SECRET LOVE

23 2 1
                                    

DWAYNE'S POV

ang bilis lumipas ng panahon. parang dati lang nung sabihin ni Papa na lilipat na kami sa Cagayan dahil magbubukas siya ng bagong branch ng restaurant doon. pero ngayon? heto na ulit ako at back to Manila na!  IT'S GOOD TO BE BACK!

ako nga pala si DWAYNE SAMONTE, 16 years old at transferee sa Kierville School. actually parang hindi naman ako transferee kasi one year lang naman ako nawala sa school na yun. doon na ko nag-aral simula Nursery, Kinder , Prep to 2nd year highschool at eto nagbabalik ako bilang 4th year student.

"lalim yata ng iniisip natin ah? dahan-dahan lang baka malunod ka!" napatigil naman ako sa pagmumuni-muni dahil sa nagsalita, si Alex. sinundo ko siya ngayon para sabay na kaming pumasok sa school. namiss ko kasi siya ng sobra.

"ikaw talaga! hindi ka pa rin nagbabago. bigla-bigla ka nalang sumusulpot ng walang pasabi. " sabi ko sa kanya at sinubukang guluhin yung buhok niya pero nasangga niya agad yung kamay ko.

"HEP! HEP! don't you dare touch my hair!! " hinawakan niya yung kamay ko at ibinaba ito.

"aba! aba! at kelan ka pa nagkaroon ng pakielam kung magulo yang buhok mo?" nilagay ko yung kamay ko sa baba ko at umastang parang nagtataka.

"Dwayne naman, hindi pa ba nagsisink-in jan sa utak mo na hindi na ko yung tomboyish na friend mo? nagpakababae na ko noh!" talaga palang tinutoo na niya ang pagiging babae niya. kala ko kasi nagbibiro lang si Kief kagabi.

"teka nga, mag-usap nga tayo ng seryoso Alexis. bakit ba naging dalaga ka na at hindi na binata?" tanong ko sa kanya at inakbayan siya.

"binata ka jan!" nagsalubong agad yung kilay niya at siniko niya yung gilid ko.

"ARAAAYY! grabe ka Alexis ha! itsura mo lang pala ang nagbago pero hindi yang ugali mo. may pagka-amazona ka pa rin!" nagkukunwari akong nasaktan at hinawakan ko pa yung gilid ko na siniko niya.

"CHE!!!" sabay talikod niya sakin at sumakay na sa kotse ko. hindi pa rin siya nagbabago, mabilis pa rin siyang mapikon at magtampo.

walang imik si Alex simula noong umalis kami sa tapat ng bahay nila kanina hanggang ngayon dito sa school. nagalit nga siya siguro nung inasar ko siya . teka,,, alam ko na!

"ano yan?" tanong ni Alex nung inabot ko sa kanya yung box na maliit.

"peace offering ko." sana magustuhan niya.

"sus!" sabay kuha niya nung gift at binuksan.

"wow! ang ganda naman nitong bracelet! thank you Dwayne!" dali-dali niyang tinanggal yung tag na nakakabit sa bracelet at isinuot niya ito.

"pinatatakan ko yan ng name mo sa may ilalim. meron din ako. eto oh.." kinuha ko sa bulsa ko at pinakita ko sa kanya yung bracelet ko.

"naks naman! teka, bakit parang hindi mo sinusuot yang sa'yo?" siguro napansin niya na may nakalagay pang tag sa bracelet.

"sabi ko kasi na isusuot ko to kapag naibigay ko na yung katerno sa'yo." nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko.

"ang sweet naman! hmmm, thank you Dwayne ha? thank you hindi lang dahil dito sa bigay mo, thank you kasi bumalik ka na. sobrang namiss ko kasi yung bonding natin."  ako naman ang napangiti sa sinabi niya. kung alam niya lang na miss na miss ko rin siya.

"wala yun! ikaw pa! ang lakas mo sakin!" pero actually hindi naman yan ang gusto ko sabihin kundi,

.

.

WALA YUN! KAHIT ANO PARA SA'YO. MAHAL KASI KITA.

oo, mahal ko si Alex higit pa sa isang kaibigan. mahal ko na siya noon pa kahit mukha siyang tibo, at mamahalin ko pa rin siya kahit hindi siya nagbago. natatakot lang ako aminin sa kanya kasi baka lumayo siya sa akin. alam mo yun? masira yung friendship namin, kaya nagdecide nalang ako na kahit kaya kong itago, itatago ko. hindi ko nga lang alam kung anong gagawin ko kapag hindi ko na kayang pigilan.

"wuist! Dwayne!" natauhan ako bigla nung naramdaman kong inalog ni Alex yung dalawang balikat ko.

"tulala ka na naman diyan! halika na nga at pumasok na tayo!" sabi niya at nauna na siyang maglakad sa akin. hayy Alexis, kelan kaya ako magkakalakas ng loob na sabihin sa'yo ang nararamdaman ko?

ONE HEART ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon