SHE'S BACK!

62 3 2
                                    

NEIL's POV

ang bilis lumipas ng araw! isang buwan na agad ang lumipas,parang kelan lang kakaumpisa pa lang ng classes at kakapalit pa lang ng anyo ni toots. naalala ko nung muntik na kong masign ng absent ni mrs. Cabungcal nung first day of school kasi hindi ako nakasagot agad ng "present" nung tinawag niya ko for attendance, paano ba naman kasi nakatitig ako kay toots nung mga oras na yun kasi hindi ako makapaniwala. hehehe :P

"hoy Neil! anong nginingiti-ngiti mo jan" sabay hampas sakin nung notebook niya.

"so kailangan may pahampas-hampas ka pang nalalaman???" ang sakit kaya nun T.T

"ahahaha! eto naman! parang bata! anyway, di ba pilit mong tinatanong kung kailan yung start ng pairing ng mga 3rd at 4th yr. students for prom?" nakangiting sabi nito sakin. si Jan kasi yung nakaassign lagi sa mga ganitong events simula nung 2nd yr hs kami. member kasi siya ng EVENT CLUB sa school namin.

"oo! simula na ba ng pairing?" ang tagal ko kasing inaabangan to kasi may pinaplano ako.

"sad to say.............." pambitin neto >.<

"anoo!!????" inis kong sagot

"to naman! napakaHB! pag ako naasar hindi kita tutulungan!" aba! at binablackmail pa ko nito!

"osige,,, sori :D" hay nako kaasar!

"sad to say.... sinimulan na namin kanin!" yesssss! sa sobrang saya ko napayakap ako kay Jan.

"oyyy ang saya oh!"

"syempre! so ikaw na bahala ha???" sabay kindat ko sa kanya.

"oo na! pero siguraduhin mo yung usapan natin ha?"

"naman! mark my words!"eto talagang si Jan, kala mo lagi tatakasan!

madali na naman natapos ang oras, dismissal time na.

"tara guys! meryenda tayo jan sa lomihan sa labas. balita ko masarap daw lomi dun." sabi ni Keif na may pahimas-himas pa sa tiyan niya. hay nako, basta talaga pagkain.

"mukhang magandang idea yan ah? pero sayang naman wala si Alex" -Jan

"oo nga eh, ayan kasi nagpabasa sa ulan, nagkalagnat tuloy!" - Keif

"ano? tara na?" yaya ni Jan. eto talagang magsyotang to basta pagkain! kala ko pa naman concern sila kay Alex.

"sama ka ba pre?"

"hindi na. kayo nalang. uuwi na ko dahil may ipapagawa pa sakin si papa" hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na ko. narinig ko naman na parang nagalit yata yung dalawa sa ginawa ko. hihihihi

naglalakad na ko dito sa subdivision namin. habang papalapit ako sa bahay na pupuntahan ko, parang bumibigat ang mga paa ko at nahihirapang maglakad. bumibilis din ang kaba ng dibdib ko...

"kaya mo yan Neil! sabihin mo na dadalawin mo lang siya di ba? masama bang maging concern ka  sa bestfriend mo?" wew! bahala na nga! at ilang minuto pa nakarating na ko sa pupuntahan ko.

siguro may mga 3 mins na ko nakatayo dito sa gate nila. ewan ko ba, parang takot na takot akong pindutin yung doorbell. "ahhhhhhh! bahala na!!! pipindutin ko na sana yung doorbell ng biglang bumukas yung gate...

"oh iho! ikaw pala!" si manang Pilar pala. hay buti nalang! akala ko siya na..

"ahm... manang Pilar si Alex po?" waaaa! nakakahiya naman >.<

"andyan sa loob. sa may dinning room. sige pumasok ka na" sabay alis ni aling Pilar pala magtapon ng basura.

pumasok naman ako sa loob at pumunta sa dinning room. narinig ko na may mga babaeng nagtatawan. shit! lalo akong kinabahan. sinilip ko muna kung sino ang mga yun. 2 babaeng nakaupo at nagmemeryenda, si Alex yung isa at yung isa naman ay si Maicy...

ilang minuto rin akong napako sa kinatatayuan ko. natauhan lang ako nung narinig ko yung boses no Alex.

"NEILLLL????"sabi nito na may halong pagtataka. napalingon naman si Maicy sa direksyon ko.

"hi Neil!!!!" bati sakin ni Maicy na may kasamang beso.

"ano ginagawa mo dito?" tanong ni Alex.

"ahhh, kakamustahin sana kita. balita ko may lagnat ka daw ih" sagot ko sa kanya.

"ahhh. oo pero ok na naman ako. nagmeryenda ka na ba?"

"hindi na. sige alis na ko. mukha namang ok ka na. see you bukas. see you around Maicy!" hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali-dali na kong lumabas.

hay buti nalang at nakarating na ko sa bahay namin. kala ko hindi na ko makakarating ng buhay dito. paano ba naman kasi parang mahuhulog na yung puso ko kanina. naguiguilty ako, ginamit ko kasing dahilan ang pagkakasakit ni Alex para makita si Maicy... oo si Maicy, ang first love ko! 2 years ago pa nung huli ko siyang nakita, sa States kasi siya nag-aaral. ang ganda niya pa rin! pero naaalala niya pa kaya yung promise ko sa kanya?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon