ALEX'S POV
"nay Pilar, alis na po ko!" paalam ko kay yaya. palabas na sana ko ng gate nung mapatigil ako lumingon ulit sa kanya.
"bakit anak? may nakalimutan ka ba?" tanong niya.
"nay... may nabanggit na po ba sa inyo sila daddy kung kailan ang balak nilang umuwi?" actually, alam ko na ang isasagot ni yaya, pero nag-eexpect pa rin ako na baka iba na ang isasagot niya this time.
"anak wala eh. baka busy sila sa negosyo niyo dun kaya hindi pa sila makauwi. hayaan mo pag may balita sasabihan agad kita, ha?" tumango nalang ako sa sinabi ni yaya.
"sige po nay, alis na po ako." paalam ko kay yaya na sa mga sandaling iyon ay nalungkot sa reaksyon ko.
"sige, mag-iingat ka."
bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ng marinig kong may tumatawag sa akin.
"Alex!" napatingin naman ako sa lalaking yun at nagulat.
"Kief? ano ginagawa mo dito?"
"Alex, buti naman at naabutan kita. pwede bang pakibigay nito kay Neil?" sabay abot niya sakin nung notebook.
"Math notebook? kokopya na naman ba sayo si Neil? yun talaga oh!" napangiti siya sa sinabi ko, pero napansin ko yung mga mata niya na parang namumugto.
"Kief, ano nangyari sa mga mata mo? umiyak ka ba?" parang nagulat siya sa tanong ko
"ah eto? kaya ko aabsent ngayon kasi dahil dito. nagluluha kasi." sabay pahid niya sa mga mata niya.
"oo nga. mas magandang ipacheck mo na yan kesa lumala pa. teka, alam ba ni Jan na hindi ka papasok?"
"itetxt ko siya mamaya. hindi ko na sinabi kasi alam kong magpipilit yung samahan ako, ayaw ko naman na umabsent siya sa second day ng school dahil sakin." hmm may point nga naman siya.
"sige, baka malate ka pa." sabay bukas niya sa pintuan ng kotse.
"ay oo nga. osige, ingat ka ha? balitaan mo kami." sabay pasok ko sa kotse.
"sige. salamat ulit ha? bye!" sinarado niya yung pintuan at nagwave.
naglalakad na ko sa parking lot ng school namin ng mapatigil ako.
"si Neil ba yun?" sabi ko sa sarili ko. nakatayo siya sa harap ng entrance ng school at nakatingin sa direksyon ng kinatatayuan ko. nakangiti rin siya.
"teka hinihintay niya ba ko?" sabay tingin ko ulit sa kanya at nagulat ako dahil kumaway siya. kinilig naman ako at napangiti. tatakbo na sana ko ng may marinig ako boses sa likuran ko.
"hi baby Neil!!!!!!" sabi nung babae. nakita ko na lang siya nung dumaan siya sa harap ko.
"hi babe!" sagot naman ni Neil at nakipagbeso pa. pagkatapos nun ay tumalikod na sila at naglakad ng magka-akbay papasok ng school.
"arrrrgggghhhh! ang kapal!!!" sa sobrang inis ko, hindi ko na namalayan na nalukot ko na pala yung hawak kong flyer na binigay sakin nung mama kanina.
malapit na ko sa room namin pero iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina. hayyy, parang gusto ko sabunutan yung babae, ang landi kasi! -.- pero sino ba naman ako para gawin yun? girlfriend ba ko ni Neil? tinungo ko yung ulo ko habang naglalakad at hindi ko namalayan na may kasalubong pala ako kaya ayuunnn!
"AAARAAAAYYY!" sabay hawak ko sa ulo ko at tumingin sa nakabangga ko.
"toots?"
"hi toots!" sabay ngiti niya sakin na may kasama pang pagkaway. waaaa! bakit ganito? bakit nawala lahat ng galit ko sa kanya? T.T
"ui toots, pasensya ka na kung hindi kita nahintay dun sa parking lot kanina ha? si Abby kasi eh" sabay kamot niya sa ulo at napangiti pa siya.
"ok lang."sabi ko. teka? parking lot? kanina? so ibig sabihin nakita niya ko? pero mas pinili niyang iwan ako dahil kay Abby!???
"toots? ok ka lang ba? hello!??" biglang nag-iba yung aura ko. aalis na sana ko pero naalala ko yung pinabibigay ni Kief. dali-dali kong kinuha yun sa bag ko at ibinigay sa kanya na parang pahampas.
"oh ayan! pinabibigay ni Kief!" pagkabigay ko sa kanya ay dali-dali na kong pumasok sa room.
"ang kapal!!!!" sabi ko sabay pamewang. nawala naman yung galit ko nung napatingin ako kay Jan na nakahalumbaba.
"girl! nagtext na ba sayo si Kief?" tanong ko agad sa kanya.
"oo girl. nag-aalala nga ko eh" sabay tingin niya sakin.
"Jan, don't worry! ano ka ba? malayo sa bituka yun noh! di, ba toots?" sabat ni Neil na umakbay pa sakin with matching kindat pa pero inirapan ko nalang siya.
"oo nga girl. wag ka nga mag-emote jan! cheer up! ok?" sabay haplos ko sa likod niya. napangiti naman siya samin ni Neil.
mabilis lumipas ang mga oras. nasa last 15 mins na kami ng lecture ng biglang nagoff topic si Mam.
"class, nga pala may sasabihin ako sa inyo. sa darating na prom, hindi na kayo pwede mamili ng magiging kapartner niyo. bawal din ang outsiders." hindi pa tapos magsalita si Mam pero ang mga classmates namin nagreact na.
"class! quiet!!!!!.. as i was saying, hindi na pwede yun. ang magiging kapartner niyo ay mga 3rd yr students."
"ano!?...Mam naman!....ano ba yan!" halo-halong reaskyon ng mga kaklase namin.
"ok class. you may now prepare for dismissal."
"kaasar!" napalingon naman ako kay Neil nung sinabi niya yun.
"problema mo?" sabi ni Jan
"hindi ko na madadate sa prom yung gusto ko!" napatigil naman ako sa pag-aayos ng gamit ko dahil hinihintay ko yung susunod na sasabihin ni Neil.
"sus! big deal ba sa'yo yan??? eh baka nga malaman nalang namin yung kapartner mo sa prom eh dinedate mo na!" sagot ni Jan.
"Jan hindi! yung prom ang hinihintay kong pagkakataon para sabihin sa kanya na she's special to me." paliwanag ni Neil.
"wow! alam mo pala yang word na SPECIAL??" sabay tawa ni Jan.
"oo naman! at pagdating sa taong yon, seryoso ako. special na special siya sakin. my special someone." seryosong sabi ni Neil.
"ok! sabi mo eh!" sabay tayo naman ni Jan para ayusin yung gamit niya.
hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. natutuwa ako dahil pakiramdam ko ako yung tinutukoy niya pero ayaw ko namang umasa. ahh basta! susugal nalang ako, mukha namang may laban ako. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
ONE HEART ONGOING
Romancepaano kung marealize mo na mahal mo pala siya? handa mo ba siyang bawiin sa taong nagmamahal sa kanya at panindigan ang pagmamahal mong minsan mo ng binalewala?