REUNION?

32 2 1
                                    

sorry po sa matagal na update! :)

sana po magustuhan niyo xD

ALEX'S POV

papunta kami ngayon ni Maicy sa park dito sa loob ng subdivision namin. nagkayayaan kasi magbadminton ang barkada. ang alam ko nandun na sila Jan, Kief at Toots kanina pa, kami nalang ang hinihintay. medyo nalate kami kasi hinintay ko pa tong si Maicy, natrapik daw kasi siya.

"hi girls!" napatingin kaming parehas kay Jan na nasa likuran namin.

"hi Jan!" bati ni Maicy.

"oh girl bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. ang alam ko kasi nandun na siya sa park.

"bumili kasi ako ng tubig. wala kasing dala yung mga lalaking yun!" sabay turo niya sa dalawang naglalaro ng badminton, kay Neil at Kief. ang pogi talaga ni Toots kahit na pawisan na. kitang-kita yung mga muscles niya dahil nakasando lang siya. kitang kita rin yung ganda ng katawan niya dahil fit yung sando niya. hayyyyyy! ako na! ako na ang malandi! hihihihi

"Alex tara na!!!" bigla naman ako bumalik sa realidad nung narinig ko yung sigaw ni Jan at nakita kong nasa malayo na sila at naiwan ako. hindi naman sana nila nakitang pinagpapantasyahan ko si Neil di ba?

"oo, andyan na!" sabay takbo ko papunta sa  kanila.

"bat ang tagal niyong dalawa?" bungad samin ni Kief nung makarating kami sa table habang kinukuha yung tubig kay Jan.

"pasensya na ha? ako kasi may kasalanan. natraffic kasi ako kanina papunta dito. nagpahintay ako kay Alex kaya pati siya nalate." paliwanag ni Maicy.

"kaya pala. oh ano? laro na tayo?" aayyy. excited ka kuya? kakarating palang namin. pwede magpahinga? aangal pa sana ko pero bigla ng tumayo si Maicy.

"GAME!!!" sabay kuha niya sa isang raketa. hayy ano pa bang magagawa ko? ayun, napatayo na ko at pumunta sa court kung saan hinihintay kami ni Toots.

"hi Neil!" bati ni Maicy kay Neil. ang mukha naman ni Neil hindi maintindihan. anyare dun? O.o

"h-hi Maicy! hi toots!" teka, san ka nakakita ng taong bumabati sa'yo pero sa iba nakatingin? at kay Maicy lang talaga siya ngumiti? inaasar niya ba ko? -.- 

"teka, paano tayo maglalaro? 3 vs 2?" tanong ni Jan.

"oo nga noh?" sagot ni Maicy.

"PROBLEMA BA YON? EH DI SASALI AKO!" sabi nung pamilyar na boses sa likod namin. halos sabay-sabay kaming napatingin dun sa lalaki at napanganga kaming lahat...

"DWAAAAYYYYYNNNNNNNEEEEE!!!!!" halos sabay-sabay kaming napasigaw at napatakbo sa pwesto niya. napayakap naman kaming tatlong babae sa kanya.

"Pare! bakit hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka dito sa Manila? sana nasundo ka namin sa airport!" -Neil

"sorry pre! gusto ko lang naman kayo sorpresahin. hahaha!" well, hindi nga nabigo si Dwayne sa pagsusurprise samin. talagang gulat na gulat kami! isang taon din kasi siyang nawala. lumipat na siya sa Cagayan  De Oro para dun na mag-aral dahil nagtayo ng negosyo dun ang family niya.

"pero may  isa pa kong sorpresa sa inyo!" sabay kuha niya ng isang bagay sa bulsa niya at pinakita sa amin.

"t-eeka, school I.D yan ng Kierville ah!? wag mong sabihing???" sabi ni Jan na patingin-tingin samin.

"oo guys! dito na ulit ako sa Manila mag-aaral dahil --------" hindi na naituloy ni Dwayne ang sasabihin niya dahil dinaganan na siya nung dalawang lalaki at kami naman ay nagsisisigaw sa tuwa!

mag6 na ng gabi ng napagpasiyahan na naming umuwi. sinong nanalo sa laro namin? aba siyempre! kami nila Dwayne at Jan! hahaha! :P habang naglalakad papunta sa bahay namin para maghapunan, tuloy-tuloy pa rin ang kulitan namin sa daan.

"Dwayne, paano ka pala nakapagtransfer sa school? di ba hindi sila tumatanggap ng mga transferee kapag  graduating na?" tanong ko kay Dwayne. nakita ko naman yung iba na parang nagtaka din.

"well, tinanggap na nila ko kasi dati rin naman ako dun nag-aral. tsaka ok naman yung records ko dun sa previous school ko kaya ayun"  

"pero dito ka na ba ulit sa subdivision titira?" pahabol na tanong ko ulit sa kanya.

"oo naman! san pa ba ko titira?" sabay tawa niya, at narinig ko ring tumawa yung iba. aba sorry naman! malay ko ba kung may iba na silang bahay? balita ko kasi ang yaman na nila.

"teka, bakit nag-iba yata ang itsura mo Alex?" sabay akbay sakin at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. 

"pare, kanina pa tayo magkakasama, ngayon mo lang napansin yan?" sabat naman ni Kief at umakbay samin ni Dwayne.

"hmmm, may boyfriend ka na ba Alex kaya ka nagbago??" halos masamid naman ako ng tubig nung sinabi niya yun. paano ba naman, saktong umiinom ako nung sinabi niya yun.

"yan??? magkakaBF?? hahahahaha! sino naman magkakamali dyan? hahahaha!" halos hindi ko malaman yung pakiramdam ko nung sinabi ni Neil yun. hindi ko alam kung maiinis ako o maiiyak.

"hay nako kayo! wag niyo ngang pinagtritripan tong si Alex!" siguro nahalata ni Jan yung reaction ko at sa mga tingin niya parang gusto niyang sabihin na HUWAG MONG PANSININ YUN. kaya naman medyo gumaan yung pakiramdam ko.

"EWAN KO SA INYO!!!" yan nalang ang nasabi ko hinila ko na palakad si Maicy at Jan at narinig kong tumawa naman yung mga lalake sa likod.

nung nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin ay napatigil kami ng huminto si Maicy at humarap saming lahat.

"guys may sasabihin ako sa inyo." lahat kami ay nagulat at nagtinginan.

"guys dito na rin ako mag-aaral sa Pinas! sa KIerville din!"  halos hindi namin alam ang gagawin namin kaya ayun! nagsisisigaw nalang kami at naggroup hug!

"sa wakas mabubuo na ang barkada natin! magiging memorable ang last yr natin sa HS!" sabi ni Kief with matching sigaw at palakpak pa. kung sabagay, tama siya! memorable nga :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ano kaya ang mangyayari sa pagbabalik nila Maicy at Dwayne? makakaapekto ba to sa samahan ng barkada nila? ABANGAN! xD

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon