Janinne's POV
"Ma!!!!!!!!!" sigaw ko kay mama nung makita ko siya na nakapila sa counter. teka bat ang bilis niya yata mamili? so para saan pa't nagpasama siya sakin kung nakapamili na siya? -.-"
"hi po tita Nancy!" bati ni kief na may kaway pang kasama.
"oh Kief nandito ka pala?" sagot ni mama habang chinecheck yung listahan niya.
"opo tita. alam ko po kasing marami kayong bibilhin kaya sumama ko dito para tulungan kayo magbuhat :)" hayy nako to talagang si Tops ko laging nagpapapogi points kay mama hihihi :)
"hay nako buti ka pa Kief at may kusa. hindi kagaya ng isang bata jan na kung hindi ko pa babayaran eh hindi pa ko sasamahan." sabay tingin sa akin ni mama. napangiti naman tong si Kief. waaaaa! ma naman! ipahiya daw ba ko sa boyfriend ko??? sabi ko sa sarili ko.
"ay teka mukhang nakalimutan ko bumili ng tilapia para bukas. teka, eto yung pera kayo na ang bumili. doon nalang tayo magkita sa labas. sabay abot sakin ni mama ng pera.
pumunta na kami sa bilihan ng mga ulam sa may second floor at buti nalang hindi masyado mahaba yung pila sa bilihan ng mga isda.
"grabe, hindi pa rin ako makaget-over sa itsura ni Alex kanina. teka Tops, bakit ba siya nagbago ng image? itatanong ko sana sa'yo yan kanina kaso nakalimutan ko na." tanong niya sakin habang nakapila.
nako paano ba to? nagpromise ako kay Alex na hinding-hindi ko sasabihin kung bakit kaso hindi ko naman kaya magsinungaling kay Tops. paano ba to?
"manong! kitang-kitang ko nga ho na binuksan niyo yung tasty" -"anong binuksan? hindi nga sabi!" sabi nung 2 lalaking dumaan at tumigil sa gilid namin. "sige ho sa manager nalang namin kayo magpaliwanag" sabi nung empleyado. "anong ipapaliwanag ko??? hindi nga sabi ako ang nagbukas niyan! nung kinuha ko bukas na!" sabi nung mama na mukhang highblood na.
"ayan ang mga problema sa malalaking supermarkets." sabi ni Kief na wala namang kausap. "sa sobrang laki, hindi na nila mabantayan halos ang mga paninda nila kaya may gumagawa ng mga ganyan buti nalang at etong si manong nahuli." sabay ngiti.
"ano ka ba Tops. nakakaawa kaya si manong" sabi ko sa kanya habang nakakunot nung noo ko.
"anong kawawa? ang laki-laki nga ng katawan niyan oh. bat di kaya siya maghanap ng trabaho?" hmm may point nga naman siya dun. hindi nalang ako umimik kasi kami na pala yung susunod sa pila.
"Mam ano po sa kanila?" - "1 kilo pong tilapia. pakilinis na rin po." - "ok mam"
"250 pesos po mam. i received 300. here's your change mam. thank you!" agad kong kinuha yung isda at umalis na kami ni Kief. habang naglalakad kami bigla ako napatigil sa sinabi niya....
"so bakit nga?" tanong niya sakin.
"bakit ano?" kunwari ay hindi ko alam pero alam kong ang tinutukoy niya ay si Alex.
"nagbago si Alex.".....shakespearrrrrrrrrr! sabi na nga ba! ano kaya sasabihin ko kay Tops? nagpromise ako kay Alex na hindi ko sasabihin kahit kanino.
FLASHBACK
kagabi, bago ko matulog, nakatanggap ako ng text galing kay Alex.
"Girl agahan mo pumunta bukas sa bahay ha? mga 6 dapat nandito ka na. may ipapakita ako sa'yo. magugulat ka! sige goodnyt! :*" ayan ang text niya. nireplyan ko pa siya nun kaso hindi na siya sumagot. so ako naman sa sobrang curious ko, pumunta nga ako sa kanila ng maaga.
DINGDOONGGGGG!
"oh iha ikaw pala yan. halika at pumasok ka muna sa loob." bati sakin ni yaya Pils (Pilar)
doon niya ko pinadiretso sa kusina at wowwww! ang daming almusal! ayun, napakain tuloy ako kahit na nag-almusal na ko sa bahay hehehe :P. well, siguro may mga 5 mins na rin ako kumakain ng may kumalabit sa likod ko at nung lumingon ako.......
"hi girrrrrllllll!" malakas na bati sakin na parang ang layo-layo ko sa kanya.
"Al.....Al....Alex?????????" nauutal kong tanong.
"hahahahaha! oh, ano? nagulat ka? :P" takte! sino ba naman ang hindi magugulat kapag nakita mo ang tomboyish mong bestfriend for 6 yrs. eh lady na ngayon?
"girllllll!!!! ang ganda mooooo!!!!!!!" sabi ko at sabay niyakap ko siya.
"hehehe. nag-aalangan pa nga ko kung ngayon na ba ko magpapalit ng anyo eh." sabay upo niya sa upuan at nagsimula ng kumuha ng almusal.
"palit ng anyo???? girl hindi ko magets. magpaliwanag ka nga. bakit? bakit ka nag-iba?" napatigil siya sa pagkuha ng pagkain at naging seryoso ang mukha niya at humarap sakin.
"girl di ba bff tayo? kapag sinabi ko yung reason di ba hindi mo sasabihin sa iba? kahit kay Kief?" sabay hawak niya sa kamay ko. makikita mo yung expression ng mukha niya na parang nagmamakaawa.
"oo naman girl! para saan pa't tinawag mo kong bestfriend?"
"ok. kaya ko nagdecide na magchange ng look dahil sa isang lalake."
"ahhh. lalake....la....lalake??? tama ba narinig ko?" hindi ko alam kung yun nga sinabi niya oh mali lang ako ng dinig. sa loob kasi ng 6 taon eh kahit minsan hindi nagkacrush o nagkagusto si Alex kahit kanino kaya naman sobrang nagulat ako.
"ahahaha! hindi ba kapani-paniwala? ang galing ko kasi magtago." oo ang galing niya nga magtago. ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya pero isa lang sa ngayon ang gusto kong malaman......SINO????
"ui girl! magsalita ka naman!" sabay tapik niya sa pisngi ko.
"ah...eh... nakakagulat kasi. alam mo yun? maraming tanong eh pero ito lang muna ang itatanong ko. who's the guy???"
naging seryoso na naman yung mukha niya at parang hirap na hirap siyang sabihin yung name ng guy. naiintindihan ko naman siya, hindi nga ganun kadali yun.
"girl you can trust me. i'm your bestfriend. remember?" napangiti naman siya sa sinabi ko.
"girl si ..... TOOTS." mahina niyang sabi.
"whatttttt????????????? Toots? as in Toots aka Neil??????" nasabi ko ng malakas. nagulat kasi ako.
"ui ano ka ba! wag ka nga sumigaw jan!" sabay takip niya sa bibig ko.
"ayy sorrry. pero girl di ba alam mo namang-------" naputol yung sasabihin ko nung bigla siya magsalita.
"oo. alam ko na babero siya. na halos lahat ng girl sa school nadate na niya. girl kaya nga ko nagpaganda kasi malay mo magustuhan niya rin ako. di ba? malungkot niyang sagot.
"nandun na nga ko. pero sigurado ka ba na magugustuhan ka niya pag gumanda ka? paano kung hanggang friend lang pala ang turing niya sa'yo? friend kapag kabaligtaran ang mangyari, alam mo bang mawawala rin pati friendship niyo? hindi naman sa dinadown kita pero ayaw ko lang masaktan ka." sabay hawak ko sa kamay niya.
"pero girl paano kung magustuhan niya ko??? o di kaya may gusto na siya sakin pero hindi lang niya maamin? paano kung tinatago lang pala namin yung feelings namin for each other? kaya ako na ang maglalakas ng loob na umamin pag nakahanap ako ng tiempo. " ramdam na ramdam ko naman yung pag-asa niya na totoo yun.
"girl hindi kita mapipigilan. kung yan ang gusto mo, sige. mukha naman masaya ka. ang sakin lang naman, pinapaalalahan lang kita sa mga posibleng mangyari. pero ganun pa man susuportahan kita sa gagawin mong yan." sabay ngiti ko sa kanya.
"thank you bestfriend! the best ka talaga!" sabay yakap niya sakin.
END OF FLASHBACK
"HUYYYYYYY!!!!!!! ano?" sigaw ng malakas ni Kief sabay alog sa braso ko.
"ah...eh... yun ba???" ano kasi gusto ni Alex na maging memorable yung last yr niya sa hs kaya napag-isipan niya nung summer break natin na mag-iiba siya ng look." hayyy buti nalang at medyo mabilis ako mag-isip -.-
"ah yun pala yun! wow! lakas talaga ng trip ni Alex ah! hahaha"
"oo! yun! yun yung reason kung bakit! sabay talikod ko sa kanya. "oo yun." sabi ko ng mahina at naglakad papuntang escalator.

BINABASA MO ANG
ONE HEART ONGOING
Romancepaano kung marealize mo na mahal mo pala siya? handa mo ba siyang bawiin sa taong nagmamahal sa kanya at panindigan ang pagmamahal mong minsan mo ng binalewala?