likod ng school namin kaya naman natakot na ko ng husto at tumakbo ng mabilis. hindi ko na rin marinig ang boses ni Alex, nagkahiwalay na siguro kami. sa kakatakbo ko ay hindi ko napansin na may tatlo palang steps na hagdan kaya ayun, natumba ako.

tatayo na sana ako kaso hindi ko magalaw yung isa kong paa. napilayan yata ako. lalo akong natakot kaya wala akong nagawa kundi ang umiyak. parang nasusuffocate ako sa dilim at habang tumatagal,  nanghihina ako at unti-unti nang nawawalan ng malay.

bago ako tuluyang napapikit at naaninag ko ang isang tao na tumatakbo papalapit sa akin na may dalang flashlight. binuhat niya ko at sinubukang gisingin.

"MAICY! MAICY!!! nandito na ko. don't worry!"  at naramdaman ko na lang na  tumatakbo na kami.

"DWAYNE....." pagkasabi ko ay tuluyan nang nawalan ako ng malay.

pagkagising ko ay nasa bahay na ko. may pilay ang isa kong paa. hindi ako nakapasok ng dalawang araw. pero hindi na ko pwede umabsent ulit dahil may exam, kaya naman kahit masakit pa rin ang paa ko ay pinilit ko na.

"akin na nga yang mga gamit mo. aalalayan kita umakyat sa hagdanan." nagulat ako sa lalaking kumuha ng mga gamit ko at inalalayan ako. tinulungan niya ko makarating sa room ko.

"DWA-DWAYNE. S----SALAMAT. SALAMAT SA LAHAT." lumingon siya sakin at ngumiti.

simula noon ay inalagaan niya na ko hanggang sa makarecover ulit yung paa ko. siya yung bumibili ng lunch ko. nagrereserve ng table sa canteen at naghahatid sakin sa service ko kapag uwian. yun siguro yung nagustuhan ko sa kanya, napakamaalaga at maaalalahanin.

siguro kung close na kami ni Dwayne before nung accident, mas naging close pa kami pagkatapos nun.

END OF FLASHBACK

"Maicy!" napalingon ako sa lalaking tumawag sakin.

"oh Kief! hi!" lumapit ako sa kanya at nakita ko na kasama niya pala si Neil.

"hi Neil!" nginitian ako ni Neil.

"sige una na ko sa inyong dalawa ha? pupuntahan ko lang si Jan sa bookstore." paalam ni Kief sa amin. nagsimula na kaming maglakad ni Neil papunta sa mga classroom namin.

"balita ko sec.1 ka? galing mo naman. hehehe" parang nahiya naman ako ng konti sa sinabi ni Neil. hindi kasi ako sanay na pinupuri ako.

"hindi naman. hehehe" sabi ko at napakamot ako sa ulo ko.  

tahimik lang kami ni Neil habang naglalakad. actually, hindi ako sanay ng ganito siya. parang may nagbago. dati kasi super close kami nito. di nga kami mapaghiwalay. tinutukso pa nga kaming dalawa. siguro nagkakailangan lang kaming dalawa. matagal din kasi akong nawala.

"Dwayne!" tawag ni Neil dun sa papasok na lalakesa classroom ko.

"ui! dito na pala kayo!" ang pogi niya talaga. bagay na bagay sa kanya yung uniform.

"oo pare. oh sige, mauna na ko. kita nalang tayo sa break mamaya." paalam ni Neil sa amin. papasok na sana ko pero narinig kong nagsalita si Dwayne.

"wala man lang ba kong goodmorning na bati diyan?" kahit na nagulat ako, humarap ako sa kanya.

"GOODMORNING!" hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya. ganito yata pag nagmamahal ka ng patago. yung ayaw na ayaw mong mahalata kaya ingat na ingat ka sa kilos mo.

maayos naman ang naging first day namin ni Dwayne dito sa Kierville. seatmate kami at kung noong una ay naiilang ako sa kanya, well ngayon medyo nabawasan na. dinaldal kasi ako ni Dwayne buong maghapon tungkol sa buhay niya sa CDO, sa school niya doon, sa mga naging friends niya at kung anu-anu pa.

Dwayne, paano ko kaya mapipigilan yung nararamdaman ko sa'yo kung ikaw ang lumalapit sa akin? sana wag akong masaktan pagdating ng araw na kailangan ko na talaga lumayo sa'yo... :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon